Photobucket

Miyerkules, Pebrero 22, 2006

takip-silim

may mangilan-ngilang oras ko na ring binabaybay ang kahabaan ng kalayaan; di inaalintana ang patak ng ulan na sumasaboy sa aking yayat na katawan. waring isang basang sisiw na naglalakadsa kawalan. hindi ko maubos maisip kung bakit tila ako'y walang kahapuan sa kabila ng mahabangpaglalakbay, tila ako'y dinadala na lamang ng sariling mga paa kung saan nito naising pumunta. tila baga may sariling pag-iisip at ako'y kanyang minamanipula at pinasusunod sa bawat kautusang nais ipagawa.

muli akong bumalik sa aking ulirat nang ako'y magpasyang sumilong at magpatuyo mula sa ngayo'y tumitilanang ulan. malamig ang paligid, malakas ang hanging dumadampi sa aking pisngi. tila isang mapagkalingangdaliri na umaanyaya sa aking silid. nais kong matulog...matulog at tuluyang makalimot as makamundongrealidad at mamuhay na lamang sa palasyo ng mga panaginip.

hindi ko mawari kung ano ang nais mong ipahiwatig. marami ang aking mga katanungan...mga katanungangikaw lamang ang makpagbibigay ng kasagutan. tila isa kang unos sa isang payapang kabukirang may dalang panganib. subalit sa kabila ng kaakibat mong panganib, ako'y isang alipin na patuloy pa ring nagaantay sa iyong pagdating. subalit hanggang kailan? nais kong malaman ang layonng minsang mong pagdating...nais kong malaman ang iyong kabuluhan.

hindi ko maubos maisip kung ikaw ba ay pawang totoong nilalang o isang ilusyon...isang tau-tauhang nilikha lamang ng aking mapaglaro at mapanlinlang na pag-iisip. nais kitang ikubli at angkinin subalit papaano?kailan? saan? marahil ay hindi ako pahihintulutan ng maramot na pagkakataon at mapagsariling tadhana, marahil ayipagpatuloy ko na lamang ang aking paghihintay bagamat walang katiyakan kung ika 'y muling masisilayan. marahil patuloy ko na lamang lulunurin ang sarili sa pag-asang baka dumating ang pagkakataong ako'y iyong sagipin. magsisilbi na lamang akong isang dilim na maghihintay habang ikaw na isang araw ay nagsasaboy ng liwanag sa ibang himpapawid.

gumagabi na. tila mga bituin na lamang ang nagbibigay ilaw sa daan bukod sa madalang na pagdaan ng mga rumaragasang sasakyan. tuyo na ang kaninang basang kamisetang kumakapit sa aking dibdib...tuyo na ang sapatos na kanina'y tumutunog sa bawat hakbang na itapak...tuyo na ang mga matang kanina'y naliligo sa hindi mabilang na patak ng luha. uuwi na lamang ako, marahil sa sandaling pumasok ako bahay ay naroon ka na at naghihintay...


2-10-06

2 komento:

HARVEY18 ayon kay ...

I didint expect n ganito k hart touchings ang poems mo poh,, grabe naluha ako hu,hu,hu,hu,, anyway its a very very nicce,, good job.. well talented..hay.. hirap tlga pagnsa mundo k ng mpagisa't mapaglarong tadhana,, na hindi mo alam kung saan k tutungo,, ano ang mararating moh.. gee!!! bow ako syo... keep it up... soon author kna ng mga books... he,he,he,he,,

erick ayon kay ...

Maganda sya parang nakikita ko ang sarili ko. Pero alam ko kahit mahirap maghintay at magtiis. Pero kasama talaga ito sa path n pinili ko. Kya magtitiis ako at maghihintay. Alam ko isang araw makikita ko sya sa pinto ng bahay namin...