nagliliyab..
ang pagdampi ng iyong
matulis at matigas na uling
sa bawat pulgada ng aking makinis at maputing pahina..
umaapoy..
nagbabagang mga salita
na sa aking ay nilalatag..
tila mapanuksong mga halik
na lumalapat sa malalambot na talulot ng aking katawan
akin pang ibubuka
ang nakatupi kong pahina
nang sa gayon ikaw ay lubos pang ganahan
sa pagdila ng iyong kaisipan
anong mayroon ang mapagkandili mong mga yapos
mapangiliting mga kalabit..
nakakakilig na mga halinghing ..
ano't tila ako'y lubos na nahuhumaling
sige pa, idiin mo pa..
huwag mong tigilan..
hagurin mo pa ng husto ang rumaragasang mga salita
tila simbilis nitong dumdaloy na likido
ayan na..
malapit na..
eto't tapos na
ang isang akda..
..isa pa..
aug 14, 2007
9 (na) komento:
Mahilig ka talaga sumiping.. Kaya hindi matawaran ang obra mo eh........... Sulat lang
whahaha!naalala ko ang pagsulat ng mga ganitong tula!di ko na ulit nagawa...ang galing u po talaga ate! sana makagawa ulit ako!
grabe. talagang umaapoy!
heheheh!salamat mga kapatid..isang laro lamang ng pag-iisip..
patuloy tayong humabi!
WRITE! LIVE! LOVE!
wow, ayus! hahaha..obra maestra! bravo! bravo!
grabe...kapag ganyan namana ng papel...dapat laging nakatasa' ang lapis...
naman! at kung laging nakatasa ang lapis..laging handa si papel :D
Kahanga-hanga! Minsan naman sumilip kayo sa pahina ko, malayangpanulat.wordpress.com, meron akong akda ng isang lapis. salamat.
Mag-post ng isang Komento