Photobucket

Sabado, Pebrero 23, 2008

gusto ko nettoooooo!!!

nagsurf ako sa internet kagabi para magpaantok, naghahanap ng kung ano anong kagigiliwan ng mga matang kinakalyo sa pagabababad sa online games. click dito click dyan hanggang sa naalala ko ung gusto kong jacket..yung guto kong CDs, yung gusto kong libro at kung anu-ano pang anik anik.. maya maya pa, sumisigaw na ang isang boses sa isip ko ng.. GUSTO KO NYAAAAAAN!!! eto ang karmihan.. :D


nagmember ako sa yabang pinoy at ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang kanilang rattan made wrist band. sa bawat isang mabenta nila ay karagdagang tulong sa mga malikhaing kamay na masusing gumawa ng mga ito. meron nko neto at nabili ko noong Feb 14 sa our tribe sa market! market! bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PROUDLY FILIPINO MADE! yebah!




isa sa mga nakita ko sa yabang pinoy ay ang kanilang bigkas pilipinas ( isang CD ng kanilang spoken poetry). hindi ko pa ito napapakinggan at wala pa ako nito. binabalak ko pa lang bumili sa darating na rest day. bakit ko nagustuhan to? simple lang.. PINOY ROCKS!













after the veeeery long wait (simula pa noong nobyembre).. it's back and still sizzling hot! ang kinagigiliwan kong kape vinta ng starbucks ay muling nagbabalik. nung pasko ko pa gusto neto, dahil nga sa ang nakalgay sa mga estante ng satrbucks e puro holiday edition na tumblers, nag-antay pa talaga ko kung kelan uli magkakaron. meron nako neto, nabili ko lang nung Feb 18. bakit ko kamo ito nagustuhan? simple lang, PINOY PRIDE!











nung Feb 20, una akong napadpad sa pinoy poets web site sa tulong ng isang kaibigan na si rain seeker (isang alipin rin ng panulat). masusi kong hinalughog ang site na yon at binabalak na maging myembro (hindi pa ko nakakapag sign-up dahil sa memory gap). nakita ko ang dalawang produkto nila, ang ora poetica (isang compilation CD ng spoken poems) at ang obras in verse (folio ng pinoy poets). tinext ko si rommel (isang super hero na may kasagutan sa mga tanong sa mga nasabing produkto) at nabanggit niya na out of stock na daw yung CD; yung folio meron pa. subalit, ngunit, datapwat, sa kanyang kabutihan at busilak na kalooban, magpapadala daw siya ng mp3 file ng ora poetica sa email ko at kung gusto ko ay pede din siyang mag-burn ng isa para sa akin (nice noh!).. pero kung kelan, hindi ko alam hehehehe! bakit ko gusto 'tong mga 'to? simple lang, ISA AKONG PILIPINONG MANUNULAT!


nung isang gabi sinabi sakin ng bunso kong kapatid na meron siyang nakitang pinoy adidas jacket. sa tindi ng antas ng aking kyuryosidad, nakita ko ang minimithing jacket. isa lang ang nasabi ko.. nakanamp*ta (with matching tulo laway) !!! asteeeegggeeennn (sabay teary eyes pa..) !!! pero may catch, sold out na ang limited edition na to. ang halaga, tumataginting na 4,595php. (red alert! red alert! parang narining ko si pitakang umaray), pero ok lang naman. minsan lang to repa! pero nga.. SOLD OUT!!! ang alam ko magkakaroon uli ng reproduction sa abril. marami na ang nakpagpareserve, pero hindi ko alam kung pareho pa din ng presyo at hinid ko pa din alam kung saan makakapagareserba.. haaay! til further notice.. bakit ko nagustuhan to? THE JACKET IS THE REASON ITSELF.. *ngisi*











and lastly, eto ang pinaka matindi sa lahat! limited air force 1-tribute to jose rizal ng nike, $399 (aprroximately 16000php), SOLD OUT! nakakagigil! pag nakakita ko ng may suot neto, nako! matik na un dude, haharbatin ko kaagad (chenes!). ayon sa mga advisers ko, nag produce lang ng 500 pares para dito at hindi nag issue dito sa pilipinas.. nakakalungkot db? anyways, alam ko, alam mo, at alam nating lahat na ang mga pilipino ay maparaan..kaya siguro ilang linggo mula ngayon ay meron na nito sa greenhills, o sa baclaran, o sa market!market! at kung saan pang lugar..ehehhehehehe! (wag mamirata! chenes!) *ngisi* bakit ko to gusto? isa lang, ASTEEG MAGING PINOY!






***kung titignan natin mula sa malayong pananaw, kabikabila na ang mga kontrobersyang dinaranas ng ating lipunan, hindi na mababago yun. hindi na mabubura yon. hindi pa sinisilang mga ninuno natin meron na un. pero kahit ano pa ang mangyari, masarap maging pilipino. masarap ang pagmamahal na wagas ng mga magulang at mga maiinit yakap galing sa kaibigan. masarap ang malulutong na hagikgikan, samahang walang katulad. kaya ikaw, oo ikaw na nagbabsa nito, proud ka ba maging pinoy?

mga pinagkuhanan:
cgi.ebay.ph
yabangpinoy.com

pinoypoets.com
flicker.com
rareairforce.com

15 komento:

schmack ayon kay ...

sh*t! gusto ko ng mga yan..lalo na ang jacket ng adidas! gusto ko din ng ratan made na bracelet...(ehem ehem nagpaparinig ako) =p
magaling magaling!

pen ayon kay ...

hehehehe!yung nakita ko nyan size small. kasya nman pero pagtumagal parang mag babayolet un kamay ko hehehehe! so pinapalitan ko ng medium..hmm ganun din pero mejo improving kasi pde na magsingit ng isang hibla ng buhok hehe joke! out of stock un large e..pero hanap pako sa ibang shop. oo na d nman kelngan magparining :D
i'll see you when i see you sis! :D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

gusto ko yung libro at yung jacket! hehehe. parang nagoorder e noh? haha.

Anino ayon kay ...

Ang galing ng post mo,Pen!
Hindi ba ipinagbabawal ang kasuotan na ang kulay ay bandila ng Pilipinas?Parang natatandaan ko dati na ipinagbawal na yan?
Mabuti naman at naglabas ang Starbucks ng Pinoy na tumbler.Baka langawin yan dahil ang gusto ng iba ay ibang istilo.

pen ayon kay ...

@lyza
hinid pa ngrreply si rommel about dun sa book kung san nkukuha, pero 75php lang daw. mura mare!un jacket hinid ko tlga alam kung san papareserve..malamang sa april maging tambay ako ngmga mall heheheh!ahhanapa ng ganyan!shet nakakapaglaway!

@anino
oo nga galing tlga ng pinoy. abt the jacket, bawal tlga un flag bilang damit. but if you will look closely, un araw may muka. so technically, hinid sya flag :D.
waaaa!gusto ko nun tlga!!

Black Antipara ayon kay ...

Astig ang Pinoy at walang makakapagpabago nun!! Mabuhay ang Pen..

wanderingcommuter ayon kay ...

hala gusto ko rin ng ratan wrisat bands. ayoko nuing mga garments kasi sabi nbg hekasi teacher namin. masama daw ginagawa ang isang bagay gamit ang bandila, its disrespectful daw.

Mel ayon kay ...

eto lang ang masasabi ko pen...

ang iyong buod ay mataba sa kagustuhang ipalaganap ang ating pagka pilipino, humahanga ako, bakit?

. naipamukha mo sa akin na HINDI LAHAT ng makata't manunulat ay naiimpluwensiyahan ng mga banyaga

. napagsipagan mo na mahanap ang mga litrato ng mga bagay na nasa listahan ng iyong mga kagustuhan

. limang minuto ko na pinipilit na isaysay ang aking saloobin sa iyong inilathala... mas kakayanan kopa kung cherva language ang gagamitin ko! hekhek, chubanis!

lufet mo pen! yey!

pen ayon kay ...

@ wanderer
nasa constitution ata ung pagbabawal ng pag gawa ng kung anong damit na wangis o kapareho philippine flag. pero, as i've mentioned earlier, kung titignan mo ung araw, may mukha ito. so technically hindi sya flag. :D

@ mel
salamat sa napansin mo. karamihan kasi ngayon, kapag sinabing pinoy ka, tataas ang kilay, minsan lagpas pa ng noo sa sobrang taas. mag eenglish mali mali naman grammar.. heheheh sakit sa ulo. :D so, sa ganyang paraan, masasabi ko na PINOY PRIDE!!

FerBert ayon kay ...

pak! gusto ko din nyna.. lapit na bday ko.. sana regaluhan mo ko ng isa sa mga yan.. ngayon pa lang nagpapasalamat na ako.. hehehe

kalansaycollector ayon kay ...

gusto ko yung proud pinoy rattan chuva. actually meron na akong ganoon dati tas nawala. huhu hindi ko alam kung namisplace o may numenok. ahuhu

pen ayon kay ...

@ ferbert
ehehehe! i'll buy you one when i see you :D size ultra mini bwahahah!

@ wanderer
nakow sayang nman at nawala..bili n lng uli at 50php lang naman...ohh ung mga nagpapabili,,singkwenta lng heheheheheh!
san maglabas sila ng ibng kulay.

o xa cge..babalik ako ule..tawag ng kalikasan :D

Mel ayon kay ...

@pen, ok sana yung jacket kaso lang mukhang bawal nga yan... andaya :(

Filipina Ini ayon kay ...

Hello! I like this post... hmmm... yung shoes type na tyoe ko! At bakit papa di nakikita ang mga comments dito? itim po ba yung font color? Hehehe... nag be blend sa background?

ANyway, thanks a lot sa puso sa ulap ha... kukunin ko na po to ngayon... :_)

Nikki C ayon kay ...

Kumusta yung CD? Maganda ba?:D

Pinaplano ko kasing bilhin para sa isang kaibigan na matagal nang di nakakauwi, at ang kanyang pinay na gf na hindi pa nakakapunta sa Pilipinas. Naghahanap ako ng reviews pero wala akong makita.:s Salamat sa feedback!:)