Photobucket
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na muni muni. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na muni muni. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Agosto 03, 2009

isang pagpupugay sa mapayapang pagpanaw sa ina ng demokrasya

Miyerkules, Disyembre 31, 2008

pagbabalik tanaw

bagay na ang lahat ay nag-aahin na ng kani kanilang saloobin sa nalalapit na paglalakbay, hayaan ninyong ako naman ang magpaagos ng aking emosyon.isang malaking pasasalamat ang mailalatag ko sa pahinang ito, kung hindi dahil sa bawat ngiti at halakhak hindi ko mahahanap ang landas ng daang tinahak.

PARA SA DARK CYAN:
hindi matatawaran ang samahan na hinubog ng isang taon at tatlong buwan. madami ang natanggal, umalis at muling bumalik, narito pa din tayo. hindi man kabilang sa iisang grupo ay magkakabugkos pa ring nagpapatuloy. para kay glenn na ngayon ay namamalagi sa cebu, at kay don figueroa, salamat.

PARA SA MGA OPS, QA AT SENIOR AGENTS:
salamat sa paggabay sa bawat call, at pagtanggap ng mga sup calls. salamat sa mga puna sa mga dapat at hindi dapat gawin. sa mga voice at email monitors kong di kaaya aya ang grado, bagay para pagbutihin at paghusayin ang bawat tawag na tinatanggap ko.

PARA SA MGA BAGONG WAVES:
malayo pa ang inyong mararating, pagbutihin pa ang magandang simulain. sa mga bagong ka-tropa... kilala nyo kung sinu-sino kayo... maraming salamat sa pagkakaibigan.

PARA SA MGA TAGA ESKINITA:
hindi man magkaroon ng eskinitang tulad ng mayroon tayo, mananatiling buo ang pagkakaibigang nagsimulang sumibol sa sulok ng silid na kinaroroonan ko. hindi matatawaran ang bawat paraang ginawa natin maitakas lamang ang bawat chips at starbucks kay bato at sa kanyang mga alagad. good job ika nga :)

sa bawat nilalang na hindi nabanggit, sa bawat DOTS ni glenn at ni kitkat, sa bawat walk through, cc failed, reorder at not mine, sa bawat irrate caller, sa bawat mabagal na pc, sirang ampli at defective na headset, sa bawat tao ng Shutterfly-IBM, manila, at higit sa lahat, para sayo na bumabasa nito...MARAMING SALAMAT.

isang masayang pagbabalik tanaw ang aking gagawin... hindi tayo dito nagtatapos....


-ito ang hudyat ng panibago kong paglalakbay...

Lunes, Hulyo 28, 2008

para sa bayan

lazy sunday night, hours before SONA, i sent out an SMS blast to all smart and tnt contacts on my phone book list. it was only a random thought and never expected someone to respond. after a few minutes, tantrum shoot me his message and same as joanne (blopen[at]kape) ..our balagtasan goes like this...

pen: sa kabila ng kaliwa't kanang sakit ng lipunan, halina't isayaw ang lasing na kaisipan.. PADAYON!!!

tantrum: at bukas, sa paglalahad ng kasinungalingan ng nagmamalaking pamahalaan, sabay sabay tayong sumigaw ng kalayaan para sa ating bayan. PADAYON!

pen: padayon! hindi dito nagtatapos ang laban ni juan. simula pa lamang ito ng pakikipagniig para sa karapatang sa atinay itinanggi. tayo ay magpatuloy!

joanne: isabay sa kalansing ng mga yelong nag-uumpugan, lipunang may anay mula sa bunbunan ng mga gahaman... ating pagkalango, isayaw... ikampay... sa pag-asang pananampalataya na sa ating mga puso'y nag-uumapaw...


tantrum: LABAN PARA SA KALAYAAN! BANGON JUAN! wag kang sumuko sa panggigipit ng mapang-abusong pamahalaan. dugo't pawis na pinuhunan, wag tayong patatalo sa buwitreng gahaman! LABAN!
pen: itaas ang telang bumabalot sa lahing nakagisnan.. isigaw ang iyong pangalan.. AKO SI JUAN! LALABAN AKO PARA SA AKING BAYAN!

tantrum: ako si juan! ako ay para sa bayan! at ang bayan ay para sa ating lahat! ipaglalaban ko ito kahit kapalit pa ang buhay ko! mahal ko ang bayan ko at lahat ng nagmamahal dito..MABUHAY ANG PILIPINAS!


this is how our thread goes until i dozed off. move forward juan... PADAYON!

Linggo, Hunyo 15, 2008

ngayon ay father's day. subalit hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipagdiwang o ipagsawalang bahala na lamang. lagpas dalawang taon ko na rin kasing hindi nakikita ang perslab ng buhay ko. mailap kung siya ay magpakita sa panaginip. sa mga pagkakataong iyon, hindi pumapalyang manubig ang mga mata ko, animo'y nagmistulang pabrika ng mga luhang hindi alam kung saan tutungo.

si papa ang nag-iisang super hero ko. siya si shaider na handa akong ipagtanggol sa mga kasanib ni haring ley-ar. siya ang taga punas ng luha ko sa sandaling dumanak na ito, taga haplos ng likod ko sa sandaling ang kalungkutan ay sumaklob sa akin. parang salamanka na isang pitik lang ay maayos na ang lahat. nakita ko sa kanya ang ehemplo ng isang butihing ama at butihing asawa. maswerte kami ng mga kapatid ko sapagkat hindi niya kami pinabayaan. kabalikat ni mama, dalawa silang nagsumikap upang mabigyan kami ng marangal na pamumuhay.

pa, kung nasaang lupalop ka man ng kalangitan, nangungulila ako sa iyo ng lubus lubusan. makita lang kita kahit sandali, yayakapin kita ng sobrang higpit. hindi man kita nabigyan ng maginhawang buhay noong mga panahong ipinahiram ka Niya sa amin, alam kong higit pa sa kaginhawahang kaya kong ibigay ang ngayo'y natatamasa mo. mahal na mahal kita! happy father's day!

Biyernes, Mayo 30, 2008

Ang Pangalan ko ay Pen Palaboy


Ako si Pen Palaboy. Hindi ko tunay na pangalan subalit mas kilala sa ganyang bansag. ilang taon na din ang nakalilipas noong una kong bininyagan ang sarili sa ganyang tawag. Napagtanto ko, bakit nga ba tila nakatayo ako sa likod ng pangalang ito? Wala naman akong kinatatakutan o pinagtataguang nilalang. Totoo naman ako sa aking sarili, sa aking ipinahahayag at sa aking isinusulat. Totoo ako sa lahat ng nakakakilala sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, bakit pinili ko pa ring maging anino ng isang pangalang binuo lamang ng aking pag-iisip? Sa totoo lamang, kung hindi dahil sa challenge na ito, hindi ko maitatanong ang sarili kung bakit kailangang magkaroon ako ng pen name.

Napagisip-isip ko na marahil para sa karamihan, ang pagkakaroon ng isang alyas ay isang paraan para magkaroon ng misteryo ang kanilang identity. Naroon nga naman ang thrill kung hindi kilala ng mga mambabasa ang tunay na pagkatao ng may akda, kung baga isang blind item pagdating sa usapang showbiz. Malaya nilang nasasabi ang nais nilang isiwalat nang hindi nalalaman kung sino ang tunay na nilalang sa likod ng pangalan. Ngunit sino nga ba naman ako upang magsalita para sa kanila? Hindi ko hawak ang kanilang saloobin at pagkatao sa usaping ito. Para sa akin, sa tuwing nag-uumpisang maging aktibo ang panulat ko, isang panibagong nilalang ang nabibigyang buhay. Isang katauhang malayo sa AKO sa pang-araw araw na pamumuhay. Sa pagkakataong iyon, naihahayag ko ang nais kong sa sabihin sa paraang alam kong gawin.

Sa realidad, ang katawang lupa ay nakatali sa maraming bagay: trabaho, bahay at pamilya. Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at ng oras. Kahit anong paraan ay hindi kailanman matatakasan ang mga bagay na ito. Tila ang sarili ay nakakulong sa apat na sulok ng isang kahon. Limitado ang bawat galaw at bilang ang bawat hakbang. Alam kong obligasyon ko ito sa mga kaluluwang nakapaligid sa akin. Subalit sa isang banda, masasabi kong hindi ako malaya. Hindi malayang gawin ang mga bagay na lubusang makapagpapaligaya sa akin. Marami nang pagkakataon ang kumatok para maabot ko ang minimithing mga pangarap subalit sa hindi matawarang mga katungkulan, madalas ay kibit-balikat ko na lamang na pinapanood ang pagdaan nito sa aking harapan. Sa mga ganitong okasyon, matinding kalungkutan at pagsisisi ang bumabalot sa akin lalo pa at hindi ko nakasanayang maging bukas sa aking tunay na nararamdaman. Marahil ay dulot na rin ng pangambang baka ako ay hindi maintindihan at hindi mapankinggan. Alam ko na ang sariling hinaing ay wala sa kalingkingan ng sakit na dinarananas ng ating lipunan. Subalit kung ang bawat butil nito ay iipunin, isang tipak ng nagpupumiglas na kalooban ang mabubuo. Kaloobang puno ng katanungang wari ay wala nang katapusan.

Bago ako naging ganap na si Pen Palaboy, nagsimula ako bilang si Penslave. Pen dahil sa hilig ko sa pagsusulat at slave dahil ako ay alipin ng aking panulat. Hindi nagtagal at dumating ako sa panahong kinailangan kong humanap ng kasagutan sa mga tanong na patuloy na namumutawi sa aking pag-iisip. Mga tanong na kahit isulat pa ang buong litanya nito ay hindi matutuldukan ang walang katapusang mga pag-aagam agam. Dahilan upang tumigil ang aking kamay sa paghabi ng mga salita. Sinuyod ko ang bawat kayle at eskinita ng aking kaisipan kasabay ng paglalakbay ng aking mga paa. Paglalakbay na walang eksaktong lugar na pinanggalingan at walang eksaktong patutunguhan. Nakalutang ako. Lango sa problema. Hinayaan kong matuklasan ng mga lumilipas na oras ang bawat sagot sa kumakalampag na mga tanong sa akin. Sa hindi matawarang dahilan, nakatulong ang paglalakbay. Nahanap ko ang mga kasagutan sa mga salitang saan, papaano, kailan at bakit. Sa pagkakataong iyon, muling dumaloy ang natuyo kong tinta. Muli akong kumapit sa panulat at humabi ng salita. Dito isinilang si Pen Palaboy.

Bilang si Pen Palaboy, nasimulan kong ilahad ang lahat ng nasa isipan ko. Lahat ng mga nakabibigat sa kalooban ay unti unti kong napakawalan sa tulong nitong butihing panulat. Noong una ay wala akong pakialam basta’t nagsusulat ako sa sariling kagustuhan, bilang outlet at hingahan ng problema. Hindi nagtagal, nagkaroon ako ng mga mambabasa, mga kaibigan at mga tagahanga. Dito, naramdaman ko na kabilang ako sa sirkulo ng bagong mundong ginagalawan ko. Kinagiliwan ko ang mainit nilang pagtanggap. Ang bawat salitang isulat ay katumbas ng tunog ng isang batingaw, nililingon, dinidinig at binibigyang pansin. Masaya ako. Malaya.

Sa mundong pinaghaharian ng kabi-kabilang kurapsyon, trapiko at pagbabago, ako ay tinatawag na DANG. Tahimik at hindi naririnig ang munting tinig. Sa mundo ng salita, larawan at kuro-kuro, ako ay kilala bilang PEN PALABOY. Nilalang na ang tanging sandata ay emosyon bilang sinulid sa bawat salitang hinahabi. Hindi man natamasa ng katawang lupa ang kalayaang inaasam, sa mundong ito ay malayo pa ang mararating ng bawat salita ko. Kasama mo, aangkinin natin ang mundong ito.

__________________________
"This is my entry to the Blog Awards Challenge No. 3: The Hazards Of Honesty"

Huwebes, Mayo 15, 2008

im currently at work, staring blankly at my monitor. waiting for a call to penetrate my avaya, thinking..wishfully thinking that my permanent rest day request will be granted. it will be just for all saturdays and sundays from june to august (is it too much to ask for?? *wink! wink!*). this urgent request is for the upcoming LIRA workshop.. yes! a writing workshop that i've been dying since ages to attend to. and now, it is already in front of me, inviting me, pulling me, teasing me, tickling me (as if hearing the song oh lumapit ka.. kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..)

it was just a few days ago when vener and i bumped into each other in ym.

vener: musta?
pen: ok lang. kaw?
vener: ok lng din. punta ka ba sa LIRA?
pen: ano un?
vener: writing workshop un. punta ka website
nila.

pen: cge cge. ano
url?

vener: search mo na lang,
hindi gumagana saken dito ung link

vener: sat at sun yan
pen: darn!
vener: d ka makapunta?
pen: dko sure e kc work..
vener: sayang nman.
pen: kaw punta?
vener: hindi e.
pen: waaah! bakt?
vener: madami kc ko gagawin..


(at nagkaroon na ng mahabang pause hanggang nag log out na ang isa sa amin..at hindi eto ang eksaktong mga salitang ginamit..props lang hehe!)

im crossing my fingers (and toes too..if it is hell possible to do!) that this will be granted. im calling on the patron of writers and godess of quills! writing is my passion and enhancing it will be a big step for me.

i've been writing (in filipino) since the era of pinoy alternative genre popped out of its shell,the time when ely is still the drop-dead-frontliner of eheads (o pare ko meron ka bang maipapayo? kung wala ay ayos lang..). this is a personal choice, since this is one way of showing my love for our country (pero sa entry na to english talaga dapat :D). i never thought that writing would be my passion. it started as one of the what if moments in my adolescence..what if im a band member who sings her lungs out for the song she wrote..or what if im a song writer of a chart buster song.. or simply what if im a writer who spills out what's on her mind.. the rest is history.. naks!

soooo.. for you who is reading this, please..PLEAAAASSSEEE (i'm begging please) to include me in your prayers *beautiful eyes * hehehe!

thank you! ok back to work..

by the way para sa mga nais ng kabuuang detalye tungkol sa LIRA, paki-click lamang ang kasunod na screen shot (nose bleed nako :D )..ok back to work na talaga..






Martes, Mayo 13, 2008

sa palagiang bangayan
hindi nakakatulong ang isinasambulat mong mga kataga

sa kasalukuyang kalagayan ng katawang lupa
umaapaw ang pagdurugo ng kaluluwa
damdaming sumisigaw sa kalagitnaan ng pag-iisa


TAMA NAAAAAAAAAAA!!!

pang-unawa mo ang kailangan ko...


Biyernes, Abril 18, 2008

liham ng isang mangingibig

hindi ko alam kung paano magsismula..

maraming salamat sa lahat. maayos na ako ngayon kahit papaano. iniisip ko na lamang na sa takdang panahon, malalaman at maiintindihan ko din ang itinatgo mong dahilan. makakasabay na din ako sa ago
s ng maramot na panahon at muli akong makakabangon. alam mong naging masaya ang isang tulad ko sa piling mo. tila ang lahat ng mga bagay ay una para sa akin. ikaw ang naging dahilan ko upang salubungin ang bawat araw na may ngiti sa aking mga pisngi. lahat ng pangamba, sa tuwing ikaw ay kapiling, ay naglalaho na tila mga bulang nagpuputukan sa himpapawid. lahat ng pag-aagam-agam ay nasasagot sa oras na ako'y makulong sa iyong matitipunong mga bisig.


huwag kang mag-alala, hindi kailanman ako magkakaroon ng galit sa puso ko. sa kaisipan ko'y hindi ko mahanap ang rason upang mamutawi ang panibugho. alam kong nahihirapan ka din kagaya ng aking nadarama. hindi kita tatanungin, sapagkat marahil ang dahilan mo ang kumitil pa sa akin. isang nakakatuwang bagay lamang na may iilang buwan pa lamang ang nagdaaan ay tila isa kang makatang handang ibigay ang mga bituin sa akin. makalipas ang ilang saglit, kung bakit ay parang hinipan ka ng hangin palayo sa akin..

magiging mabait at maayos ako tulad ng palaging bilin mo sa akin. hindi ko kakaligtaan ang mga iyon. alam ko nariyan ka lamang. hindi mo man natupad ang mga pangako mo sampu ng mga pangarap mo para sa atin, alam kong nariyan ka lamang. nakamasid at patuloy na umaantabay. hindi kita kalilimutan, ang isang tulad mo ay may pitak na dito. patuloy akong magmamahal.

sa sandaling sumapit ang dapit hapon, umaasa ako na ikaw ay nasa tabi ko.. maghihintay ako.



Sabado, Pebrero 23, 2008

gusto ko nettoooooo!!!

nagsurf ako sa internet kagabi para magpaantok, naghahanap ng kung ano anong kagigiliwan ng mga matang kinakalyo sa pagabababad sa online games. click dito click dyan hanggang sa naalala ko ung gusto kong jacket..yung guto kong CDs, yung gusto kong libro at kung anu-ano pang anik anik.. maya maya pa, sumisigaw na ang isang boses sa isip ko ng.. GUSTO KO NYAAAAAAN!!! eto ang karmihan.. :D


nagmember ako sa yabang pinoy at ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang kanilang rattan made wrist band. sa bawat isang mabenta nila ay karagdagang tulong sa mga malikhaing kamay na masusing gumawa ng mga ito. meron nko neto at nabili ko noong Feb 14 sa our tribe sa market! market! bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PROUDLY FILIPINO MADE! yebah!




isa sa mga nakita ko sa yabang pinoy ay ang kanilang bigkas pilipinas ( isang CD ng kanilang spoken poetry). hindi ko pa ito napapakinggan at wala pa ako nito. binabalak ko pa lang bumili sa darating na rest day. bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PINOY ROCKS!













after the veeeery long wait (simula pa noong nobyembre).. it's back and still sizzling hot! ang kinagigiliwan kong kape vinta ng starbucks ay muling nagbabalik. nung pasko ko pa gusto neto, dahil nga sa ang nakalgay sa mga estante ng satrbucks e puro holiday edition na tumblers, nag-antay pa talaga ko kung kelan uli magkakaron. meron nako neto, nabili ko lang nung Feb 18. bakit ko kamo ito nagustuhan? simple lang, PINOY PRIDE!











nung Feb 20, una akong napadpad sa pinoy poets web site sa tulong ng isang kaibigan na si rain seeker (isang alipin rin ng panulat). masusi kong hinalughog ang site na yon at binabalak na maging myembro (hindi pa ko nakakapag sign-up dahil sa memory gap). nakita ko ang dalawang produkto nila, ang ora poetica (isang compilation CD ng spoken poems) at ang obras in verse (folio ng pinoy poets). tinext ko si rommel (isang super hero na may kasagutan sa mga tanong sa mga nasabing produkto) at nabanggit niya na out of stock na daw yung CD; yung folio meron pa. subalit, ngunit, datapwat, sa kanyang kabutihan at busilak na kalooban, magpapadala daw siya ng mp3 file ng ora poetica sa email ko at kung gusto ko ay pede din siyang mag-burn ng isa para sa akin (nice noh!).. pero kung kelan, hindi ko alam hehehehe! bakit ko gusto 'tong mga 'to? simple lang, ISA AKONG PILIPINONG MANUNULAT!


nung isang gabi sinabi sakin ng bunso kong kapatid na meron siyang nakitang pinoy adidas jacket. sa tindi ng antas ng aking kyuryosidad, nakita ko ang minimithing jacket. isa lang ang nasabi ko.. nakanamp*ta (with matching tulo laway) !!! asteeeegggeeennn (sabay teary eyes pa..) !!! pero may catch, sold out na ang limited edition na to. ang halaga, tumataginting na 4,595php. (red alert! red alert! parang narining ko si pitakang umaray), pero ok lang naman. minsan lang to repa! pero nga.. SOLD OUT!!! ang alam ko magkakaroon uli ng reproduction sa abril. marami na ang nakpagpareserve, pero hindi ko alam kung pareho pa din ng presyo at hinid ko pa din alam kung saan makakapagareserba.. haaay! til further notice.. bakit ko nagustuhan to? THE JACKET IS THE REASON ITSELF.. *ngisi*











and lastly, eto ang pinaka matindi sa lahat! limited air force 1-tribute to jose rizal ng nike, $399 (aprroximately 16000php), SOLD OUT! nakakagigil! pag nakakita ko ng may suot neto, nako! matik na un dude, haharbatin ko kaagad (chenes!). ayon sa mga advisers ko, nag produce lang ng 500 pares para dito at hindi nag issue dito sa pilipinas.. nakakalungkot db? anyways, alam ko, alam mo, at alam nating lahat na ang mga pilipino ay maparaan..kaya siguro ilang linggo mula ngayon ay meron na nito sa greenhills, o sa baclaran, o sa market!market! at kung saan pang lugar..ehehhehehehe! (wag mamirata! chenes!) *ngisi* bakit ko to gusto? isa lang, ASTEEG MAGING PINOY!






***kung titignan natin mula sa malayong pananaw, kabikabila na ang mga kontrobersyang dinaranas ng ating lipunan, hindi na mababago yun. hindi na mabubura yon. hindi pa sinisilang mga ninuno natin meron na un. pero kahit ano pa ang mangyari, masarap maging pilipino. masarap ang pagmamahal na wagas ng mga magulang at mga maiinit yakap galing sa kaibigan. masarap ang malulutong na hagikgikan, samahang walang katulad. kaya ikaw, oo ikaw na nagbabsa nito, proud ka ba maging pinoy?

mga pinagkuhanan:
cgi.ebay.ph
yabangpinoy.com

pinoypoets.com
flicker.com
rareairforce.com

Miyerkules, Pebrero 13, 2008

intro

ilang oras na din ang ginugol sa pakikipagniig at pakikipagtalo sa pag-iisip. hapo na ang mga daliri sa pagkiliti sa mga tiklado ng makinilya. malamig na ang kapeng kanina'y tinatalo ang nginig ng katawang nangangatal sa simoy at hamog ng gabi. payapa na ang kapiligiran habang patuloy na nakabantay ang orasang nakakapit sa kupas na dingding. subalit sa kabila ng kalagayang ito, ang diwa ay namumutawing mulat at patuloy na hindi mapakali.

sa pagkakataong ang insiprasyong mailap ay muling nagpahaging, muling dadaloy ang tintang minsang natuyot na. muling sisisid ang kaisipan sa karagatan ng kamalayan at muling ipagpapatuloy ang pag-inog ng naudlot na obra, at unti-unting mabubuhay ang mga ideyang isinilang dulot ng mainit pagtatalik ng emosyon at kaisipan.

sa sandaling mailagay ang tuldok, paulit-ulit na hahagurin ng mapupungay na mga mata ang mga katagang binigyang kulay ng mapaglarong imahenasyon. sa kabila ng pagod na katawan, isang namamanghang ngiti ang guguhit sa mg labi; isang maipagmamalaking pakiramdam ang sasaklob sa sarili.

tunay nga't ang kaisipan ay walang palya sa paghahabi ng pinagtagpi tagping mga salita, subalit hindi biro ang pagsusulat. hindi man ako isang kwentista o makata, hayaan mong saglit kong ipasyal ang diwa mong lasing sa kabikabilang suliranin ng ating
lipunan..

Linggo, Pebrero 03, 2008

babang luksa

para kay lucien

ika 27 ng abril, unang patak ng ulan sa tag-init. bahagyang lumamig ang paligid sapat upang maginhawahan ang sariling nanggigitata sa pawis.ang himpapawid ay makulimlim, si amang araw ay panandaliang nagtatago sa likod ng kanyang nangakapal na mga ulap. ang hangin ay tila umuungol sa hinagpis tila nakikisabay sa pagdadalamhati.

subalit sa kabila ng biglaang alburoto ng panahon, ang bawat isa sa kapaligira'y abala pa rin sa kanilang ginagawa. patuloy sa pagdiskarga ng mga case ng beer ang mga kalalakihan sa tabing sari-sari store. ang tindera ay hapong sumisigaw at naglalako ng kanyang tindang kakanin, bitbit sa kaliwang kamay ang bilao at sa kanan ang isang kupas na mabulaklak na pulang payong. ang kambal kong kapitbahay ay patuloy sa pagpapadyak sa kinakalawang nilang mga bisekleta, tila nag-uunahang pabalik-balik sa madulas na kalsada. ang iba pang mga bata ay maligalig na nagtatampisaw at masayang naglalaro sa malamig na luha ng kalangitan. bahagya akong nanlumo sa naobserbahang kapaligiran. ako'y napaisip at nagsumamo na papaanong ang oras ay patuloy na umiinog, bakit ang lahat ay patuloy sa kanilang pinagkakaabalahang bagay, samantalang ang isang tulad ko ay balisa at nangungulila sa aking ama.

isang taon na ang nakakalipas, mismong sa araw na ito ko huling naramdaman ang init ng yapos ng aking ama. huling nasilayan ang kanyang matamis na ngiti. "bye!" ang huli nyang katagang sinabi, patungo sila kasama ng aking ina sa heart center upang magpaadmit. bagamat may halong pangamba, bahagya akong nagalak sapagkat maisasakatuparan na ang matagal nang operasyong hinihintay. subalit dalawang araw ang nakalipas, isang tawag ang natanggap ko mula sa aking kapatid.. pumanaw na ang aking ama.. nawala ang aking ulirat. hindi ako magkamaliw kung ano ang dapat na gawin, tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa aking buong katawan, tila lahat ng aking pandama ay ipinuslit ng mapaglarong pagkakataon. unti-unti na akong pinapaso ng nag-uunahan kong mga luha.. papaano kami? papaano ang kapatid kong nag-aaral pa? papaano ang kapatid kong nasa ibang bansa? papaano ang aking ina? tila nilamon ng luha ang aking wisyo. at tila gumuho ang mundo ko sa magkakahalong emosyon. takot. pangamba. pangugulila.tumigil ang oras. bawat segundong lumilipas ay katumbas ng mahaba at mapait na oras. wla na ang haligi ng pamilyang ito.

mahirap masanay nang hindi siya nasisilayan. mahirap sapagkat buong buhay ko ay nariyan siya at gumagabay. bawat hakbang sa paglaki naming magkakapatid, siya ay nakaantabay at nakamasid. tila kahapon lamang nang huli kong makita ng kanyang matamis na ngiti, ang kanyang mainit na yakap at malutong na halakhak. narito pa rin ang natatanging amoy ng kanyang damit at natatanging halimuyak ng kanyang pabango. kung minsa'y pakiramdam ko ay nasa likod ko lamang siya, nakasunod sa bawat galaw na gawin ko. subalit kung akin na siyang lilingunin, agad siyang naglalaho. tila isang elementong nilikha ng aking pag-iisip. kung narito lamang siya ay makikisabay siya sa mga batang naliligo sa lakas ng ulan at marahil, siya ay magluluto ng mainit at masarap na arroz caldo. kung narito lamang siya ay mapapawi niya itong pangungulilang nadarama. subalit wala na ang aking ama..

kasabay ng pagpagaspas ng mga nagsasayawang dahon mula sa puno ng matinik na boungamvilla, hinawi ko ang mga luhang kanina'y nahihiyang tumulo mula sa aking mga mata. mga luhang rumaragasa habang nanunumbalik ang mga naiwang alaala ng aking yumaong ama. dalawang araw mula sa ngayon, isang taon na ang nakalipas mula ng siya ay pumanaw. isang taon. isang taong hinagpis. isang taong pangugulila. isang taon upang matanggap ang lahat ng mga pangyayari. isang taon upang sya ay lubusan ko nang palayain.

ika 27 ng abril, tumila na ang unang ulan sa tag-init. maliwanang na ang himpapawid. ang mga ibo'y masaya nang humuhuni, tila isang hudyat upang itong pagluluksa'y hindi na muling ikubli. isang pahiwatig na siya ay naroon na sa Kanyang piling.. malaya ka na.

Miyerkules, Pebrero 22, 2006

takip-silim

may mangilan-ngilang oras ko na ring binabaybay ang kahabaan ng kalayaan; di inaalintana ang patak ng ulan na sumasaboy sa aking yayat na katawan. waring isang basang sisiw na naglalakadsa kawalan. hindi ko maubos maisip kung bakit tila ako'y walang kahapuan sa kabila ng mahabangpaglalakbay, tila ako'y dinadala na lamang ng sariling mga paa kung saan nito naising pumunta. tila baga may sariling pag-iisip at ako'y kanyang minamanipula at pinasusunod sa bawat kautusang nais ipagawa.

muli akong bumalik sa aking ulirat nang ako'y magpasyang sumilong at magpatuyo mula sa ngayo'y tumitilanang ulan. malamig ang paligid, malakas ang hanging dumadampi sa aking pisngi. tila isang mapagkalingangdaliri na umaanyaya sa aking silid. nais kong matulog...matulog at tuluyang makalimot as makamundongrealidad at mamuhay na lamang sa palasyo ng mga panaginip.

hindi ko mawari kung ano ang nais mong ipahiwatig. marami ang aking mga katanungan...mga katanungangikaw lamang ang makpagbibigay ng kasagutan. tila isa kang unos sa isang payapang kabukirang may dalang panganib. subalit sa kabila ng kaakibat mong panganib, ako'y isang alipin na patuloy pa ring nagaantay sa iyong pagdating. subalit hanggang kailan? nais kong malaman ang layonng minsang mong pagdating...nais kong malaman ang iyong kabuluhan.

hindi ko maubos maisip kung ikaw ba ay pawang totoong nilalang o isang ilusyon...isang tau-tauhang nilikha lamang ng aking mapaglaro at mapanlinlang na pag-iisip. nais kitang ikubli at angkinin subalit papaano?kailan? saan? marahil ay hindi ako pahihintulutan ng maramot na pagkakataon at mapagsariling tadhana, marahil ayipagpatuloy ko na lamang ang aking paghihintay bagamat walang katiyakan kung ika 'y muling masisilayan. marahil patuloy ko na lamang lulunurin ang sarili sa pag-asang baka dumating ang pagkakataong ako'y iyong sagipin. magsisilbi na lamang akong isang dilim na maghihintay habang ikaw na isang araw ay nagsasaboy ng liwanag sa ibang himpapawid.

gumagabi na. tila mga bituin na lamang ang nagbibigay ilaw sa daan bukod sa madalang na pagdaan ng mga rumaragasang sasakyan. tuyo na ang kaninang basang kamisetang kumakapit sa aking dibdib...tuyo na ang sapatos na kanina'y tumutunog sa bawat hakbang na itapak...tuyo na ang mga matang kanina'y naliligo sa hindi mabilang na patak ng luha. uuwi na lamang ako, marahil sa sandaling pumasok ako bahay ay naroon ka na at naghihintay...


2-10-06