Kung ako’y bibigyan ng pagkakataon
Upang muling balikan ang kahapon,
Ito ay ang kahapong ikaw ang kapiling
Kahit ilang beses pang ito’y ulit-ulitin.
Nais kong balikan ang nakraan
Sa kahit na anong paraan
Upang lubusang pagsisihan
Ang mga kasalanang sa iyo’y naiwan.
Mula sa silid na aking kinahihigaan,
Pagpikit ng mata’y di mapigilan.
Mataimtim na tumatawag sa Poong Maykapal
At pilit na ipanararating itong dasal.
Panginoon,
Ako po nawa’y bigyan pa ng pagkakataon
Upang ang aking buhay ay muling lumaon.
At muling makasabay sa daloy ng panahon.
Ngunit marahil ang kasaguta’y hindi.
Sapagkat ang aking sigla’y di nanumbalik.
Marahan nang nilamon ng sakit na sa aki’y
humalik
Ang buhay na di muling maibabalik.
At sa pagkakataong ito,
Nais kong ikaw ang kapiling ko.
At sa iyong tabi ay mahihimlay ako
Upang ang mga huling sandali ay masaksihan
mo.
Ang huling hiningang ibubuga,
Ang mga nalalbing habiling ipapaalala,
Ang tunog ng tibok ng bumabagal na puso,
At ang huling daloy ng rumaragasang dugo.
Marahil ay wala nang kahit ano pang paraan
Upang itong pamamaalam ko ay tuluyang
Mapigilan.
Bagkus patuloy na lamang kitang pagmamasdan
Kasabay ng pagsuko ng buhay na sa Kanya ay
hiniram.
jan 26 00
Huwebes, Hulyo 12, 2007
kanser
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento