pilit na hinuhugot
ang manipis na pisi ng liwanag
na tila nahihiyang nakasilip
sa siwang ng kadilimang bumabalot sa akin.
pag-asa.
siyang malamyos na bulong ng kaisipang
nakamasid sa sariling tahimik na humihikbi.
hapo na ako.
sagot ng pagal na sarili
sa habag na piping saksi.
nangakapal na itong mga paa
sa pagsuyod sa bawat lupalop na madaanan.
tinungo ang kasukalan ng bawat eskinita
upang makamit ang minimithing munting dagitab.
subalit bakit bumabalik pa din sa abang kinatatayuan,
tila kumunoy na humihila sa nanghihinawang katawan.
saan na ako patutungo pa?
.. sa kawalan..
Martes, Setyembre 09, 2008
ligaw
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
13 komento:
Trabaho mo ba yan?
natumbok mo anino :)
Ngek! Bakit??? Akala ko ay ayos naman ang buhay mo dun?
ayos nman..kaso insan may mga panahon na matatanong mo sa sarili na "wtf is going on?!?" (kelangan ingles talga un)..
ok nman un trabaho..mejo tagilid ang environment.. sana mahugot ko sarili ko at umariba sa pag "hello" :)
pahinga lng ang katapat.. xoxo
igs! ganyan talaga minsan para sa mga slaves tulad natin. ay nako, ang working environment (people and objects) ang pinaka mahirap sa lahat
oo nga.. ok nman un work..masaya at nakakaenjoy..kung minsan yun mga tao sa paligid at mga kung ano anong pangyayari ang nakakawalang gana.. pero ok lng..bahagi un ng pagttrabaho. eto cguro ang sukatan nag tibay hehe matira matibay :))
padayon!
bunsuy, wag ka kokontra pero ako rin...
kaya isisigaw ko na... JUSIMYO!
jusmiyooo!
un na. naalala ko un kanta ni ka noel.. kayod kabayo, kayod barya..
hay hay..
kung pede lang magpinta at tumula hanbang sumasagot ng tawag dito sa opisina e ginawa ko na.. now that's multitasking hehehehe!
punta tayo sagada! sino sasama?
PADAYON!
Patingin-tingin, di naman makabili
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
Walang ibang pera, kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalalwang yosi
Pamoy-amoy, di naman makakain
Busog na sa tubig
Gutom nailipas din
Patuloy ang laboy
Walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Gumagabi na
Akoy uuwi na
Tapos na ang saya
Balik sa problema
At bukas ng umaga
Uulitin ko pa ba ang kahibangang ito
Sa tingin ko hindi na
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
errrr!
naguluhan ako, ano un kuya m?
hehe..ate phen wala ka pa rin katulad, may tinta pa rin ang iyong panulat!
miss you so much!
walang hindi kakayanin ang tulad mo...
tulad mo at tulad ko..
wala tayong hindi kakayanin. basta't nariyan ang mga taong nagbibigay lakas at pag-asa sa atin.. lahat ay malalagpasan.
padayon!
nakare-late ako...:) nice.
Mas madali daw mapagod ngayon ang henerasyon natin... siguro dahil na rin mas mabilis ang ikot ng buhay ngayon..
keep up..:)
salamat spicy!
isa lng masasabi ko... gusto ko magunwind!
napornada kasi un inuman nun byernes. :(
Mag-post ng isang Komento