Photobucket

Miyerkules, Pebrero 13, 2008

intro

ilang oras na din ang ginugol sa pakikipagniig at pakikipagtalo sa pag-iisip. hapo na ang mga daliri sa pagkiliti sa mga tiklado ng makinilya. malamig na ang kapeng kanina'y tinatalo ang nginig ng katawang nangangatal sa simoy at hamog ng gabi. payapa na ang kapiligiran habang patuloy na nakabantay ang orasang nakakapit sa kupas na dingding. subalit sa kabila ng kalagayang ito, ang diwa ay namumutawing mulat at patuloy na hindi mapakali.

sa pagkakataong ang insiprasyong mailap ay muling nagpahaging, muling dadaloy ang tintang minsang natuyot na. muling sisisid ang kaisipan sa karagatan ng kamalayan at muling ipagpapatuloy ang pag-inog ng naudlot na obra, at unti-unting mabubuhay ang mga ideyang isinilang dulot ng mainit pagtatalik ng emosyon at kaisipan.

sa sandaling mailagay ang tuldok, paulit-ulit na hahagurin ng mapupungay na mga mata ang mga katagang binigyang kulay ng mapaglarong imahenasyon. sa kabila ng pagod na katawan, isang namamanghang ngiti ang guguhit sa mg labi; isang maipagmamalaking pakiramdam ang sasaklob sa sarili.

tunay nga't ang kaisipan ay walang palya sa paghahabi ng pinagtagpi tagping mga salita, subalit hindi biro ang pagsusulat. hindi man ako isang kwentista o makata, hayaan mong saglit kong ipasyal ang diwa mong lasing sa kabikabilang suliranin ng ating
lipunan..

7 komento:

Black Antipara ayon kay ...

At sasama ako kung saan man ako dalahin ng mga letra mo Pen. Hindi man tayo nagtagpo sa tradisyong pamamaraan gaya ng lumang kwento ni lolo at lola sa magkaibigang manlalakbay.

Hayaan mong ang "techi blog funk" ang siyang maging lagusan ng ating naghuhulumagpos na mga letra. Salamat sa pagiging kaibigan!! Pagpalain..

pen ayon kay ...

susuyurin natin ang hindi nararating ng katawang lupa..
aangkinin ang kapayapaan at kalayaang ni minsan ay hindi natamasa..

isasama kita zkey sampu ng lahat alipin ng panulat..atin ang mundong ito..

L y z a ayon kay ...

wow! galing a. natuwa naman ako sa mga salita mo -- solid! ipagpatuloy mo

oldskul ayon kay ...

antindi nyo talaga mga idol!!

pen ayon kay ...

idol?
kaw nga c idol e..ska un oh..
ung unang post sa itaas.. :D

BRIDGE THE GAP
SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH
RAISE OUR FLAG!!

wanderingcommuter ayon kay ...

napakahusay ng talinghaga mo kaibigan. nakakaelibs este nakakabilib! pagpatuloy mo lang yan!

pen ayon kay ...

salamat sa iyo..

@ lyza
magempake kana at isasama ka namin sa mundong ng mga malayang nilalang :D

@ wanderer
isama mo kami sa paglilibot..sabay-sabay tayong hahakot ng kaalaman :D

WRITE MORE! LIVE MORE! LOVE MORE!