sanay di magmaliw ang dati
kong araw
nang munti pang bata sa
piling ni nanay
nais kong maulit ang awit
ni inang mahal
awit ng pag-ibig habang
ako'y nasa duyan...
salamat inay.
payak. walang mapalabok na mga salita.
salamat.
hindi matatawaran ang kadakilaang dala mo sa mundong ito.
sa bawat pawis na tumutulo mula sa iyo, katumbas ay hangad na magandang kinabukasan para sa aming mga iniluwal mo.
sa bawat haplos, yapos at akap mo, dulot ay kaginhawahan sa nagugulumihanang pag-iisip ko.
sa iyong pag-aaruga, lumaki akong maayos at may takot sa Diyos.
salamat, inay.
sa panahong ako'y naliligaw, ikaw ang naging tanging ilaw sa landas na dinaanan.
sa iyong mga payo at pangaral, natuwid ang baku-bakong pangangatwiran ng bibig na ito.
hindi man matumbasan ng kahit ilang salamat ang sakripisyo mo sa amin,
hindi man mahabi ng isang maestro ng pluma ang kadakilaang dulot mo..
narito pa rin akong supling mo.. nagpapasalamat dahil kung hindi sa iyo hinid ko mararating ang bantayog ng mga pangarap ko.
maraming salamat inay!
Biyernes, Mayo 09, 2008
sa piling ni nanay
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
4 (na) komento:
nagustuhan ko ang pag-kapayak ng mga salitang ginamit. marubdob. maayos ang daloy ng delivery at swak ang himig para sa mood ng tula. two-thumbs up!!!
salamat vpl!
isang pagpupugay kay nanay..
at sa lahat ng butihing mga ina!
happy mother's day ma!
labyu! :)
sana lang mabasa mo to heheheh!
ang ganda ganda naman.
salamt pie!
happy mothers day sayo!
Mag-post ng isang Komento