Photobucket

Sabado, Pebrero 23, 2008

gusto ko nettoooooo!!!

nagsurf ako sa internet kagabi para magpaantok, naghahanap ng kung ano anong kagigiliwan ng mga matang kinakalyo sa pagabababad sa online games. click dito click dyan hanggang sa naalala ko ung gusto kong jacket..yung guto kong CDs, yung gusto kong libro at kung anu-ano pang anik anik.. maya maya pa, sumisigaw na ang isang boses sa isip ko ng.. GUSTO KO NYAAAAAAN!!! eto ang karmihan.. :D


nagmember ako sa yabang pinoy at ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang kanilang rattan made wrist band. sa bawat isang mabenta nila ay karagdagang tulong sa mga malikhaing kamay na masusing gumawa ng mga ito. meron nko neto at nabili ko noong Feb 14 sa our tribe sa market! market! bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PROUDLY FILIPINO MADE! yebah!




isa sa mga nakita ko sa yabang pinoy ay ang kanilang bigkas pilipinas ( isang CD ng kanilang spoken poetry). hindi ko pa ito napapakinggan at wala pa ako nito. binabalak ko pa lang bumili sa darating na rest day. bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PINOY ROCKS!













after the veeeery long wait (simula pa noong nobyembre).. it's back and still sizzling hot! ang kinagigiliwan kong kape vinta ng starbucks ay muling nagbabalik. nung pasko ko pa gusto neto, dahil nga sa ang nakalgay sa mga estante ng satrbucks e puro holiday edition na tumblers, nag-antay pa talaga ko kung kelan uli magkakaron. meron nako neto, nabili ko lang nung Feb 18. bakit ko kamo ito nagustuhan? simple lang, PINOY PRIDE!











nung Feb 20, una akong napadpad sa pinoy poets web site sa tulong ng isang kaibigan na si rain seeker (isang alipin rin ng panulat). masusi kong hinalughog ang site na yon at binabalak na maging myembro (hindi pa ko nakakapag sign-up dahil sa memory gap). nakita ko ang dalawang produkto nila, ang ora poetica (isang compilation CD ng spoken poems) at ang obras in verse (folio ng pinoy poets). tinext ko si rommel (isang super hero na may kasagutan sa mga tanong sa mga nasabing produkto) at nabanggit niya na out of stock na daw yung CD; yung folio meron pa. subalit, ngunit, datapwat, sa kanyang kabutihan at busilak na kalooban, magpapadala daw siya ng mp3 file ng ora poetica sa email ko at kung gusto ko ay pede din siyang mag-burn ng isa para sa akin (nice noh!).. pero kung kelan, hindi ko alam hehehehe! bakit ko gusto 'tong mga 'to? simple lang, ISA AKONG PILIPINONG MANUNULAT!


nung isang gabi sinabi sakin ng bunso kong kapatid na meron siyang nakitang pinoy adidas jacket. sa tindi ng antas ng aking kyuryosidad, nakita ko ang minimithing jacket. isa lang ang nasabi ko.. nakanamp*ta (with matching tulo laway) !!! asteeeegggeeennn (sabay teary eyes pa..) !!! pero may catch, sold out na ang limited edition na to. ang halaga, tumataginting na 4,595php. (red alert! red alert! parang narining ko si pitakang umaray), pero ok lang naman. minsan lang to repa! pero nga.. SOLD OUT!!! ang alam ko magkakaroon uli ng reproduction sa abril. marami na ang nakpagpareserve, pero hindi ko alam kung pareho pa din ng presyo at hinid ko pa din alam kung saan makakapagareserba.. haaay! til further notice.. bakit ko nagustuhan to? THE JACKET IS THE REASON ITSELF.. *ngisi*











and lastly, eto ang pinaka matindi sa lahat! limited air force 1-tribute to jose rizal ng nike, $399 (aprroximately 16000php), SOLD OUT! nakakagigil! pag nakakita ko ng may suot neto, nako! matik na un dude, haharbatin ko kaagad (chenes!). ayon sa mga advisers ko, nag produce lang ng 500 pares para dito at hindi nag issue dito sa pilipinas.. nakakalungkot db? anyways, alam ko, alam mo, at alam nating lahat na ang mga pilipino ay maparaan..kaya siguro ilang linggo mula ngayon ay meron na nito sa greenhills, o sa baclaran, o sa market!market! at kung saan pang lugar..ehehhehehehe! (wag mamirata! chenes!) *ngisi* bakit ko to gusto? isa lang, ASTEEG MAGING PINOY!






***kung titignan natin mula sa malayong pananaw, kabikabila na ang mga kontrobersyang dinaranas ng ating lipunan, hindi na mababago yun. hindi na mabubura yon. hindi pa sinisilang mga ninuno natin meron na un. pero kahit ano pa ang mangyari, masarap maging pilipino. masarap ang pagmamahal na wagas ng mga magulang at mga maiinit yakap galing sa kaibigan. masarap ang malulutong na hagikgikan, samahang walang katulad. kaya ikaw, oo ikaw na nagbabsa nito, proud ka ba maging pinoy?

mga pinagkuhanan:
cgi.ebay.ph
yabangpinoy.com

pinoypoets.com
flicker.com
rareairforce.com

Lunes, Pebrero 18, 2008

weee!

*ehhheeemmm

unang una gusto ko po magpasalamat at humingi ng paumanhin kay zkey (na ngayon ay may trangkaso..get well soon kapatid!!) kasi napakatagal na nya to binigay sa akin e ngayon ko lang ipinost sa mundo ko. hee! ganto kasi un (katanganhan kasi ehhehe!) hindi ko kasi alam na ganun pala yun..pag pinasahan ka..as a courtesy..kukunin mo at ipopost sa blog... lage pa ko nag-iisip kapag ngbblog hop ako kung pano nakukuha un mga award na un. isang malaking tandang pananong ang nakadikit sa noo ko tuwing nakakakita ako ng ganon. until nga ngayon nalaman ko na kung pano (galeng mo palaboy! toink ka!).. so to begin.. (drum roll please...)

ipinapasa ko itong prestihiyosong 5 star blog award na ito kay ferbert (na nakakamangha ang blog), kay VPL (na true blue anak ng inang bayan), at sa bolpen at kape (na naniniwala sa kakayahan ng bawat manunulat, sa piling mo ay malaya ako). maraming salamat sa inyo! inuman na to!!! hehehehe!

**at isa pa...

nagbablush na ako (whoo pa-gurl!!)..hindi kasi ako sanay ng may award (omg!) actually kung hindi ko pa nakita yung cbox ni zkey para sa sagutan nila ni VPL, e hindi ko tlga malalaman na ganto pala ang 'how-it-works" ng mga award. so tinignan ko ang blog ni VPL para sa mga kasagutan..ayun nakita ko may ipinasa din pala siya..wee! salamat!



ipinapasa ko itong award na blog of the month kina wanderingcommuter, kay kalansay, kay anino (na naiyak sa panapanahon ang pagkakataon..), kay ilovephilippinestoo (na napaka informative ng blog) at kay bunso (na may mga cute na unggoy)... maraming salamat!

**nais ko ding pasalamatan si led na nag-edit nung heading ko :D at kay oldskul at tantrum..ang mga taong bundok kong kapatid. at sa inyong lahat..saludo ako!rakenrol!

WRITE MORE! LIVE MORE! LOVE MORE!

Biyernes, Pebrero 15, 2008

saturday morning (reposted)

PEN PALABOY


27 wounds and a word embeded on my wrists are all i needed for me to realize that my only hope was taken away from me once again... why does it have to be always like this? why me? so much for everything that i held on to..i am tired... tired of believing all the false hopes and broken dreams... i have become a skeptic... a skeptic who will never be the same old gullible person that i was... but i still need to know the reason of my being... the reason why the wind took him away from me... i need to understand for me to calm the beast that i have become... i need to understand for me to save myself from the horror that i might do to myself... at least for now...


ZKEY

the beast inside was the beauty that slept between you and me last saturday morning!!!


PEN PALABOY

but the beauty that laid between you and I can no longer be seen... for these naked eyes can only see what is the wicked and what is unwanted... for this emotion can only feel angst and bitterness... this is my sweet revenge... this is what i have become since saturday morning..

ZKEY

i was once blinded by the promise of blood and even tasted the kiss of ogre. if my words and poem cannot save you from the beast that lives inside of you. i wiill cry an endless masterpiece that paints the sweet revenge of one dead poet...
aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

PEN PALABOY

if thy scream can serenade
the soul of the beast inside a hapless poet...
then maybe,
just maybe,
a glorious serenity
will blow the arms of these hands
and calm the horror within...


**salamat sa iyo zkey sa pagbahagi mo ng iyong natatanging kakayahan..

Miyerkules, Pebrero 13, 2008

intro

ilang oras na din ang ginugol sa pakikipagniig at pakikipagtalo sa pag-iisip. hapo na ang mga daliri sa pagkiliti sa mga tiklado ng makinilya. malamig na ang kapeng kanina'y tinatalo ang nginig ng katawang nangangatal sa simoy at hamog ng gabi. payapa na ang kapiligiran habang patuloy na nakabantay ang orasang nakakapit sa kupas na dingding. subalit sa kabila ng kalagayang ito, ang diwa ay namumutawing mulat at patuloy na hindi mapakali.

sa pagkakataong ang insiprasyong mailap ay muling nagpahaging, muling dadaloy ang tintang minsang natuyot na. muling sisisid ang kaisipan sa karagatan ng kamalayan at muling ipagpapatuloy ang pag-inog ng naudlot na obra, at unti-unting mabubuhay ang mga ideyang isinilang dulot ng mainit pagtatalik ng emosyon at kaisipan.

sa sandaling mailagay ang tuldok, paulit-ulit na hahagurin ng mapupungay na mga mata ang mga katagang binigyang kulay ng mapaglarong imahenasyon. sa kabila ng pagod na katawan, isang namamanghang ngiti ang guguhit sa mg labi; isang maipagmamalaking pakiramdam ang sasaklob sa sarili.

tunay nga't ang kaisipan ay walang palya sa paghahabi ng pinagtagpi tagping mga salita, subalit hindi biro ang pagsusulat. hindi man ako isang kwentista o makata, hayaan mong saglit kong ipasyal ang diwa mong lasing sa kabikabilang suliranin ng ating
lipunan..

Martes, Pebrero 05, 2008

tatlong taon

unti unting binabalot ng kadiliman

ang nakagisnang kapaligiran
animo ito'y sadyang pinagsawaan
at patuloy nang iniwan.

tila ang lahat ay mayroon nang taning
mga nalalabing sandali ay nakakabitin.
ang nakaguhit na masasayang ngiti
ngayo'y nasalinan na ng hikbi.

nagsimula sa kamulatan,
pinagtibay itong sariling bugkos.
bakit ngayo'y marahan nang nalulupos
at tila nag-uumpisa nang maglaho.

inakalang habambuhay na paraiso
itong pinanghahawakang ginto.
kasiglahan sana'y hindi maubos,
ngunit bakit ang lahat tila ay nagbago?

pilit ko na lamang na pipiringan ang mga mata
at maging bulag sa mga nakikita.
tatakpan na lamang ang mga tainga
upang magmistulang bingi sa mga dinidikta.

pipigilan ko na lamang ang bibig sa pagbuka
upang magsilbing pipi at hindi na makapasalita.
nais kong maging manhid sa katotohanan
upang hindi na makaramdam ng anumang alitan.

ang matitingkad na kulay ng pagkakaibiga'y
unti-unti nang humuhupa
ang musika ng bawat halakhak ay
isa-isa nang tinatangay ng panahon.

ano pa't ginawa ang lahat upang ito'y maisalba
kung sa kabila ng lahat ng pinagasamahan
ito din nama'y tatalikuran..
at hahayaan nang mawala..

**bata pako nun sinulat ko to..kornik! hehehe!

Linggo, Pebrero 03, 2008

babang luksa

para kay lucien

ika 27 ng abril, unang patak ng ulan sa tag-init. bahagyang lumamig ang paligid sapat upang maginhawahan ang sariling nanggigitata sa pawis.ang himpapawid ay makulimlim, si amang araw ay panandaliang nagtatago sa likod ng kanyang nangakapal na mga ulap. ang hangin ay tila umuungol sa hinagpis tila nakikisabay sa pagdadalamhati.

subalit sa kabila ng biglaang alburoto ng panahon, ang bawat isa sa kapaligira'y abala pa rin sa kanilang ginagawa. patuloy sa pagdiskarga ng mga case ng beer ang mga kalalakihan sa tabing sari-sari store. ang tindera ay hapong sumisigaw at naglalako ng kanyang tindang kakanin, bitbit sa kaliwang kamay ang bilao at sa kanan ang isang kupas na mabulaklak na pulang payong. ang kambal kong kapitbahay ay patuloy sa pagpapadyak sa kinakalawang nilang mga bisekleta, tila nag-uunahang pabalik-balik sa madulas na kalsada. ang iba pang mga bata ay maligalig na nagtatampisaw at masayang naglalaro sa malamig na luha ng kalangitan. bahagya akong nanlumo sa naobserbahang kapaligiran. ako'y napaisip at nagsumamo na papaanong ang oras ay patuloy na umiinog, bakit ang lahat ay patuloy sa kanilang pinagkakaabalahang bagay, samantalang ang isang tulad ko ay balisa at nangungulila sa aking ama.

isang taon na ang nakakalipas, mismong sa araw na ito ko huling naramdaman ang init ng yapos ng aking ama. huling nasilayan ang kanyang matamis na ngiti. "bye!" ang huli nyang katagang sinabi, patungo sila kasama ng aking ina sa heart center upang magpaadmit. bagamat may halong pangamba, bahagya akong nagalak sapagkat maisasakatuparan na ang matagal nang operasyong hinihintay. subalit dalawang araw ang nakalipas, isang tawag ang natanggap ko mula sa aking kapatid.. pumanaw na ang aking ama.. nawala ang aking ulirat. hindi ako magkamaliw kung ano ang dapat na gawin, tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa aking buong katawan, tila lahat ng aking pandama ay ipinuslit ng mapaglarong pagkakataon. unti-unti na akong pinapaso ng nag-uunahan kong mga luha.. papaano kami? papaano ang kapatid kong nag-aaral pa? papaano ang kapatid kong nasa ibang bansa? papaano ang aking ina? tila nilamon ng luha ang aking wisyo. at tila gumuho ang mundo ko sa magkakahalong emosyon. takot. pangamba. pangugulila.tumigil ang oras. bawat segundong lumilipas ay katumbas ng mahaba at mapait na oras. wla na ang haligi ng pamilyang ito.

mahirap masanay nang hindi siya nasisilayan. mahirap sapagkat buong buhay ko ay nariyan siya at gumagabay. bawat hakbang sa paglaki naming magkakapatid, siya ay nakaantabay at nakamasid. tila kahapon lamang nang huli kong makita ng kanyang matamis na ngiti, ang kanyang mainit na yakap at malutong na halakhak. narito pa rin ang natatanging amoy ng kanyang damit at natatanging halimuyak ng kanyang pabango. kung minsa'y pakiramdam ko ay nasa likod ko lamang siya, nakasunod sa bawat galaw na gawin ko. subalit kung akin na siyang lilingunin, agad siyang naglalaho. tila isang elementong nilikha ng aking pag-iisip. kung narito lamang siya ay makikisabay siya sa mga batang naliligo sa lakas ng ulan at marahil, siya ay magluluto ng mainit at masarap na arroz caldo. kung narito lamang siya ay mapapawi niya itong pangungulilang nadarama. subalit wala na ang aking ama..

kasabay ng pagpagaspas ng mga nagsasayawang dahon mula sa puno ng matinik na boungamvilla, hinawi ko ang mga luhang kanina'y nahihiyang tumulo mula sa aking mga mata. mga luhang rumaragasa habang nanunumbalik ang mga naiwang alaala ng aking yumaong ama. dalawang araw mula sa ngayon, isang taon na ang nakalipas mula ng siya ay pumanaw. isang taon. isang taong hinagpis. isang taong pangugulila. isang taon upang matanggap ang lahat ng mga pangyayari. isang taon upang sya ay lubusan ko nang palayain.

ika 27 ng abril, tumila na ang unang ulan sa tag-init. maliwanang na ang himpapawid. ang mga ibo'y masaya nang humuhuni, tila isang hudyat upang itong pagluluksa'y hindi na muling ikubli. isang pahiwatig na siya ay naroon na sa Kanyang piling.. malaya ka na.

Sabado, Pebrero 02, 2008

ayan na ko boracay!

*ehheemmm*


welcome sa blog ko na muling nabuhay malipas ang napakaraming taon. napag-isipan ko din na gawin ito on a daily basis (kung kaya), tipong diary. dati kc un mga likha lang. bilang panimula, pupunta ako sa boracay!!! wee! sa dinami dami ng empleyado ng IBM Daksh, isa ako sa napiling sumama. ayos! kasi ganto yon, nun disyembre (peak season sa operations), nagkaron ng pakulo na un mga walang absences e makakasali at saka iraraffle. e kaso meron akong absence na dalawa.. ayon, so simula pa lang kinalimutan ko na si boracay.

pagpasok ko sa opisina nitong isang gabi (galing sa pag absent) e sinlubong ako ni office mate.. dang! kasama ka sa bora! at ako naman ows? d nga?! .. at ayun, nakita ko sa email namen na gnun nga.. yipee!yun pala kasali yun mga almost perfect attendance (wagi!!) isasama ko si nanay ko at ibabayad namen si kapatid ko...

BORA AYAN NAKOOOO!

kelangan makapag register na agad..






**nasan pangalan ko?? ayun! dko na naedit sa sobrang excitement hehehe!

Biyernes, Pebrero 01, 2008

bulong sa buwan

kung may paran sana upang marinig mo ang isinisigaw ng damdamin ko..
sana'y naibulong ko na ito.
kung matatangay lamang ng hangin
itong mga halik ko patungo sa mga labi mo,
sana'y naramdaman mo na ang init nito.
kung may paraan sana
upang madama mo ang mga yakap ko,
sana'y nakabalot ka na sa mga bisig ko.
kung sana'y sa bawat pagmulat ng mga mata'y
ikaw ang nakikita,
di sana'y ikaw ay kapiling na.

kung may paraan lamang sana..

enero 4, 2008