Photobucket

Lunes, Setyembre 22, 2008

habilin

hangin, ibuga mo ang iyong sariwang amihan
turuan mo akong paliparin ang sarili mula sa pugad na ito..
ituro mo ang pagpagaspas ng naghihingalong mga pakpak
patungo sa kanlungan ng mapayapang himpapawid.

ulan, iluha mo ang kalungkutan nitong kalangitan
lunuruin mo ang panglaw na bumabalot sa kapaligiran.
tangayin mo ang mga buwitreng namamalagi sa paraisong ito
patungo sa kawalan ng nakagisnang mumunting mundo.

apoy, silaban mo ang nanlalamig na mga damdamin
balutin mo ng init ng iyong pag-ibig ang mga kaluluwang nakapaligid sa akin.
sunugin mo ang bawat poot, karimlan at kabiguan
at nawa'y pagsibuyan ito ng panibagong pag-asa at kinabukasan.

lupa, saluhin mo ang patak ng luha ni ulan.
pagyabungin ang kaligayahan sa tigang mong nasasakupan.
tibagin mo ang mga namamagitang balakid
at pag-isahin ang mga katutubong magkakapatid.

tao, isaboy mo ang kapayapaang nagmumula sa sarili
itigil mo na ang iyong kasakiman at magsimulang gumapas ng ngiti.
bumangon ka at humakbang para sa iyong pagsulong

at muling isigaw na ikaw ay muling magpapatuloy sa pag-usbong
.

7 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mabuhay ka talaga pen.... ang galing mo talagang manunulat..like ko tong poem mo....ingat lagi ha?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tlaga? salamat ha!

kamusta kna?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ok lang po ako...ikaw ok ka lang ba jan???? ingat kang lagi jan ha...bc na me sa work kaya di na rin me maka online...ingat po.....

Pinoy Wit ayon kay ...

diba may member tayo na sumali sa carlos palanca. dapat siguro subukan mo na rin pen. :)

pen ayon kay ...

@john
ikaw din ingat heeheh lahat ata ng mga tao ngayon e super kayod sa work..malapit na pasko..geeesh! catch u soon john!

@GM's
wee napangiti ako sa sinabi mo mare! parang nakakatakot hehehe! pero iisipin ko nag malupet un.. music to my ears..salamat sa GM"s! mishooo! minsan n lng ko makabisita kasi blocked sa ofc ang ibang blog huhuhu!

i'll make it w/ guys!

b3ll3 ayon kay ...

at magsimula sa maliit na pusong
nagsusumigaw ng kanyang kalayaan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Mabuhay ka,Pen!

Sa wakas, may nakuha na akong Kanlungan. nailagay ko na sa aking telepono.Panay nga ang aking patugtog.