Photobucket

Miyerkules, Abril 30, 2008

paglalakbay

kamusta?
dalawang taon na din ang nakalilipas nang huli tayong magkita.
malaki ang iyong ipinagbago mula nang huli kong maramdaman ang mga yakap mo.
masaya ako't muli ko na namang nasilayan ang mga ngiti mong nakakapagpapawi ng pagod ko.

matagal tagal ko na ring ninais na muli kang makapiling.
sana'y huwag nang kitilin itong nilaang sandali.
sana'y sa pagkakataong ito ako ay manatili sa iyong tabi
upang muling ipagpatuloy ang mga naudlot na layunin.

nawa'y huwag mong isiping nilisan kita.
sapagkat ito ay higit na hindi naging madali para sa akin.

labis na mahirap ang makitang
may dumdaloy na luha mula sa iyong mga mata.

sana'y mayroon akong paraan upang maibalik ang bawat panahong nagdaan,
panahong kung saan ang lahat ay nasa akin pang mga palad
ang bawat sandali'y susulitin, walang oras ang sasayangin
at sa piling mo, tayo ay magsisimula muli.

at ngayon na ikaw ay muling kapiling,
tulad mo, ako ay lubusang nananabik.
isang pagkakataon upang ang lahat ay muling sariwain
mga panahong isa-isang lumipad mula sa pahina ng ating gunita.

natatandaan mo pa ba ang mga panahong iyon?
nawa'y manatili ako sa isip mo at ang mga kahapong ako'y kasama mo.
ang bawat halakhak na ating pinagsaluhan at bawat luhang aking pinunasan.
lahat ng mga iyon, dito'y hindi mawawaglit sa puso ko.

hanggang dito na lamang muna, tapos na ang sandaling ipinahiram para sa atin.
sa pagkakataong kailanganin mo ang isang tulad ko,
agad kong didinggin ang tawag mo.
hindi mo man ako masilayan ay agad akong lilipad sa piling mo.

hanggang sa muling pagkikita.
ang mga habilin ko'y huwag mong kalilimutan..
sige na, huwag mo na akong lingunin..
huwag ka nang muling luluha pa..

sige na, sige na anak.
humayo ka na at imulat ang iyong mga mata.
narito lamang ako at hindi ko kayo pababayaan.
gumising ka na mahal kong anak..


___________________
RIP papa
we miss you badly..

Biyernes, Abril 18, 2008

liham ng isang mangingibig

hindi ko alam kung paano magsismula..

maraming salamat sa lahat. maayos na ako ngayon kahit papaano. iniisip ko na lamang na sa takdang panahon, malalaman at maiintindihan ko din ang itinatgo mong dahilan. makakasabay na din ako sa ago
s ng maramot na panahon at muli akong makakabangon. alam mong naging masaya ang isang tulad ko sa piling mo. tila ang lahat ng mga bagay ay una para sa akin. ikaw ang naging dahilan ko upang salubungin ang bawat araw na may ngiti sa aking mga pisngi. lahat ng pangamba, sa tuwing ikaw ay kapiling, ay naglalaho na tila mga bulang nagpuputukan sa himpapawid. lahat ng pag-aagam-agam ay nasasagot sa oras na ako'y makulong sa iyong matitipunong mga bisig.


huwag kang mag-alala, hindi kailanman ako magkakaroon ng galit sa puso ko. sa kaisipan ko'y hindi ko mahanap ang rason upang mamutawi ang panibugho. alam kong nahihirapan ka din kagaya ng aking nadarama. hindi kita tatanungin, sapagkat marahil ang dahilan mo ang kumitil pa sa akin. isang nakakatuwang bagay lamang na may iilang buwan pa lamang ang nagdaaan ay tila isa kang makatang handang ibigay ang mga bituin sa akin. makalipas ang ilang saglit, kung bakit ay parang hinipan ka ng hangin palayo sa akin..

magiging mabait at maayos ako tulad ng palaging bilin mo sa akin. hindi ko kakaligtaan ang mga iyon. alam ko nariyan ka lamang. hindi mo man natupad ang mga pangako mo sampu ng mga pangarap mo para sa atin, alam kong nariyan ka lamang. nakamasid at patuloy na umaantabay. hindi kita kalilimutan, ang isang tulad mo ay may pitak na dito. patuloy akong magmamahal.

sa sandaling sumapit ang dapit hapon, umaasa ako na ikaw ay nasa tabi ko.. maghihintay ako.



Martes, Abril 08, 2008

ARRRGGGHHH!!!

i've had my shift for this week for 7days, graveyard shift, straight... im now having this pretty awkward feeling of floating. darn! few more hours and ill be heading home to hybernate and do the catching up with the current events and with my friends in the internet. (yipppeeee!) surely it will be long hours of chat ang giggles for i have been out for quite a long time now.

amidst the ecstasy of the overwhelming calls and emails on a monday afternoon (PST), my QA called my attention for a dose of OTO (quality grading session for calls and emails) and eureka!!! another flunking grade!

POTAENA! yes i am hell pissed off!!!. wtf is wrong with my calls and emails when that gothling girl's my QA???
naaahh..i know you all don't have the answer for this, neither do i. just want to rant about it.. ohh well, so much for my looking-forward-for-my-rest day excitement.

i was told that there would be another ramp down this coming april (i.e. transferring agents from our account to another). it would be based on the QA scores for the months of january, february and april..so what happend to march?? it would not be included due to system inaccuracy..dammit! considering i got oh so high QA grades during that month. PUñETA! im just crossing my fingers for higher and better calls this april..grrr! that goes for you as well gothling!


gotta go..lunch time.

Biyernes, Abril 04, 2008

kundiman

sa sinisipat kong gunita,

ikaw ang tanging kantang
hindi malapatan ng musika.
pilit ko mang awitin ay
tila walang tinig ang marinig.
pilitin ko mang bumirit,
paos na boses ang isinasambulat ng bibig.

nais kitang awitan
at hayaang ang ritmo nito ang sa iyo'y yumakap.
nais kong ibulong ang damdamin
sa pamamagitan ng mapagkandili nitong uyayi.
nais kong isa-titik yaring isinisigaw ng aking sarili
at hayaang saniban ako ng kaluluwang mulat
upang hindi lamunin ng mapang-akit na gabi
ang natitirang lasing na pag-iisip.

sa pagkalabit ng marurupok na kwerdas
ng inaalikabok kong gitara,
imahe mo ang kumikiliti
sa ulirat na lango sa halimuyak ng iyong alaala.
ang mapupungay mong mga mata
at ang iyong taglay na ngiti
na dulot ay kakaibang kilig sa akin.

nais kong isa-himig ang iyong alaala..
ang alaala nating dalawa..
hanggat narito pa ang nakaraan sa lumbay na aking nadarama.
marahil sa pagkakataong ito,
ako ay iyong muling lingunin
at sa ganitong paraan,
ikaw na aking musika,
ay muli nang magbalik sa akin..