ilang araw na lamang ay apat na taon na mula nang simulan kong buuin ang bakuran na ito. noong una'y imbakan lamang ito ng mga binuong salita hango sa paglalaro ng kaisipan. ni minsan, sa hinuha'y hindi ko napagtanto na isang mundo ang mabubuo sa lagusang ito. isang mundo kung saan mas mapag-iigting ang kakayahang naitatago ko.
natutunan kong alisin ang mga agam-agam sa sarili nang masimulan kong magsulat. nabuwag ang harang na namamagitan sa akin at sa mga taong nasa paligid ko. unti-unting nabuo ang tiwala para sa katauhang nasa likod ng isang palaboy. naging masaya ako.
ano ang nais kong iparating sa artikulong ito? simple lamang... hindi man kita makilala sa personal, nais kitang pasalamatan. kung hindi dahil sa iyo, hindi mabubuo ang mundo kong ito. sa loob ng apat na taon, isa ka sa naging
dahilan kung bakit patuloy na dumdaloy ang tinta ng panulat ko. sa panahong inilaan mo upang hagurin ng iyong mga mata ang mga salitang nakalathala sa pahinang ito, maraming salamat. isang karangalan ang makadaupang palad ang isang
maraming salamat kapatid!
7 komento:
salamat dn sa iyong malikhaing pag-iisip,na nagshashare at ngpapainspire s mga tulad kong uhaw...
labyulabyu ate phen...
miss you so much...
ingats po palagi!
walang anuman bunso. sobra saya lng ko sa kinahinatnan ng blog ko. lamo un, its not the entries, but its the comments and the friendship that was born within.
labyu bunsuy!
sa iyong mga akda humuhugot ang mga ibang tao ng inspirasyon din
salamat..
isang karangalan!
siguro dadalasan ko ang pagbabasa ng iyong akda. Hindi kasi ako talaga bihasa sa salitang filipino...mukhang kelangan kong magpraktis managalog.
lalo pa't pansamantala ko munang lilisanin ang aking land of promise...
hehe.
hi buzz!
salamat sa pagtahak ng daan patungo sa yungib na ito. :)
maski ako ay marami pang kailangang malaman sa wikang filipino.. parang isang mahika na may dalang kakaibang timpla. :)
pagpalain tayo lahat!
PADAYON!
Guhj
Mag-post ng isang Komento