Sabado, Agosto 30, 2008

apat na taon na!

kaarawan ng blog ko ngayon at apat na taong gulang na siya. ito ang unang beses na ipagdiriwang namin ang birthday niya. yey! alas nueve y media na ng umaga nang makarating ako sa shaw blvd galing sa trabaho, mainit at masakit na sa araw ang pangungutya ni haring araw. pero kahit ganoon, pinasok ko pa rin ang bawat 7-11 at ministop na madaanan ko para bumuli man lang kahit na maliit na cake para sa kanya (pambawe.. maliit lang na cake, diet daw siya e). sa kasawiang palad, wala akong nakita nung hinahanap ko. nakabusangot na akong sumakay ng dyip na pasig pauwi. inaantok na ako at ipinaghehele na ako ng ulirat kong kanina pa gustong humiwalay sa katawang lupang bugnot.

sa kalagitnaan ng mainit na singaw ng biyaheng bumabaybay sa kahabaan ng pasig blvd, tila isang palakol ang tumama sa isipang lango sa pagod at antok. WHAPEEENG! alam ko na kung saan ako makakabili!! napangisi ako bigla at nagalak (bigla ako napatingin sa paligid..baka may nakakita at isiping bagulan ang isang katulad ko..buti na lang at wala).

nakarating ako sa destinasyon ko at dumeretsyo sa isang bake shop. bumili ako ng maliit na cup cake at isang kandilang dilaw. dali dali akong umuwi at eto ang nangyari...


at dahil diet daw si blog, ako na lang ang kumain ng cup cake niya.. papel at kandila na lang ang natira.
buuurrrp!

23 komento:

GraceMags ayon kay ...

wow! haha. ang galing! maligayang bati! alam mo ang gusto ko talaga sa style mo sa pagsusulat, talagang umaangat ang pagkadakila ng wika natin kahit light ang post mo :) galing galing

pen ayon kay ...

salamat gracemags!!

wee!palakpakan! nasasayahan ako sa pagbati mo. sukdulan!

PADAYON!

sendzki ayon kay ...

wahhh talaga? 4 na taon wahhh astig ah....may cupcake pa talaga ah haha

maligayang kaarawan sa blog mo!!1

pen ayon kay ...

salamat sendo! wee!

uu apat na taon na pero nagyon lnag ako naging active e.. still in the processs of learning the how to's hehe! inuugat na ang blog ko bweheheh!


PADAYON!

bunso ayon kay ...

happy bday s blog mo ate phen!

sana magtuloy tuloy pa!

miss blogging and lalo n po ikaw!

ingat po palagi!

danggit ayon kay ...

hi bunsoy!!!
salamat sa pagsulpot :)


miss mo na blog? e balik ka na. ano ba yan isa2 kau nagsisiswalaan :(..una si zkey..tas c oldskul..tas c anino missing in action na din..tas ikaw nman ngayon? trend na ba yan nagyon???

huwwaaaaa!
hamishoo!

Mel ayon kay ...

haberdey blog!

so kelan ulet iinom? wahahaha!

miss ko na kayo mga gerls ko!

omg!

danggeters ayon kay ...

meloiiiiii! salamat puuu!

hanu na? baket nagyon lang kaw negparemdem eh? balita?

uu tagal na un huli naten session...err exactly one month now :) da bah? umuulan pa nun at minamadali tau ni bunso lagukin un sml. hehehe!

aha! ibig sabihin isang bwan na din ang snetensya ni bunso.. =)) peace out!

Cyrus ayon kay ...

Maswerte talaga ang blag! mo Pen. Buti pa nga si blag! mo, mahal na mahal mo. Ako, medyo pabaya. Babawi din ako kay obranijuan.

Hehe.

:-)

pen ayon kay ...

uo..algaan mo si obra.. dati ko nang iniwan si blag kaso nagtampo ata kaya halos isang taon akong day off sa paghahabi ng mga salita :D

elib ako kay obra..galing! :D

PADAYON!

keith_thanagar ayon kay ...

congrats dang, lamang ka sakin ng 3 haha

chiuiyourlove ayon kay ...

wow. :D haha..happy birthday sa blog mo. :D ayos ah..tagal na.:D

i hope i could make it up to four hackin' years. my blog is barely a year old. :)

pen ayon kay ...

@ keith
salamat sa pagbati keith!
ano balita sa inyo ni vener? how's the site ur managing? mukang doing great..salamat sa pagdaan!

@chiui
salamat sa pagdaan :) aabot k nyan
ako nga nakaabot hehehe..matagal ko din napabayaan ang blog na ito. but the good thing is im back! :)

WeblogLearner ayon kay ...

wow! apat na taopn na! Nakakainggit naman ang edad na yan! Ako bata pa lang...iilang buwan pa lang,,haaayy..more power sa blog na to.

iLovPh2 ayon kay ...

maligayang bati! nakakatuwa na din yang larawan oh! ahahaha..diet nga si blog cgurado!

Wanderer.. ayon kay ...

congratulations for the long lasting life of this blog! I am glad to know that it is already as old and as successful as this. Dami mo nang nakilala sa blogosphere for sure!

pen ayon kay ...

@ webloglearner, ilpt at wanderer...

salamat sa pagdaan at pagbati. mejo hinid nakakadalaw sa blog kasi mahigpit ang IT..panay blocked ang sites..err!

madami-dami na din akong nakilala sa blog. karamihan naging kaibigan..salamat sa inyong lahat!

wanderingcommuter ayon kay ...

huwaw... congratulations... hindi ko alam kung aabot ang blog ko ng ganito katagal.... hanga naman daw ako!

pen ayon kay ...

salamat ewik!

aabaot yan blog mo ng 4 na taon..at lagpas pa don.

WRITE! LIVE! LOVE!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Maligayang kaarawan sa blog mo Pen Palaboy. Ngayon lang nakadaan ulit, muntik pa nga ako maligaw dahil hindi ko na kabisado ata ang daan. Pagpalain ka at ang buo mong sambahayan!!!!

ZKEY

pen ayon kay ...

zkeeey!!!

salamat sa pagbisita! natouch ako.. isa ka sa naging daan at naging inspirasyon para ipagpatuloy ko ang paghahabi. minsan nang natuyuan ng tinta itong panulat, subalit ang isang tulad mo ang nagdugtong at muling nagbigay ningas sa panulat kong naghihingalo.. maraming salamat kapatid!

PADAYON!

Lyza ayon kay ...

AHAHA. Ang cute naman! Talagang bumili ka pa ng cupcake para ipagdiwang ang kaarawan ng blog mo. Nice!

Sherwin Calalang ayon kay ...

Isang magandang araw sa iyo... add lang sana kita sa bloglist ko kung ok lang syo...comment ako palagi sa blogsite mo... sana kaw ay ganun din...
check mo naman minsan blogsite ko... engrcalalang.blogspot.com
leave me a comment kung ok lang