hindi ko alam kung paano magsismula..
maraming salamat sa lahat. maayos na ako ngayon kahit papaano. iniisip ko na lamang na sa takdang panahon, malalaman at maiintindihan ko din ang itinatgo mong dahilan. makakasabay na din ako sa agos ng maramot na panahon at muli akong makakabangon. alam mong naging masaya ang isang tulad ko sa piling mo. tila ang lahat ng mga bagay ay una para sa akin. ikaw ang naging dahilan ko upang salubungin ang bawat araw na may ngiti sa aking mga pisngi. lahat ng pangamba, sa tuwing ikaw ay kapiling, ay naglalaho na tila mga bulang nagpuputukan sa himpapawid. lahat ng pag-aagam-agam ay nasasagot sa oras na ako'y makulong sa iyong matitipunong mga bisig.
huwag kang mag-alala, hindi kailanman ako magkakaroon ng galit sa puso ko. sa kaisipan ko'y hindi ko mahanap ang rason upang mamutawi ang panibugho. alam kong nahihirapan ka din kagaya ng aking nadarama. hindi kita tatanungin, sapagkat marahil ang dahilan mo ang kumitil pa sa akin. isang nakakatuwang bagay lamang na may iilang buwan pa lamang ang nagdaaan ay tila isa kang makatang handang ibigay ang mga bituin sa akin. makalipas ang ilang saglit, kung bakit ay parang hinipan ka ng hangin palayo sa akin..
magiging mabait at maayos ako tulad ng palaging bilin mo sa akin. hindi ko kakaligtaan ang mga iyon. alam ko nariyan ka lamang. hindi mo man natupad ang mga pangako mo sampu ng mga pangarap mo para sa atin, alam kong nariyan ka lamang. nakamasid at patuloy na umaantabay. hindi kita kalilimutan, ang isang tulad mo ay may pitak na dito. patuloy akong magmamahal.
sa sandaling sumapit ang dapit hapon, umaasa ako na ikaw ay nasa tabi ko.. maghihintay ako.
10 komento:
tsuk!
aruy!
"TUNAW" ako sa isang ito.. Nagpamalas ka na naman Pen ng isang malaRaegan na lakas sa panulat. Sana makabalik na ako..Pagpalain!!!
Minsan, ang paghihintay ay hindi nangangahulugang may darating.
salamat BK..hehehehe! aruy gid!
salamat zkey!
bumalik ka naaaa! nasaan ka ba? hmm..
salamat anino!
minsan sa paghihintay natututo kang magpalaya..
chos! :D
write! live! love!
Hi.
Thanks for the blog visit and comment.
Galing ng post mo pero nakakalungkot.
I presume this is about your Dad?
aww. maganda nag pagkakahabi mo ng salita. nalungkot ako.
pero maganda ang liham mo.
salamats sa pagbisita. =)
tara sa zoooo!
@ pie
hi there! hehe nalungkot ka ba? well nung sinulat ko yan malungkot din ako. it's actually for someone in my past na bigla na lang ngalaho..(uyy bitter) hehehe! i'll post something for my dad soon, lapit na death anniv. salamat sa pagdaan!
@ bulitas
salamat! emosyon ang naging sinulid para magkaroon ng maayos na pagkakahabi ng mga salita.
kelan tayo mazozoo?
very poignant. astig. hehe. daan lang po ang kubeta!
paluha na ako pero hindi ak nalungkot para sa nilalarawang tao ng liham mo...
nalungkot ak okasi ganyan ang gusto ko sabihin sa kanya pero galit ang pinagtuunan ko ng pansin...
kung sana lang... kung sana lang...
@ toilet
salamta sa pagdaan! pumunta ko sa blog mo..nagustuhan ko un entry mo about ur dad..damn i miss mine!
@ memel
dalawa lang yan kuya m.. magpatawad o mag tanim ng galit. ano man ang piliin mo sa dalawa, may pagbabagong maidudulot sa iyo..magkaibang pagbabago..
smile kuya m..life isn't hard as it may seem..
write. live. love.
hugs!!
Mag-post ng isang Komento