Photobucket

Miyerkules, Abril 30, 2008

paglalakbay

kamusta?
dalawang taon na din ang nakalilipas nang huli tayong magkita.
malaki ang iyong ipinagbago mula nang huli kong maramdaman ang mga yakap mo.
masaya ako't muli ko na namang nasilayan ang mga ngiti mong nakakapagpapawi ng pagod ko.

matagal tagal ko na ring ninais na muli kang makapiling.
sana'y huwag nang kitilin itong nilaang sandali.
sana'y sa pagkakataong ito ako ay manatili sa iyong tabi
upang muling ipagpatuloy ang mga naudlot na layunin.

nawa'y huwag mong isiping nilisan kita.
sapagkat ito ay higit na hindi naging madali para sa akin.

labis na mahirap ang makitang
may dumdaloy na luha mula sa iyong mga mata.

sana'y mayroon akong paraan upang maibalik ang bawat panahong nagdaan,
panahong kung saan ang lahat ay nasa akin pang mga palad
ang bawat sandali'y susulitin, walang oras ang sasayangin
at sa piling mo, tayo ay magsisimula muli.

at ngayon na ikaw ay muling kapiling,
tulad mo, ako ay lubusang nananabik.
isang pagkakataon upang ang lahat ay muling sariwain
mga panahong isa-isang lumipad mula sa pahina ng ating gunita.

natatandaan mo pa ba ang mga panahong iyon?
nawa'y manatili ako sa isip mo at ang mga kahapong ako'y kasama mo.
ang bawat halakhak na ating pinagsaluhan at bawat luhang aking pinunasan.
lahat ng mga iyon, dito'y hindi mawawaglit sa puso ko.

hanggang dito na lamang muna, tapos na ang sandaling ipinahiram para sa atin.
sa pagkakataong kailanganin mo ang isang tulad ko,
agad kong didinggin ang tawag mo.
hindi mo man ako masilayan ay agad akong lilipad sa piling mo.

hanggang sa muling pagkikita.
ang mga habilin ko'y huwag mong kalilimutan..
sige na, huwag mo na akong lingunin..
huwag ka nang muling luluha pa..

sige na, sige na anak.
humayo ka na at imulat ang iyong mga mata.
narito lamang ako at hindi ko kayo pababayaan.
gumising ka na mahal kong anak..


___________________
RIP papa
we miss you badly..

Biyernes, Abril 18, 2008

liham ng isang mangingibig

hindi ko alam kung paano magsismula..

maraming salamat sa lahat. maayos na ako ngayon kahit papaano. iniisip ko na lamang na sa takdang panahon, malalaman at maiintindihan ko din ang itinatgo mong dahilan. makakasabay na din ako sa ago
s ng maramot na panahon at muli akong makakabangon. alam mong naging masaya ang isang tulad ko sa piling mo. tila ang lahat ng mga bagay ay una para sa akin. ikaw ang naging dahilan ko upang salubungin ang bawat araw na may ngiti sa aking mga pisngi. lahat ng pangamba, sa tuwing ikaw ay kapiling, ay naglalaho na tila mga bulang nagpuputukan sa himpapawid. lahat ng pag-aagam-agam ay nasasagot sa oras na ako'y makulong sa iyong matitipunong mga bisig.


huwag kang mag-alala, hindi kailanman ako magkakaroon ng galit sa puso ko. sa kaisipan ko'y hindi ko mahanap ang rason upang mamutawi ang panibugho. alam kong nahihirapan ka din kagaya ng aking nadarama. hindi kita tatanungin, sapagkat marahil ang dahilan mo ang kumitil pa sa akin. isang nakakatuwang bagay lamang na may iilang buwan pa lamang ang nagdaaan ay tila isa kang makatang handang ibigay ang mga bituin sa akin. makalipas ang ilang saglit, kung bakit ay parang hinipan ka ng hangin palayo sa akin..

magiging mabait at maayos ako tulad ng palaging bilin mo sa akin. hindi ko kakaligtaan ang mga iyon. alam ko nariyan ka lamang. hindi mo man natupad ang mga pangako mo sampu ng mga pangarap mo para sa atin, alam kong nariyan ka lamang. nakamasid at patuloy na umaantabay. hindi kita kalilimutan, ang isang tulad mo ay may pitak na dito. patuloy akong magmamahal.

sa sandaling sumapit ang dapit hapon, umaasa ako na ikaw ay nasa tabi ko.. maghihintay ako.



Martes, Abril 08, 2008

ARRRGGGHHH!!!

i've had my shift for this week for 7days, graveyard shift, straight... im now having this pretty awkward feeling of floating. darn! few more hours and ill be heading home to hybernate and do the catching up with the current events and with my friends in the internet. (yipppeeee!) surely it will be long hours of chat ang giggles for i have been out for quite a long time now.

amidst the ecstasy of the overwhelming calls and emails on a monday afternoon (PST), my QA called my attention for a dose of OTO (quality grading session for calls and emails) and eureka!!! another flunking grade!

POTAENA! yes i am hell pissed off!!!. wtf is wrong with my calls and emails when that gothling girl's my QA???
naaahh..i know you all don't have the answer for this, neither do i. just want to rant about it.. ohh well, so much for my looking-forward-for-my-rest day excitement.

i was told that there would be another ramp down this coming april (i.e. transferring agents from our account to another). it would be based on the QA scores for the months of january, february and april..so what happend to march?? it would not be included due to system inaccuracy..dammit! considering i got oh so high QA grades during that month. PUñETA! im just crossing my fingers for higher and better calls this april..grrr! that goes for you as well gothling!


gotta go..lunch time.

Biyernes, Abril 04, 2008

kundiman

sa sinisipat kong gunita,

ikaw ang tanging kantang
hindi malapatan ng musika.
pilit ko mang awitin ay
tila walang tinig ang marinig.
pilitin ko mang bumirit,
paos na boses ang isinasambulat ng bibig.

nais kitang awitan
at hayaang ang ritmo nito ang sa iyo'y yumakap.
nais kong ibulong ang damdamin
sa pamamagitan ng mapagkandili nitong uyayi.
nais kong isa-titik yaring isinisigaw ng aking sarili
at hayaang saniban ako ng kaluluwang mulat
upang hindi lamunin ng mapang-akit na gabi
ang natitirang lasing na pag-iisip.

sa pagkalabit ng marurupok na kwerdas
ng inaalikabok kong gitara,
imahe mo ang kumikiliti
sa ulirat na lango sa halimuyak ng iyong alaala.
ang mapupungay mong mga mata
at ang iyong taglay na ngiti
na dulot ay kakaibang kilig sa akin.

nais kong isa-himig ang iyong alaala..
ang alaala nating dalawa..
hanggat narito pa ang nakaraan sa lumbay na aking nadarama.
marahil sa pagkakataong ito,
ako ay iyong muling lingunin
at sa ganitong paraan,
ikaw na aking musika,
ay muli nang magbalik sa akin..

Huwebes, Marso 27, 2008



Sabado, Marso 08, 2008

tinig

sino ako?
ako ay isang babae.
babaeng tangan ng mapagkandiling mga bisig
subalit sa pagsapit ng gabi,
ako ay niyayakap ng kanyang
malalambing na suntok, dagok at pambubugbog.

mga salitang nakakapaso sa tuwing siya'y lango sa kanyang bisyo.


sino ako?
ako ay isang babae.
hawak ay aklat at aktibo sa pag-aaral
tanging dalang sandata patungo sa kinabukasan.
subalit sa pagsapit ng dilim,
katauhan ay ikinukubli sa indak ng mapang-akit na musika
at nakasusulasok na panandaliang aliw sa kama.
sa ganitong paraan ay maitatawid ko sa kahirapan ang aking pamilya.

sino ako?

ako ay isang batang babae.
sa halip na mamulat sa mundong kinikilala ang paglalaro
ito'y pinuno ng kabi-kabilang pasakit at panibugho.
sa halip na ang kayakap ay magiliw at nakangiting manyika,
sa pagtulog ay katabi ang naglalakihang pulutong ng mga baril at sadata.
kapayapaan ang hangad sa mundong kinamulatan.

sino ako?
ako ay isang babae.
iniluwal ng isang ina mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.
hinubog sa aruga at mainit na pagmamahalan.
subalit bakit ako umiiyak at tila nauubusan ng pag-asa?
bawat patak ng luha ay katumbas ng lakas na nawawala
napapariwara at naliligaw sa bawat lakad na ihakbang.
gayun pa man ay pilit pa rin hahawiin ang ulap sa aking tinatahakan.

ikaw. babae.
saan man tangayin ng hangin,
ano man ang landas na suyurin,
kahit na ilan pang kalamidad ang suungin,
ikaw pa rin ay mananatiling nilalang ng kagandahan at pag-ibig.
ikaw ang tagapagsaboy ng liwanag sa daang mapangalaw
isang mapagmahal na anak sa naghihikahos na magulang,
isang musmos na nakatuon sa kapakanan ng karamihan,
isang kaluluwang muling nahanap ang tamang daan.

babae,ilabas mo ang iyong damdamin.
palayain mo ang sarili at huwag manatiling alipin
sa bugkos ng bulok na lipunang sa iyo ay kumubli.
lumipad ka!
tumakbo!
abutin mo ang mga pangarap mo.
huwag kang manahimik na lamang sa isang tabi
iparating mo ang nais mong sabihin.
sumigaw ka!
kumanta!
babae, malaya ka!

lumaya ka...

Miyerkules, Marso 05, 2008

weee! part 2

may ilang araw din akong lumiban sa paglilibot sa mga blog. madaming dahilan, una, sa trabaho, iba na ang oras ng shift ko kaya madaming calls na ang pumapasok. ikalawa, minsan pagdating ko sa bahay, gamit ng kapatid ko ang computer para sa kanyang research. ikatlo, inaakit ako ng akong kama para matulog. ako naman laging nagpapaakit :D

sa muling pagbisita, una kong dinaanan ang tahanan ni anino at ito ang nakita ko, isang puso sa ulap at ang sabi niya ay..

"Nais kong igawad ang karangalan na ito sa dalawang malupit na blagista, kay Pen
Palaboy
at
Verso Para Libertad. Sana ay dumami pa ang katulad ninyo"

salamat anino! isa itong karangalan at karagdagang inspirasyon!congrats din kay VPL!

ipinapasa ko ito kina lyza para sa kanyang mura at busilak na damdamin (naks!), kay ilovephilippinestoo para sa kanyang hindi matawarang pagmamahal sa bayan, kay zkey na patuloy na nagbibigay ng refil ng sa mga panahong natutuyo ang tinta ko. let us write more! live more! and love more!

ONE COUNTRY! ONE LOVE! ONE PRIDE!

Sabado, Pebrero 23, 2008

gusto ko nettoooooo!!!

nagsurf ako sa internet kagabi para magpaantok, naghahanap ng kung ano anong kagigiliwan ng mga matang kinakalyo sa pagabababad sa online games. click dito click dyan hanggang sa naalala ko ung gusto kong jacket..yung guto kong CDs, yung gusto kong libro at kung anu-ano pang anik anik.. maya maya pa, sumisigaw na ang isang boses sa isip ko ng.. GUSTO KO NYAAAAAAN!!! eto ang karmihan.. :D


nagmember ako sa yabang pinoy at ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang kanilang rattan made wrist band. sa bawat isang mabenta nila ay karagdagang tulong sa mga malikhaing kamay na masusing gumawa ng mga ito. meron nko neto at nabili ko noong Feb 14 sa our tribe sa market! market! bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PROUDLY FILIPINO MADE! yebah!




isa sa mga nakita ko sa yabang pinoy ay ang kanilang bigkas pilipinas ( isang CD ng kanilang spoken poetry). hindi ko pa ito napapakinggan at wala pa ako nito. binabalak ko pa lang bumili sa darating na rest day. bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PINOY ROCKS!













after the veeeery long wait (simula pa noong nobyembre).. it's back and still sizzling hot! ang kinagigiliwan kong kape vinta ng starbucks ay muling nagbabalik. nung pasko ko pa gusto neto, dahil nga sa ang nakalgay sa mga estante ng satrbucks e puro holiday edition na tumblers, nag-antay pa talaga ko kung kelan uli magkakaron. meron nako neto, nabili ko lang nung Feb 18. bakit ko kamo ito nagustuhan? simple lang, PINOY PRIDE!











nung Feb 20, una akong napadpad sa pinoy poets web site sa tulong ng isang kaibigan na si rain seeker (isang alipin rin ng panulat). masusi kong hinalughog ang site na yon at binabalak na maging myembro (hindi pa ko nakakapag sign-up dahil sa memory gap). nakita ko ang dalawang produkto nila, ang ora poetica (isang compilation CD ng spoken poems) at ang obras in verse (folio ng pinoy poets). tinext ko si rommel (isang super hero na may kasagutan sa mga tanong sa mga nasabing produkto) at nabanggit niya na out of stock na daw yung CD; yung folio meron pa. subalit, ngunit, datapwat, sa kanyang kabutihan at busilak na kalooban, magpapadala daw siya ng mp3 file ng ora poetica sa email ko at kung gusto ko ay pede din siyang mag-burn ng isa para sa akin (nice noh!).. pero kung kelan, hindi ko alam hehehehe! bakit ko gusto 'tong mga 'to? simple lang, ISA AKONG PILIPINONG MANUNULAT!


nung isang gabi sinabi sakin ng bunso kong kapatid na meron siyang nakitang pinoy adidas jacket. sa tindi ng antas ng aking kyuryosidad, nakita ko ang minimithing jacket. isa lang ang nasabi ko.. nakanamp*ta (with matching tulo laway) !!! asteeeegggeeennn (sabay teary eyes pa..) !!! pero may catch, sold out na ang limited edition na to. ang halaga, tumataginting na 4,595php. (red alert! red alert! parang narining ko si pitakang umaray), pero ok lang naman. minsan lang to repa! pero nga.. SOLD OUT!!! ang alam ko magkakaroon uli ng reproduction sa abril. marami na ang nakpagpareserve, pero hindi ko alam kung pareho pa din ng presyo at hinid ko pa din alam kung saan makakapagareserba.. haaay! til further notice.. bakit ko nagustuhan to? THE JACKET IS THE REASON ITSELF.. *ngisi*











and lastly, eto ang pinaka matindi sa lahat! limited air force 1-tribute to jose rizal ng nike, $399 (aprroximately 16000php), SOLD OUT! nakakagigil! pag nakakita ko ng may suot neto, nako! matik na un dude, haharbatin ko kaagad (chenes!). ayon sa mga advisers ko, nag produce lang ng 500 pares para dito at hindi nag issue dito sa pilipinas.. nakakalungkot db? anyways, alam ko, alam mo, at alam nating lahat na ang mga pilipino ay maparaan..kaya siguro ilang linggo mula ngayon ay meron na nito sa greenhills, o sa baclaran, o sa market!market! at kung saan pang lugar..ehehhehehehe! (wag mamirata! chenes!) *ngisi* bakit ko to gusto? isa lang, ASTEEG MAGING PINOY!






***kung titignan natin mula sa malayong pananaw, kabikabila na ang mga kontrobersyang dinaranas ng ating lipunan, hindi na mababago yun. hindi na mabubura yon. hindi pa sinisilang mga ninuno natin meron na un. pero kahit ano pa ang mangyari, masarap maging pilipino. masarap ang pagmamahal na wagas ng mga magulang at mga maiinit yakap galing sa kaibigan. masarap ang malulutong na hagikgikan, samahang walang katulad. kaya ikaw, oo ikaw na nagbabsa nito, proud ka ba maging pinoy?

mga pinagkuhanan:
cgi.ebay.ph
yabangpinoy.com

pinoypoets.com
flicker.com
rareairforce.com

Lunes, Pebrero 18, 2008

weee!

*ehhheeemmm

unang una gusto ko po magpasalamat at humingi ng paumanhin kay zkey (na ngayon ay may trangkaso..get well soon kapatid!!) kasi napakatagal na nya to binigay sa akin e ngayon ko lang ipinost sa mundo ko. hee! ganto kasi un (katanganhan kasi ehhehe!) hindi ko kasi alam na ganun pala yun..pag pinasahan ka..as a courtesy..kukunin mo at ipopost sa blog... lage pa ko nag-iisip kapag ngbblog hop ako kung pano nakukuha un mga award na un. isang malaking tandang pananong ang nakadikit sa noo ko tuwing nakakakita ako ng ganon. until nga ngayon nalaman ko na kung pano (galeng mo palaboy! toink ka!).. so to begin.. (drum roll please...)

ipinapasa ko itong prestihiyosong 5 star blog award na ito kay ferbert (na nakakamangha ang blog), kay VPL (na true blue anak ng inang bayan), at sa bolpen at kape (na naniniwala sa kakayahan ng bawat manunulat, sa piling mo ay malaya ako). maraming salamat sa inyo! inuman na to!!! hehehehe!

**at isa pa...

nagbablush na ako (whoo pa-gurl!!)..hindi kasi ako sanay ng may award (omg!) actually kung hindi ko pa nakita yung cbox ni zkey para sa sagutan nila ni VPL, e hindi ko tlga malalaman na ganto pala ang 'how-it-works" ng mga award. so tinignan ko ang blog ni VPL para sa mga kasagutan..ayun nakita ko may ipinasa din pala siya..wee! salamat!



ipinapasa ko itong award na blog of the month kina wanderingcommuter, kay kalansay, kay anino (na naiyak sa panapanahon ang pagkakataon..), kay ilovephilippinestoo (na napaka informative ng blog) at kay bunso (na may mga cute na unggoy)... maraming salamat!

**nais ko ding pasalamatan si led na nag-edit nung heading ko :D at kay oldskul at tantrum..ang mga taong bundok kong kapatid. at sa inyong lahat..saludo ako!rakenrol!

WRITE MORE! LIVE MORE! LOVE MORE!

Biyernes, Pebrero 15, 2008

saturday morning (reposted)

PEN PALABOY


27 wounds and a word embeded on my wrists are all i needed for me to realize that my only hope was taken away from me once again... why does it have to be always like this? why me? so much for everything that i held on to..i am tired... tired of believing all the false hopes and broken dreams... i have become a skeptic... a skeptic who will never be the same old gullible person that i was... but i still need to know the reason of my being... the reason why the wind took him away from me... i need to understand for me to calm the beast that i have become... i need to understand for me to save myself from the horror that i might do to myself... at least for now...


ZKEY

the beast inside was the beauty that slept between you and me last saturday morning!!!


PEN PALABOY

but the beauty that laid between you and I can no longer be seen... for these naked eyes can only see what is the wicked and what is unwanted... for this emotion can only feel angst and bitterness... this is my sweet revenge... this is what i have become since saturday morning..

ZKEY

i was once blinded by the promise of blood and even tasted the kiss of ogre. if my words and poem cannot save you from the beast that lives inside of you. i wiill cry an endless masterpiece that paints the sweet revenge of one dead poet...
aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

PEN PALABOY

if thy scream can serenade
the soul of the beast inside a hapless poet...
then maybe,
just maybe,
a glorious serenity
will blow the arms of these hands
and calm the horror within...


**salamat sa iyo zkey sa pagbahagi mo ng iyong natatanging kakayahan..

Miyerkules, Pebrero 13, 2008

intro

ilang oras na din ang ginugol sa pakikipagniig at pakikipagtalo sa pag-iisip. hapo na ang mga daliri sa pagkiliti sa mga tiklado ng makinilya. malamig na ang kapeng kanina'y tinatalo ang nginig ng katawang nangangatal sa simoy at hamog ng gabi. payapa na ang kapiligiran habang patuloy na nakabantay ang orasang nakakapit sa kupas na dingding. subalit sa kabila ng kalagayang ito, ang diwa ay namumutawing mulat at patuloy na hindi mapakali.

sa pagkakataong ang insiprasyong mailap ay muling nagpahaging, muling dadaloy ang tintang minsang natuyot na. muling sisisid ang kaisipan sa karagatan ng kamalayan at muling ipagpapatuloy ang pag-inog ng naudlot na obra, at unti-unting mabubuhay ang mga ideyang isinilang dulot ng mainit pagtatalik ng emosyon at kaisipan.

sa sandaling mailagay ang tuldok, paulit-ulit na hahagurin ng mapupungay na mga mata ang mga katagang binigyang kulay ng mapaglarong imahenasyon. sa kabila ng pagod na katawan, isang namamanghang ngiti ang guguhit sa mg labi; isang maipagmamalaking pakiramdam ang sasaklob sa sarili.

tunay nga't ang kaisipan ay walang palya sa paghahabi ng pinagtagpi tagping mga salita, subalit hindi biro ang pagsusulat. hindi man ako isang kwentista o makata, hayaan mong saglit kong ipasyal ang diwa mong lasing sa kabikabilang suliranin ng ating
lipunan..

Martes, Pebrero 05, 2008

tatlong taon

unti unting binabalot ng kadiliman

ang nakagisnang kapaligiran
animo ito'y sadyang pinagsawaan
at patuloy nang iniwan.

tila ang lahat ay mayroon nang taning
mga nalalabing sandali ay nakakabitin.
ang nakaguhit na masasayang ngiti
ngayo'y nasalinan na ng hikbi.

nagsimula sa kamulatan,
pinagtibay itong sariling bugkos.
bakit ngayo'y marahan nang nalulupos
at tila nag-uumpisa nang maglaho.

inakalang habambuhay na paraiso
itong pinanghahawakang ginto.
kasiglahan sana'y hindi maubos,
ngunit bakit ang lahat tila ay nagbago?

pilit ko na lamang na pipiringan ang mga mata
at maging bulag sa mga nakikita.
tatakpan na lamang ang mga tainga
upang magmistulang bingi sa mga dinidikta.

pipigilan ko na lamang ang bibig sa pagbuka
upang magsilbing pipi at hindi na makapasalita.
nais kong maging manhid sa katotohanan
upang hindi na makaramdam ng anumang alitan.

ang matitingkad na kulay ng pagkakaibiga'y
unti-unti nang humuhupa
ang musika ng bawat halakhak ay
isa-isa nang tinatangay ng panahon.

ano pa't ginawa ang lahat upang ito'y maisalba
kung sa kabila ng lahat ng pinagasamahan
ito din nama'y tatalikuran..
at hahayaan nang mawala..

**bata pako nun sinulat ko to..kornik! hehehe!

Linggo, Pebrero 03, 2008

babang luksa

para kay lucien

ika 27 ng abril, unang patak ng ulan sa tag-init. bahagyang lumamig ang paligid sapat upang maginhawahan ang sariling nanggigitata sa pawis.ang himpapawid ay makulimlim, si amang araw ay panandaliang nagtatago sa likod ng kanyang nangakapal na mga ulap. ang hangin ay tila umuungol sa hinagpis tila nakikisabay sa pagdadalamhati.

subalit sa kabila ng biglaang alburoto ng panahon, ang bawat isa sa kapaligira'y abala pa rin sa kanilang ginagawa. patuloy sa pagdiskarga ng mga case ng beer ang mga kalalakihan sa tabing sari-sari store. ang tindera ay hapong sumisigaw at naglalako ng kanyang tindang kakanin, bitbit sa kaliwang kamay ang bilao at sa kanan ang isang kupas na mabulaklak na pulang payong. ang kambal kong kapitbahay ay patuloy sa pagpapadyak sa kinakalawang nilang mga bisekleta, tila nag-uunahang pabalik-balik sa madulas na kalsada. ang iba pang mga bata ay maligalig na nagtatampisaw at masayang naglalaro sa malamig na luha ng kalangitan. bahagya akong nanlumo sa naobserbahang kapaligiran. ako'y napaisip at nagsumamo na papaanong ang oras ay patuloy na umiinog, bakit ang lahat ay patuloy sa kanilang pinagkakaabalahang bagay, samantalang ang isang tulad ko ay balisa at nangungulila sa aking ama.

isang taon na ang nakakalipas, mismong sa araw na ito ko huling naramdaman ang init ng yapos ng aking ama. huling nasilayan ang kanyang matamis na ngiti. "bye!" ang huli nyang katagang sinabi, patungo sila kasama ng aking ina sa heart center upang magpaadmit. bagamat may halong pangamba, bahagya akong nagalak sapagkat maisasakatuparan na ang matagal nang operasyong hinihintay. subalit dalawang araw ang nakalipas, isang tawag ang natanggap ko mula sa aking kapatid.. pumanaw na ang aking ama.. nawala ang aking ulirat. hindi ako magkamaliw kung ano ang dapat na gawin, tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa aking buong katawan, tila lahat ng aking pandama ay ipinuslit ng mapaglarong pagkakataon. unti-unti na akong pinapaso ng nag-uunahan kong mga luha.. papaano kami? papaano ang kapatid kong nag-aaral pa? papaano ang kapatid kong nasa ibang bansa? papaano ang aking ina? tila nilamon ng luha ang aking wisyo. at tila gumuho ang mundo ko sa magkakahalong emosyon. takot. pangamba. pangugulila.tumigil ang oras. bawat segundong lumilipas ay katumbas ng mahaba at mapait na oras. wla na ang haligi ng pamilyang ito.

mahirap masanay nang hindi siya nasisilayan. mahirap sapagkat buong buhay ko ay nariyan siya at gumagabay. bawat hakbang sa paglaki naming magkakapatid, siya ay nakaantabay at nakamasid. tila kahapon lamang nang huli kong makita ng kanyang matamis na ngiti, ang kanyang mainit na yakap at malutong na halakhak. narito pa rin ang natatanging amoy ng kanyang damit at natatanging halimuyak ng kanyang pabango. kung minsa'y pakiramdam ko ay nasa likod ko lamang siya, nakasunod sa bawat galaw na gawin ko. subalit kung akin na siyang lilingunin, agad siyang naglalaho. tila isang elementong nilikha ng aking pag-iisip. kung narito lamang siya ay makikisabay siya sa mga batang naliligo sa lakas ng ulan at marahil, siya ay magluluto ng mainit at masarap na arroz caldo. kung narito lamang siya ay mapapawi niya itong pangungulilang nadarama. subalit wala na ang aking ama..

kasabay ng pagpagaspas ng mga nagsasayawang dahon mula sa puno ng matinik na boungamvilla, hinawi ko ang mga luhang kanina'y nahihiyang tumulo mula sa aking mga mata. mga luhang rumaragasa habang nanunumbalik ang mga naiwang alaala ng aking yumaong ama. dalawang araw mula sa ngayon, isang taon na ang nakalipas mula ng siya ay pumanaw. isang taon. isang taong hinagpis. isang taong pangugulila. isang taon upang matanggap ang lahat ng mga pangyayari. isang taon upang sya ay lubusan ko nang palayain.

ika 27 ng abril, tumila na ang unang ulan sa tag-init. maliwanang na ang himpapawid. ang mga ibo'y masaya nang humuhuni, tila isang hudyat upang itong pagluluksa'y hindi na muling ikubli. isang pahiwatig na siya ay naroon na sa Kanyang piling.. malaya ka na.

Sabado, Pebrero 02, 2008

ayan na ko boracay!

*ehheemmm*


welcome sa blog ko na muling nabuhay malipas ang napakaraming taon. napag-isipan ko din na gawin ito on a daily basis (kung kaya), tipong diary. dati kc un mga likha lang. bilang panimula, pupunta ako sa boracay!!! wee! sa dinami dami ng empleyado ng IBM Daksh, isa ako sa napiling sumama. ayos! kasi ganto yon, nun disyembre (peak season sa operations), nagkaron ng pakulo na un mga walang absences e makakasali at saka iraraffle. e kaso meron akong absence na dalawa.. ayon, so simula pa lang kinalimutan ko na si boracay.

pagpasok ko sa opisina nitong isang gabi (galing sa pag absent) e sinlubong ako ni office mate.. dang! kasama ka sa bora! at ako naman ows? d nga?! .. at ayun, nakita ko sa email namen na gnun nga.. yipee!yun pala kasali yun mga almost perfect attendance (wagi!!) isasama ko si nanay ko at ibabayad namen si kapatid ko...

BORA AYAN NAKOOOO!

kelangan makapag register na agad..






**nasan pangalan ko?? ayun! dko na naedit sa sobrang excitement hehehe!

Biyernes, Pebrero 01, 2008

bulong sa buwan

kung may paran sana upang marinig mo ang isinisigaw ng damdamin ko..
sana'y naibulong ko na ito.
kung matatangay lamang ng hangin
itong mga halik ko patungo sa mga labi mo,
sana'y naramdaman mo na ang init nito.
kung may paraan sana
upang madama mo ang mga yakap ko,
sana'y nakabalot ka na sa mga bisig ko.
kung sana'y sa bawat pagmulat ng mga mata'y
ikaw ang nakikita,
di sana'y ikaw ay kapiling na.

kung may paraan lamang sana..

enero 4, 2008

Biyernes, Oktubre 19, 2007

pink shadow

bruised face and purple skin
are all that i can remember
from your last night's sweet litany
stabbing words
piercing touch
disturbing serenity
are all that i have in this solitary

acceptance is all that i need...

Martes, Agosto 14, 2007

pakikipagsiping sa isang lapis

nagliliyab..
ang pagdampi ng iyong
matulis at matigas na uling
sa bawat pulgada ng aking makinis at maputing pahina..
umaapoy..
nagbabagang mga salita
na sa aking ay nilalatag..
tila mapanuksong mga halik
na lumalapat sa malalambot na talulot ng aking katawan

akin pang ibubuka
ang nakatupi kong pahina
nang sa gayon ikaw ay lubos pang ganahan
sa pagdila ng iyong kaisipan

anong mayroon ang mapagkandili mong mga yapos
mapangiliting mga kalabit..
nakakakilig na mga halinghing ..
ano't tila ako'y lubos na nahuhumaling
sige pa, idiin mo pa..
huwag mong tigilan..
hagurin mo pa ng husto ang rumaragasang mga salita
tila simbilis nitong dumdaloy na likido
ayan na..
malapit na..
eto't tapos na
ang isang akda..
..isa pa..

aug 14, 2007

Huwebes, Hulyo 12, 2007

an ode to my dad

it was at 6:30 in the morning when i left home yesterday for work. i was thinking of how my day would be like..it was friday and it's the last day of our foundation training...one day away from rest day...yippee! i rode a tricycle to the main road still thinking on what to say on our show and tell portion in training class when suddenly the girl who was sitting next to me shouted PAPA! and waved her hand to her dad who was then riding a motor bike. my eyes started to burn and tears rushed down my cheeks. my heart stopped beating for that particular moment..and everything i’m thinking of vanished..all the noise of the morning rush turned to silence.. i was caught mesmerized by the smile on their faces..i was so envious of her for i will no longer be able to do that with my dad. no more warm hugs. no more butterfly kisses. no more high fives. no more hbo movie marathons. no more good times. no more hanging out inside power books. no more silly jokes with him. no more hearing him calling me anak.. no more, no nothing more.

a friend once asked me if i haven't accepted my dad's death yet. truly, it's been three months since then. but for a papa's girl like me, a period of three months is not enough to forget those times that we've shared..i guess a lifetime won't do either..three months of keeping to myself that im slowly dying without him..i might not show it and you might not know it but inside is an empty shell of a daughter longing and wanting to be on her father’s arms again.

it never fails to make me cry when i see fathers and daughters together, be it inside the church or inside a cafeteria. it always brings back my dad’s image.. his scent.. his voice.. his presence.. the way he dresses.. his sweet smile.. his funny gait.. his passion for coffee.. everything about him comes in a flash. if only he’s here, i know he would be the proudest among all proud dads.. or he would be sitting right next to me, teasing or playing a joke on me. if only he’s here, he would hold the remote and be in control of the television.. or be in front of this computer playing solitaire or billiards.. if only he’s here, he would be in charge of the kitchen during sundays and doing his exquisite delicacies.. or simply just being here giving out love and laughter.. if only he’s here, he would bring me down the aisle when I decided to tie the knot with the one.. if only he’s here, he would enjoy going on a midyear vacation with my mom.. if only he’s here, our home would be better and complete.. if only he’s here..

it is said that crying is a therapy of letting go a high emotion, indeed it is. i know this solidarity will subside.. the emptiness will be filled.. the shell will no longer be empty.. the wounds will heal.. and then i will soon learn to rise from my desolate world and truly accept the fact that my dad is no longer here. he’s up there, smiling down and looking after us. proud and happy. time will come and my days will pass me by, I know he’ll be there. waiting and waving his hand with a smile on his face.

to my dad.. papa i know you’re with the creator.. i’ll take good care of mama and dey, and of course ate who's a million miles away from us.. i’m missing you badly..thank you for what i am and what i am not.. i’m looking forward on seeing you again.. i love you!

aug 05 06

kanser

Kung ako’y bibigyan ng pagkakataon
Upang muling balikan ang kahapon,
Ito ay ang kahapong ikaw ang kapiling
Kahit ilang beses pang ito’y ulit-ulitin.
Nais kong balikan ang nakraan
Sa kahit na anong paraan
Upang lubusang pagsisihan
Ang mga kasalanang sa iyo’y naiwan.
Mula sa silid na aking kinahihigaan,
Pagpikit ng mata’y di mapigilan.
Mataimtim na tumatawag sa Poong Maykapal
At pilit na ipanararating itong dasal.
Panginoon,
Ako po nawa’y bigyan pa ng pagkakataon
Upang ang aking buhay ay muling lumaon.
At muling makasabay sa daloy ng panahon.
Ngunit marahil ang kasaguta’y hindi.
Sapagkat ang aking sigla’y di nanumbalik.
Marahan nang nilamon ng sakit na sa aki’y
humalik
Ang buhay na di muling maibabalik.
At sa pagkakataong ito,
Nais kong ikaw ang kapiling ko.
At sa iyong tabi ay mahihimlay ako
Upang ang mga huling sandali ay masaksihan
mo.
Ang huling hiningang ibubuga,
Ang mga nalalbing habiling ipapaalala,
Ang tunog ng tibok ng bumabagal na puso,
At ang huling daloy ng rumaragasang dugo.
Marahil ay wala nang kahit ano pang paraan
Upang itong pamamaalam ko ay tuluyang
Mapigilan.
Bagkus patuloy na lamang kitang pagmamasdan
Kasabay ng pagsuko ng buhay na sa Kanya ay
hiniram.

jan 26 00

saturday morning

27 wounds and a word embedded on my wrists are all i needed for me to realize that my only hope was taken away from me once again..why does it have to be always like this?why me?so much fo everything that i held on to..i am tired..tired of believing all the false hopes and broken dreams..i have become a skeptic..a skeptic who will never be the same old gullible person that i was..but i still need to know the reason of my being..the reason why the wind took him away from me..i need to understand for me to calm the beast that i have become..i need to understand for me to save myself from the horror that i might do to myself...


at least for now..

07/07/07