i created a photo book for our boracay trip... come on and take a look (click on the book)...
*** thanks to gelo gelly for proofreading it
**powered by shutterfly
Martes, Setyembre 30, 2008
boracay escapade
Lunes, Setyembre 22, 2008
habilin
hangin, ibuga mo ang iyong sariwang amihan
turuan mo akong paliparin ang sarili mula sa pugad na ito..
ituro mo ang pagpagaspas ng naghihingalong mga pakpak
patungo sa kanlungan ng mapayapang himpapawid.
ulan, iluha mo ang kalungkutan nitong kalangitan
lunuruin mo ang panglaw na bumabalot sa kapaligiran.
tangayin mo ang mga buwitreng namamalagi sa paraisong ito
patungo sa kawalan ng nakagisnang mumunting mundo.
apoy, silaban mo ang nanlalamig na mga damdamin
balutin mo ng init ng iyong pag-ibig ang mga kaluluwang nakapaligid sa akin.
sunugin mo ang bawat poot, karimlan at kabiguan
at nawa'y pagsibuyan ito ng panibagong pag-asa at kinabukasan.
lupa, saluhin mo ang patak ng luha ni ulan.
pagyabungin ang kaligayahan sa tigang mong nasasakupan.
tibagin mo ang mga namamagitang balakid
at pag-isahin ang mga katutubong magkakapatid.
tao, isaboy mo ang kapayapaang nagmumula sa sarili
itigil mo na ang iyong kasakiman at magsimulang gumapas ng ngiti.
bumangon ka at humakbang para sa iyong pagsulong
at muling isigaw na ikaw ay muling magpapatuloy sa pag-usbong.
Martes, Setyembre 09, 2008
ligaw
pilit na hinuhugot
ang manipis na pisi ng liwanag
na tila nahihiyang nakasilip
sa siwang ng kadilimang bumabalot sa akin.
pag-asa.
siyang malamyos na bulong ng kaisipang
nakamasid sa sariling tahimik na humihikbi.
hapo na ako.
sagot ng pagal na sarili
sa habag na piping saksi.
nangakapal na itong mga paa
sa pagsuyod sa bawat lupalop na madaanan.
tinungo ang kasukalan ng bawat eskinita
upang makamit ang minimithing munting dagitab.
subalit bakit bumabalik pa din sa abang kinatatayuan,
tila kumunoy na humihila sa nanghihinawang katawan.
saan na ako patutungo pa?
.. sa kawalan..