Miyerkules, Disyembre 31, 2008

pagbabalik tanaw

bagay na ang lahat ay nag-aahin na ng kani kanilang saloobin sa nalalapit na paglalakbay, hayaan ninyong ako naman ang magpaagos ng aking emosyon.isang malaking pasasalamat ang mailalatag ko sa pahinang ito, kung hindi dahil sa bawat ngiti at halakhak hindi ko mahahanap ang landas ng daang tinahak.

PARA SA DARK CYAN:
hindi matatawaran ang samahan na hinubog ng isang taon at tatlong buwan. madami ang natanggal, umalis at muling bumalik, narito pa din tayo. hindi man kabilang sa iisang grupo ay magkakabugkos pa ring nagpapatuloy. para kay glenn na ngayon ay namamalagi sa cebu, at kay don figueroa, salamat.

PARA SA MGA OPS, QA AT SENIOR AGENTS:
salamat sa paggabay sa bawat call, at pagtanggap ng mga sup calls. salamat sa mga puna sa mga dapat at hindi dapat gawin. sa mga voice at email monitors kong di kaaya aya ang grado, bagay para pagbutihin at paghusayin ang bawat tawag na tinatanggap ko.

PARA SA MGA BAGONG WAVES:
malayo pa ang inyong mararating, pagbutihin pa ang magandang simulain. sa mga bagong ka-tropa... kilala nyo kung sinu-sino kayo... maraming salamat sa pagkakaibigan.

PARA SA MGA TAGA ESKINITA:
hindi man magkaroon ng eskinitang tulad ng mayroon tayo, mananatiling buo ang pagkakaibigang nagsimulang sumibol sa sulok ng silid na kinaroroonan ko. hindi matatawaran ang bawat paraang ginawa natin maitakas lamang ang bawat chips at starbucks kay bato at sa kanyang mga alagad. good job ika nga :)

sa bawat nilalang na hindi nabanggit, sa bawat DOTS ni glenn at ni kitkat, sa bawat walk through, cc failed, reorder at not mine, sa bawat irrate caller, sa bawat mabagal na pc, sirang ampli at defective na headset, sa bawat tao ng Shutterfly-IBM, manila, at higit sa lahat, para sayo na bumabasa nito...MARAMING SALAMAT.

isang masayang pagbabalik tanaw ang aking gagawin... hindi tayo dito nagtatapos....


-ito ang hudyat ng panibago kong paglalakbay...

9 (na) komento:

sendzki ayon kay ...

pen pen pen....magandang pagbabalik tanaw..hehe manigong bagong taon! sana ang 2009 ay mag-udyak sayong ipagpatuloy ang iyong pagbablog..haha tama ba? hehe =D HAPPY NEW YEAR anyway!! CHEERS! ^_^

Mel ayon kay ...

danggiiiiit! ayan nakapag blog na ulet ako haha! akala ko pa naman iniwan mo na shutterfly eh, kamusta naman ang new eyar's eve? nagpaputok ka ba ng baby dragon?

bunso ayon kay ...

miss you po..

grace ayon kay ...

uy, bumalik ka na pala pen. kayo ni mel medyo di na gaanong nag po-post

teka, teka, mukhang sad ang tono nito. may nagbago ba?

pen ayon kay ...

ahh.. namimiss ko na kayo ah.

asalmat sendo-ang ninja ng buhay ko, badoodles, bunso at GM's.

uhhmm.. wla hehehe na redeploy ako sa ibang account e. kakalungkot kasi parang nakapag buo na kmi ng pamilya sa shutterfly. anyways, ok lng un. kasama ko nman cla lumipat hehehehe!

tuloy pa din ang inuman!! :D

Anino ayon kay ...

Shutterfly ba ay isang shop ng kamera?

Magandang gabi,Pen!

Anino ayon kay ...

Sana pagkatapos ng iyong pagbabalik-tanaw ay bumalik ka na sa blogosperyo!
Tulad ko!

pen ayon kay ...

anino!

ang shutterfly ay isang on line storage ng pics na pde kang likha at umorder ng phot products tulad ng calendar, mugs, shirts at photo books. mahilig pala sa ganun ang mga kano heheheh!

Math ayon kay ...

Hey Mich!
Howdy? I don't know if I'm at the wrong blog but anyway, I just wanted to say hi. Cool local blog!