Photobucket

Huwebes, Marso 27, 2008



Sabado, Marso 08, 2008

tinig

sino ako?
ako ay isang babae.
babaeng tangan ng mapagkandiling mga bisig
subalit sa pagsapit ng gabi,
ako ay niyayakap ng kanyang
malalambing na suntok, dagok at pambubugbog.

mga salitang nakakapaso sa tuwing siya'y lango sa kanyang bisyo.


sino ako?
ako ay isang babae.
hawak ay aklat at aktibo sa pag-aaral
tanging dalang sandata patungo sa kinabukasan.
subalit sa pagsapit ng dilim,
katauhan ay ikinukubli sa indak ng mapang-akit na musika
at nakasusulasok na panandaliang aliw sa kama.
sa ganitong paraan ay maitatawid ko sa kahirapan ang aking pamilya.

sino ako?

ako ay isang batang babae.
sa halip na mamulat sa mundong kinikilala ang paglalaro
ito'y pinuno ng kabi-kabilang pasakit at panibugho.
sa halip na ang kayakap ay magiliw at nakangiting manyika,
sa pagtulog ay katabi ang naglalakihang pulutong ng mga baril at sadata.
kapayapaan ang hangad sa mundong kinamulatan.

sino ako?
ako ay isang babae.
iniluwal ng isang ina mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.
hinubog sa aruga at mainit na pagmamahalan.
subalit bakit ako umiiyak at tila nauubusan ng pag-asa?
bawat patak ng luha ay katumbas ng lakas na nawawala
napapariwara at naliligaw sa bawat lakad na ihakbang.
gayun pa man ay pilit pa rin hahawiin ang ulap sa aking tinatahakan.

ikaw. babae.
saan man tangayin ng hangin,
ano man ang landas na suyurin,
kahit na ilan pang kalamidad ang suungin,
ikaw pa rin ay mananatiling nilalang ng kagandahan at pag-ibig.
ikaw ang tagapagsaboy ng liwanag sa daang mapangalaw
isang mapagmahal na anak sa naghihikahos na magulang,
isang musmos na nakatuon sa kapakanan ng karamihan,
isang kaluluwang muling nahanap ang tamang daan.

babae,ilabas mo ang iyong damdamin.
palayain mo ang sarili at huwag manatiling alipin
sa bugkos ng bulok na lipunang sa iyo ay kumubli.
lumipad ka!
tumakbo!
abutin mo ang mga pangarap mo.
huwag kang manahimik na lamang sa isang tabi
iparating mo ang nais mong sabihin.
sumigaw ka!
kumanta!
babae, malaya ka!

lumaya ka...

Miyerkules, Marso 05, 2008

weee! part 2

may ilang araw din akong lumiban sa paglilibot sa mga blog. madaming dahilan, una, sa trabaho, iba na ang oras ng shift ko kaya madaming calls na ang pumapasok. ikalawa, minsan pagdating ko sa bahay, gamit ng kapatid ko ang computer para sa kanyang research. ikatlo, inaakit ako ng akong kama para matulog. ako naman laging nagpapaakit :D

sa muling pagbisita, una kong dinaanan ang tahanan ni anino at ito ang nakita ko, isang puso sa ulap at ang sabi niya ay..

"Nais kong igawad ang karangalan na ito sa dalawang malupit na blagista, kay Pen
Palaboy
at
Verso Para Libertad. Sana ay dumami pa ang katulad ninyo"

salamat anino! isa itong karangalan at karagdagang inspirasyon!congrats din kay VPL!

ipinapasa ko ito kina lyza para sa kanyang mura at busilak na damdamin (naks!), kay ilovephilippinestoo para sa kanyang hindi matawarang pagmamahal sa bayan, kay zkey na patuloy na nagbibigay ng refil ng sa mga panahong natutuyo ang tinta ko. let us write more! live more! and love more!

ONE COUNTRY! ONE LOVE! ONE PRIDE!