sino ako?
ako ay isang babae.
babaeng tangan ng mapagkandiling mga bisig
subalit sa pagsapit ng gabi,
ako ay niyayakap ng kanyang
malalambing na suntok, dagok at pambubugbog.
mga salitang nakakapaso sa tuwing siya'y lango sa kanyang bisyo.
sino ako?
ako ay isang babae.
hawak ay aklat at aktibo sa pag-aaral
tanging dalang sandata patungo sa kinabukasan.
subalit sa pagsapit ng dilim,
katauhan ay ikinukubli sa indak ng mapang-akit na musika
at nakasusulasok na panandaliang aliw sa kama.
sa ganitong paraan ay maitatawid ko sa kahirapan ang aking pamilya.
sino ako?
ako ay isang batang babae.
sa halip na mamulat sa mundong kinikilala ang paglalaro
ito'y pinuno ng kabi-kabilang pasakit at panibugho.
sa halip na ang kayakap ay magiliw at nakangiting manyika,
sa pagtulog ay katabi ang naglalakihang pulutong ng mga baril at sadata.
kapayapaan ang hangad sa mundong kinamulatan.
sino ako?
ako ay isang babae.
iniluwal ng isang ina mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.
hinubog sa aruga at mainit na pagmamahalan.
subalit bakit ako umiiyak at tila nauubusan ng pag-asa?
bawat patak ng luha ay katumbas ng lakas na nawawala
napapariwara at naliligaw sa bawat lakad na ihakbang.
gayun pa man ay pilit pa rin hahawiin ang ulap sa aking tinatahakan.
ikaw. babae.
saan man tangayin ng hangin,
ano man ang landas na suyurin,
kahit na ilan pang kalamidad ang suungin,
ikaw pa rin ay mananatiling nilalang ng kagandahan at pag-ibig.
ikaw ang tagapagsaboy ng liwanag sa daang mapangalaw
isang mapagmahal na anak sa naghihikahos na magulang,
isang musmos na nakatuon sa kapakanan ng karamihan,
isang kaluluwang muling nahanap ang tamang daan.
babae,ilabas mo ang iyong damdamin.
palayain mo ang sarili at huwag manatiling alipin
sa bugkos ng bulok na lipunang sa iyo ay kumubli.
lumipad ka!
tumakbo!
abutin mo ang mga pangarap mo.
huwag kang manahimik na lamang sa isang tabi
iparating mo ang nais mong sabihin.
sumigaw ka!
kumanta!
babae, malaya ka!
lumaya ka...

12 komento:
Babae ka isigaw mo sa buong mundo..Mabuhay tayong mga kababaihan..mabuhay pen!..babae ka, hindi babae lang --Gianne
mabuhay ka kapatid na pen at sa lahat ng kababaihan sa mundo...pag galang sa inyong lahat at sa mga kabayanihang inyong nagagawa para sa inyong pamilya,kaibigan,asawa at bansa...
mabuhay at pagpalain!!
idambana! hagkan natin maging ang mapait nilang hikbi. sila ang nawawalang kalahati ng ating pagiging ganap. pinalalakas tayo maging ng mga lungkot at luha na sa kanilang mata'y namumutawi.
yey, pagpalain ang mga babaeng katulad mo ate pen! yey!
yey!
*kendeng*
salamt gianne, tantrum, oldskul, VPL at mel..
isang pagpupugay sa lahat ng mga kababaihan..
isulong mo ang karapatan mo eba!
manang pen! naipahayag mo ang katotohanan tunkol sa kababaihan.
pinaka gusto ko yung mga negative sides -- ibig kong sabihin magaling ang pagkaka larawan mo :D
mabuhay taung mga babae! :)
ang galing tlaga ni idol ate!
@ lyza
hehe irony and contrast still work on poetry :)
@ dakilang tambay
mabuhay!
@bunso
weh idol ka jan hehehehe! hugs! musta bakasyon?
Pen,kamusta?
Isang semestre na lang at natapos ko sana ang sertipiko ko sa Women's Studies.
12 yunit lang ang aking natapos.
ipagbunyi ang kababaihan!
Mag-post ng isang Komento