Photobucket

Lunes, Hulyo 20, 2009

ambon

muling sumibol ang patak ng ulan mula sa kalangitan
subalit sa hinagap ng kalooban
ay hindi pa din maibsan yaring pangungulila.

nasaan ka na ba?
darating ka pa ba?

siguro ay hindi na...

Huwebes, Hunyo 11, 2009

06/12/09


-- isang napakamakabuluhang imahe sa harap ng lente ng isang butihing kaibigan. una, ako ay tila isang batang namangha sa galing ng istilo at teknika sa potograpiya. subalit makalipas ang ilan pang sandali, tila ako ay nanlumo. tila kandilang unti-unting nilalamon ng apoy na pumapaso sa sariling sinag at kumakain sa dulot na liwanag.

nasaan na nga ba ang pilipinas mula sa huling pinanggalingan? makalipas and ilang dekada, tunay pa nga ba tayong malaya? ito na lamang ang mga naitanong sa sarili habang nakatitig sa abang larawan sa aking harapan...

** salamat zig... PADAYON!

Lunes, Hunyo 08, 2009

kalayaan 2009


iniimbitahan ang bawat mamamayang pilipino... PADAYON!

Biyernes, Hunyo 05, 2009

bukang liwayway

nais kong muling sumulat
muling gumuhit ng salitang nananalaytay sa kaisipan
muling sumayaw sa saliw ng bawat emosyong sumasabay sa huni ng kapaligiran,
at muling iukit ang uyayi ng damdaming ikinubli sa yaring kariktan.

ipipinta ko ang kulay ng kasawian, kalungkutan, pag-asa at kaligayahan.
bughaw. pula.
puti at dilaw.
kasabay ng hangin, isisigaw ko ang kalayaang sa akin ay muling nag-aabang.

tatakbuhin ko ang bawat pulgada ng distansyang naglalayo sa iyo at sa akin.
hahagkan ko ang iyong mga kamay
at sabay nating tatahakin ang landas ng kinabukasan.
magsisimula ako. ikaw. tayo.

hintayin mo ako sa pagsibol ng darating na umaga…

Miyerkules, Disyembre 31, 2008

pagbabalik tanaw

bagay na ang lahat ay nag-aahin na ng kani kanilang saloobin sa nalalapit na paglalakbay, hayaan ninyong ako naman ang magpaagos ng aking emosyon.isang malaking pasasalamat ang mailalatag ko sa pahinang ito, kung hindi dahil sa bawat ngiti at halakhak hindi ko mahahanap ang landas ng daang tinahak.

PARA SA DARK CYAN:
hindi matatawaran ang samahan na hinubog ng isang taon at tatlong buwan. madami ang natanggal, umalis at muling bumalik, narito pa din tayo. hindi man kabilang sa iisang grupo ay magkakabugkos pa ring nagpapatuloy. para kay glenn na ngayon ay namamalagi sa cebu, at kay don figueroa, salamat.

PARA SA MGA OPS, QA AT SENIOR AGENTS:
salamat sa paggabay sa bawat call, at pagtanggap ng mga sup calls. salamat sa mga puna sa mga dapat at hindi dapat gawin. sa mga voice at email monitors kong di kaaya aya ang grado, bagay para pagbutihin at paghusayin ang bawat tawag na tinatanggap ko.

PARA SA MGA BAGONG WAVES:
malayo pa ang inyong mararating, pagbutihin pa ang magandang simulain. sa mga bagong ka-tropa... kilala nyo kung sinu-sino kayo... maraming salamat sa pagkakaibigan.

PARA SA MGA TAGA ESKINITA:
hindi man magkaroon ng eskinitang tulad ng mayroon tayo, mananatiling buo ang pagkakaibigang nagsimulang sumibol sa sulok ng silid na kinaroroonan ko. hindi matatawaran ang bawat paraang ginawa natin maitakas lamang ang bawat chips at starbucks kay bato at sa kanyang mga alagad. good job ika nga :)

sa bawat nilalang na hindi nabanggit, sa bawat DOTS ni glenn at ni kitkat, sa bawat walk through, cc failed, reorder at not mine, sa bawat irrate caller, sa bawat mabagal na pc, sirang ampli at defective na headset, sa bawat tao ng Shutterfly-IBM, manila, at higit sa lahat, para sayo na bumabasa nito...MARAMING SALAMAT.

isang masayang pagbabalik tanaw ang aking gagawin... hindi tayo dito nagtatapos....


-ito ang hudyat ng panibago kong paglalakbay...

Sabado, Disyembre 27, 2008

undas

quince minutos makalipas ang alas quatro ng hapon. maalinsangan ang paligid. muli kong sinipat ang kasuluk sulukan ng aking pag-iisip. marahang binuklat ang pahina ng alaalang inaamag sa kadiliman, hindi para tuluyan kang kalimutan kundi para tuluyang maglaho ang pangungulilang nadarama. pinilit kong ibaon ang kalungkutan, ibinaling ang sarili sa kahit na anong bagay na makakaaliw sa akin. subalit kahit ano ang gawin, sa iyo pa rin ako bumabalik.

ilang taon na ba?dalawa? magtatalo? tila kahapon lang nang huli kong nasilayan ang matamis mong ngiti. ang init ng iyong yakap ay nananalaytay pa din sa aking tabi. ang halimuyak mo'y patuloy pa ding hinahanap nitong aking pandama. ang iyong tinig ang pilit pa ding dinidinig.

marahan kong sinilayan ang mga larawan ng nakaraan; mga larawang taglay ang sigla ng panahong pinagdaanan. sambot nito ang mga ngiti at halakhak na nadirinig sa sandaling ang mga mata'y ipikit. nasaan ka na ba? alam kong maayos na ang iyong kalagayan. naalala mo ba noong narito ka, tila walang katapusan ang bawat oras. kumpleto. masaya.

ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang init ng mga luhang pumapatak. bahagyang pinunasan ang hiyas nitong pagdadalamhati. kung maririnig mo lamang ang boses nitong damdamin, pahihintulutan ka kayang muling magbalik? kahit ilang saglit lamang ang ibigay ng Maykapal ay susulitin, muli lamang Niya ipagkaloob ang nagdaang panahon.

minuto pa ang binilang at hindi ko man lang namalayan na ako pala ay bahagya nang nahimbing. lunod sa luha at dalamhati, bigla kong naramdaman ang lamig na biglang yumakap sa akin. pikit mata kong inaninag ang iyong imahe, nakatitig sa akin, tila puno ng pagmamahal at kaligayahan, taglay ng iyong mukha ang payapang ngiti. boses mo ang sunod kong nadinig, nangungusap at nagpapaalala na narito ka lamang. nakamasid at patuloy na gumagabay sa amin. "hindi kita kailanman pababayaan," dagdag mo pa sa iyong sinabi. unti unti kong iminulat ang mga mata at kasabay nito ay ang unti unti mong paglaho, tila usok na naglalaho sa kawalan. gayun pa man, kahit muli kong nakikita ang muling pagkupas ng iyong mukha, panatag ako. pagkat alam kong nariyan ka lamang.

alas singco ng hapon, gagayak na ako patungo sa oswaryo dala nag sampaguita, ilang punpon ng bulaklak at dalawang puting kandila na aking sisindihan. patuloy kong ipagdarasal ang patuloy mong kapayapaan.

Lunes, Nobyembre 17, 2008

Martes, Setyembre 30, 2008

boracay escapade

i created a photo book for our boracay trip... come on and take a look (click on the book)...

*** thanks to gelo gelly for proofreading it
**powered by shutterfly

Lunes, Setyembre 22, 2008

habilin

hangin, ibuga mo ang iyong sariwang amihan
turuan mo akong paliparin ang sarili mula sa pugad na ito..
ituro mo ang pagpagaspas ng naghihingalong mga pakpak
patungo sa kanlungan ng mapayapang himpapawid.

ulan, iluha mo ang kalungkutan nitong kalangitan
lunuruin mo ang panglaw na bumabalot sa kapaligiran.
tangayin mo ang mga buwitreng namamalagi sa paraisong ito
patungo sa kawalan ng nakagisnang mumunting mundo.

apoy, silaban mo ang nanlalamig na mga damdamin
balutin mo ng init ng iyong pag-ibig ang mga kaluluwang nakapaligid sa akin.
sunugin mo ang bawat poot, karimlan at kabiguan
at nawa'y pagsibuyan ito ng panibagong pag-asa at kinabukasan.

lupa, saluhin mo ang patak ng luha ni ulan.
pagyabungin ang kaligayahan sa tigang mong nasasakupan.
tibagin mo ang mga namamagitang balakid
at pag-isahin ang mga katutubong magkakapatid.

tao, isaboy mo ang kapayapaang nagmumula sa sarili
itigil mo na ang iyong kasakiman at magsimulang gumapas ng ngiti.
bumangon ka at humakbang para sa iyong pagsulong

at muling isigaw na ikaw ay muling magpapatuloy sa pag-usbong
.

Martes, Setyembre 09, 2008

ligaw

pilit na hinuhugot
ang manipis na pisi ng liwanag
na tila nahihiyang nakasilip
sa siwang ng kadilimang bumabalot sa akin.

pag-asa.

siyang malamyos na bulong ng kaisipang
nakamasid sa sariling tahimik na humihikbi.

hapo na ako.

sagot ng pagal na sarili
sa habag na piping saksi.

nangakapal na itong mga paa
sa pagsuyod sa bawat lupalop na madaanan.
tinungo ang kasukalan ng bawat eskinita
upang makamit ang minimithing munting dagitab.
subalit bakit bumabalik pa din sa abang kinatatayuan,
tila kumunoy na humihila sa nanghihinawang katawan.

saan na ako patutungo pa?



.. sa kawalan..

Sabado, Agosto 30, 2008

apat na taon na!

kaarawan ng blog ko ngayon at apat na taong gulang na siya. ito ang unang beses na ipagdiriwang namin ang birthday niya. yey! alas nueve y media na ng umaga nang makarating ako sa shaw blvd galing sa trabaho, mainit at masakit na sa araw ang pangungutya ni haring araw. pero kahit ganoon, pinasok ko pa rin ang bawat 7-11 at ministop na madaanan ko para bumuli man lang kahit na maliit na cake para sa kanya (pambawe.. maliit lang na cake, diet daw siya e). sa kasawiang palad, wala akong nakita nung hinahanap ko. nakabusangot na akong sumakay ng dyip na pasig pauwi. inaantok na ako at ipinaghehele na ako ng ulirat kong kanina pa gustong humiwalay sa katawang lupang bugnot.

sa kalagitnaan ng mainit na singaw ng biyaheng bumabaybay sa kahabaan ng pasig blvd, tila isang palakol ang tumama sa isipang lango sa pagod at antok. WHAPEEENG! alam ko na kung saan ako makakabili!! napangisi ako bigla at nagalak (bigla ako napatingin sa paligid..baka may nakakita at isiping bagulan ang isang katulad ko..buti na lang at wala).

nakarating ako sa destinasyon ko at dumeretsyo sa isang bake shop. bumili ako ng maliit na cup cake at isang kandilang dilaw. dali dali akong umuwi at eto ang nangyari...


at dahil diet daw si blog, ako na lang ang kumain ng cup cake niya.. papel at kandila na lang ang natira.
buuurrrp!

Miyerkules, Agosto 27, 2008

salamat!


mailap ang pagdalaw ng inspirasyon nitong nakaraang mga araw. marahil ay utal sa samu't saring dinadala ang sariling kaisipan. pilit mang humabi ay tila isang tigang na lupa pa ring naghihintay sa patak ng ulan.

ilang araw na lamang ay apat na taon na mula nang simulan kong buuin ang bakuran na ito. noong una'y imbakan lamang ito ng mga binuong salita hango sa paglalaro ng kaisipan. ni minsan, sa hinuha'y hindi ko napagtanto na isang mundo ang mabubuo sa lagusang ito. isang mundo kung saan mas mapag-iigting ang kakayahang naitatago ko.

natutunan kong alisin ang mga agam-agam sa sarili nang masimulan kong magsulat. nabuwag ang harang na namamagitan sa akin at sa mga taong nasa paligid ko. unti-unting nabuo ang tiwala para sa katauhang nasa likod ng isang palaboy. naging masaya ako.

ano ang nais kong iparating sa artikulong ito? simple lamang... hindi man kita makilala sa personal, nais kitang pasalamatan. kung hindi dahil sa iyo, hindi mabubuo ang mundo kong ito. sa loob ng apat na taon, isa ka sa naging
dahilan kung bakit patuloy na dumdaloy ang tinta ng panulat ko. sa panahong inilaan mo upang hagurin ng iyong mga mata ang mga salitang nakalathala sa pahinang ito, maraming salamat. isang karangalan ang makadaupang palad ang isang tulad mo.

hindi masasabi ng panahon kung hanggang kailan ang pagdaloy nitong mga salitang ipinagtagpi tagpi. subalit gayon pa man, saan man tayo abutin, masaya ko itong haharapin. hanggat may tinta itong panulat, hindi ako titigil sa pagsulat.

maraming salamat kapatid!

Huwebes, Agosto 14, 2008




igunuhit sa ating mga palad
ang landas patungo sa kasalukuyan.
naging mapait man ang nakaraan,
umagos itong tila isang ilog na rumaragasa.
tinahak ang pagkakataong ibinigay ng hawak-kamay.
sinuong at nilagpasan ang bawat balakid sa daraanan.
tulad mo, magpapatuloy ako.
magpapatuloy tayo..

Lunes, Hulyo 28, 2008

para sa bayan

lazy sunday night, hours before SONA, i sent out an SMS blast to all smart and tnt contacts on my phone book list. it was only a random thought and never expected someone to respond. after a few minutes, tantrum shoot me his message and same as joanne (blopen[at]kape) ..our balagtasan goes like this...

pen: sa kabila ng kaliwa't kanang sakit ng lipunan, halina't isayaw ang lasing na kaisipan.. PADAYON!!!

tantrum: at bukas, sa paglalahad ng kasinungalingan ng nagmamalaking pamahalaan, sabay sabay tayong sumigaw ng kalayaan para sa ating bayan. PADAYON!

pen: padayon! hindi dito nagtatapos ang laban ni juan. simula pa lamang ito ng pakikipagniig para sa karapatang sa atinay itinanggi. tayo ay magpatuloy!

joanne: isabay sa kalansing ng mga yelong nag-uumpugan, lipunang may anay mula sa bunbunan ng mga gahaman... ating pagkalango, isayaw... ikampay... sa pag-asang pananampalataya na sa ating mga puso'y nag-uumapaw...


tantrum: LABAN PARA SA KALAYAAN! BANGON JUAN! wag kang sumuko sa panggigipit ng mapang-abusong pamahalaan. dugo't pawis na pinuhunan, wag tayong patatalo sa buwitreng gahaman! LABAN!
pen: itaas ang telang bumabalot sa lahing nakagisnan.. isigaw ang iyong pangalan.. AKO SI JUAN! LALABAN AKO PARA SA AKING BAYAN!

tantrum: ako si juan! ako ay para sa bayan! at ang bayan ay para sa ating lahat! ipaglalaban ko ito kahit kapalit pa ang buhay ko! mahal ko ang bayan ko at lahat ng nagmamahal dito..MABUHAY ANG PILIPINAS!


this is how our thread goes until i dozed off. move forward juan... PADAYON!

Linggo, Hulyo 13, 2008

tigang

muling kong hinawakan
ang nangungulilang sandata
at inabot ang nagtatampong
lumang pergamino.
bahagyang pinagpag
at saka ibinuklat.

marahang kinananaw
ang hapong kaisipan.
inapuhap.
sininsay.


..
...
....

wala akong maisulat.

Biyernes, Hunyo 27, 2008

before and after frank

yes, i'm back. i was out for a couple of days from this sphere. i dealt with myself's emotion and short coming. it was last week when i bumped in with an illusive prank on a friend's page. there were foul words which hit me big time. i know for myself that i delivered my words the gentlest way that i could ( i even mistaken that person as somebody else) but in return, i still got that piercing chant. on the verge of this crap, i was hoping for an answer from my friend. but to no avail, i got nothing despite the tons of messages on his YM and his mobile. as always, he removed his cbox from his page. just that. i have my reasons as to why i'm ranting this way. friendship is so important for me. i took sometime off just so to have a break and think things over. this is how my blog looked like for a couple of days (right image). thanks for those who dropped in some message on my cbox. so sweet :)

let's cut the drama, there is more to rave about. recently, i joined The Blog Awards Challenge 3. my entry entitiled "ang pangalan ko ay pen palaboy" was the best entry and was the reader's choice. wee! i did not expect such recognition. thanks! thanks! thanks! congratulations as well to the rest of the winners, kudos!

my message goes:

maraming salamat sa lahat ng nagbasa, bumoto at nakiosyoso :D wala ni sa
hinuha ko ang mapabilang sa mga napangaralan. salamat sa mga hurado.ang
madaaanan ng inyong mga mata ang mga salitang sinambit ko ay higit pa sa
kaligayahang nadarama ko. hanggang sa muling pagkikita..

AKO SI PEN PALABOY!
aside from this, i have something to rave about. this happened hours before frank came to manila..


i so much love you guys!

Lunes, Hunyo 23, 2008

alak, yosi at ikaw

alak.
sa malamig at

mamawis mawis mong botelya
ako'y napapakapit sa tuwing
ika'y dumadampi
sa aking mga labi.
sa bawat daloy
ng taglay mong kamandag
ay kakaibang mundo ang nararating.

langit sa kalagitnaan ng realidad.
hari sa sirko ng tagay at kampay.


yosi.
sa maputi't makinis mong katawan
at sa amoy mong nakakabaliw
sinusuko ko sa 'yo ang bawat oras
ng kasiyahan at katahimikan.
sa bawat hithit ng
nakalalason mong gayuma
kakaibang ginhawa
ang nadarama.
tila tinatangay
at napapadpad sa kawalan.

ikaw.
ang nag-iisa kong ikaw.
mundo ng sariling katinuan.
ilaw sa bawat kadiliman
ng ating karimlan.
sa bawat hirap at ginhawa
nariyan ka at kaakibat.
binubura ang bawat luha
at pinapalitan ng walang
'sing tamis na saya.

alak, yosi at ikaw.
mga natatanging kakampi
sa bawat giyerang sugurin.
subalit sa tuwing lango na sa
kamandag at gayuma,
tila ako'y nakakalimot at tumatalikod.
bawat lagok
ay mapapait na luha
mula sa iyong mga mata.
bawat buga'y
nagbibigay sa iyo ng pangamba.
bawat basyong itinataob,
bawat upos na nalulupos,
katumbas ay mga
pangakong nadudurog.

hangad ko'y kapatawaran..
mahirap ma'y aking pipilitin
na ang alak at yosi
ay i-isang tabi.
pasasaan pa't
lilipas din itong kabataan
at kusang itutwid ang mali..
ang pagkukulang ay pupunuin..
panahon lamang ang aking hiling
at lahat ng iyong lumbay
ay aking kikitilin..


Linggo, Hunyo 15, 2008

friday the thirteenth

friday the 13th is considered a day of bad luck for most of us. thirteen (13) is said to be unlucky or irregular since it will always give you a remainder of 1 when your divide it by 2, 3 , 4 or 6. friday, on the other hand is considered a doomed day because for a fact, as per the bible, Jesus died on a friday.

the fear for this day is called paraskavedekatriaphobia derived from the greek word paraskevi (friday) and dekatreis (thirteen). although there are a number of significant accidents, i still considered it a lucky one.

it was last friday when i finally had my awaited rest day. i was excited. so much excitement that my heart almost burst. it's been a while since i went out on a friday night, considering that my life's routine is work and home.. a mall rat at times. two of my blog friends, BUNSO and
KUYA M, and i finally decided to meet in person.

i won't go on the details since it is for me to keep. with wasabi chips and overflowing beer, it was a blast! non stop laughter and story telling of topics anything under the sun.if not for the dawn, we would not stop.. i had fun. so much fun that it still gives me the same feeling of excitement right at this very moment. it is not everyday that i meet friends; this one, i will truly keep.

shall you track back my archive, you'll be able to see that this is one of the few happy posts, if not, this is the first of its kind. i don't usually brag about happy thoughts since i want them to remain inside me. i posted this just so you know how proud and greatful i am to finally meet them in person. this is just the beginning of an endless friendship... i won't let this slip anymore.

to bunso and kuya m, thanks! love you guys!






ngayon ay father's day. subalit hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipagdiwang o ipagsawalang bahala na lamang. lagpas dalawang taon ko na rin kasing hindi nakikita ang perslab ng buhay ko. mailap kung siya ay magpakita sa panaginip. sa mga pagkakataong iyon, hindi pumapalyang manubig ang mga mata ko, animo'y nagmistulang pabrika ng mga luhang hindi alam kung saan tutungo.

si papa ang nag-iisang super hero ko. siya si shaider na handa akong ipagtanggol sa mga kasanib ni haring ley-ar. siya ang taga punas ng luha ko sa sandaling dumanak na ito, taga haplos ng likod ko sa sandaling ang kalungkutan ay sumaklob sa akin. parang salamanka na isang pitik lang ay maayos na ang lahat. nakita ko sa kanya ang ehemplo ng isang butihing ama at butihing asawa. maswerte kami ng mga kapatid ko sapagkat hindi niya kami pinabayaan. kabalikat ni mama, dalawa silang nagsumikap upang mabigyan kami ng marangal na pamumuhay.

pa, kung nasaang lupalop ka man ng kalangitan, nangungulila ako sa iyo ng lubus lubusan. makita lang kita kahit sandali, yayakapin kita ng sobrang higpit. hindi man kita nabigyan ng maginhawang buhay noong mga panahong ipinahiram ka Niya sa amin, alam kong higit pa sa kaginhawahang kaya kong ibigay ang ngayo'y natatamasa mo. mahal na mahal kita! happy father's day!