Photobucket

Miyerkules, Abril 30, 2008

paglalakbay

kamusta?
dalawang taon na din ang nakalilipas nang huli tayong magkita.
malaki ang iyong ipinagbago mula nang huli kong maramdaman ang mga yakap mo.
masaya ako't muli ko na namang nasilayan ang mga ngiti mong nakakapagpapawi ng pagod ko.

matagal tagal ko na ring ninais na muli kang makapiling.
sana'y huwag nang kitilin itong nilaang sandali.
sana'y sa pagkakataong ito ako ay manatili sa iyong tabi
upang muling ipagpatuloy ang mga naudlot na layunin.

nawa'y huwag mong isiping nilisan kita.
sapagkat ito ay higit na hindi naging madali para sa akin.

labis na mahirap ang makitang
may dumdaloy na luha mula sa iyong mga mata.

sana'y mayroon akong paraan upang maibalik ang bawat panahong nagdaan,
panahong kung saan ang lahat ay nasa akin pang mga palad
ang bawat sandali'y susulitin, walang oras ang sasayangin
at sa piling mo, tayo ay magsisimula muli.

at ngayon na ikaw ay muling kapiling,
tulad mo, ako ay lubusang nananabik.
isang pagkakataon upang ang lahat ay muling sariwain
mga panahong isa-isang lumipad mula sa pahina ng ating gunita.

natatandaan mo pa ba ang mga panahong iyon?
nawa'y manatili ako sa isip mo at ang mga kahapong ako'y kasama mo.
ang bawat halakhak na ating pinagsaluhan at bawat luhang aking pinunasan.
lahat ng mga iyon, dito'y hindi mawawaglit sa puso ko.

hanggang dito na lamang muna, tapos na ang sandaling ipinahiram para sa atin.
sa pagkakataong kailanganin mo ang isang tulad ko,
agad kong didinggin ang tawag mo.
hindi mo man ako masilayan ay agad akong lilipad sa piling mo.

hanggang sa muling pagkikita.
ang mga habilin ko'y huwag mong kalilimutan..
sige na, huwag mo na akong lingunin..
huwag ka nang muling luluha pa..

sige na, sige na anak.
humayo ka na at imulat ang iyong mga mata.
narito lamang ako at hindi ko kayo pababayaan.
gumising ka na mahal kong anak..


___________________
RIP papa
we miss you badly..

10 komento:

schmack ayon kay ...

i miss him so badly too pen!
naiyak ako ...

pen ayon kay ...

there are times when I’m lying in my bed
hug my pillow and cry from this tip again
and my eyes are like windshields on a rainy day
almost rubbed down, swelling, as I keep on
dipping my face in these cold hands of mine
heaven knows how bitter I am

‘cause this angel has flown away from me
leaving me in drunken misery
i should have clipped his wings and made him mine
for all eternity
now this angel has flown away from me
thought I had the strength to set him free
did what I did because I love him so
will he ever find his way back home to me


_____
heaven knows (this angel has flown)
orange and lemons



**tears falling :(

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

he's in a better place looking proudly down his beautiful, talented, loving angels who continuously affirm he's done pretty darn well...he loved truly, hence he's truly loved.

pen ayon kay ...

thanks for dropping by tamet!
whoo..can't hold these tears each time he runs in my mind..
if i could only pull the hands of time, he could have been a prouder father..

Pinoy Wit ayon kay ...

parang nagaalangan akong mag leave ng footprints sa post na ito kasi very touching and personal. i might not be able to tread softly.

pen, i hope ok ka na....

pen ayon kay ...

hi GM's!
salamat sa pagdaan, lahat ay welcome dito. ok ako :) tnx!

hugs!

Black Antipara ayon kay ...

Alam kong proud syo ang tatay mo Pen. Napakagandang tula nito kapatid....Pagpalain!!!

pen ayon kay ...

your msgs uplift my very stressful day.. salamat zkey, namimiss na kita! salamat GM's, ur wit is highly appreciated!
salamat tamet, miss you, uwi kana pnas laki na mga pamangkin mo bond tayo! salamat ate, uwi kna din dito, mas masarap kung magkakasama tayong lahat!

darn can't help but cry again...
whoo!

. ayon kay ...

Buhay pa ang mga parents ko and I thank HIM for giving them to us, still alive and kicking. Alam ko ang pakiramdam ng isang nawawalan ng mahal sa buhay. Ramdam ko ang lungkot ng aking asawa nang pumanaw ang kaniyang mahal na ina last year (June) at gano'n din kapag nagkukuwento siya kung gaano na niya nami-miss ang tatay niya na nauna na, several years ago pa.

Sa 'yo Pen, hanga ako sa pagmamahal mo sa iyong ama. Isang tunay at di mapapantayan.

Alam ko, tuwang-tuwa siya sa 'yo. Believe me! :=)

pen ayon kay ...

hi ramil!
thanks for dropping by.. i really appreciate what you said.
whoo..
mahal na mahal ko si papa. sya ang perslab ko :) ang super hero ko at ang mcgyver ko.
sana lng he stayed longer with a healthier heart..

i miss you papa!
magkikita din tayo!