Biyernes, Hunyo 05, 2009

bukang liwayway

nais kong muling sumulat
muling gumuhit ng salitang nananalaytay sa kaisipan
muling sumayaw sa saliw ng bawat emosyong sumasabay sa huni ng kapaligiran,
at muling iukit ang uyayi ng damdaming ikinubli sa yaring kariktan.

ipipinta ko ang kulay ng kasawian, kalungkutan, pag-asa at kaligayahan.
bughaw. pula.
puti at dilaw.
kasabay ng hangin, isisigaw ko ang kalayaang sa akin ay muling nag-aabang.

tatakbuhin ko ang bawat pulgada ng distansyang naglalayo sa iyo at sa akin.
hahagkan ko ang iyong mga kamay
at sabay nating tatahakin ang landas ng kinabukasan.
magsisimula ako. ikaw. tayo.

hintayin mo ako sa pagsibol ng darating na umaga…

7 komento:

HOMER ayon kay ...

It's okay... ayus to ah! :)

HOMER ayon kay ...

Thanks for voting today hope u VOTE AGAIN TOM.Go to this site to vote www.salaswildthoughts.blogspot.com Tnx!

HOMER ayon kay ...

big tnx to u penpalaboy! nakatulong ang iyong boto sa panalO!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

buti na lang nagbalik ka, kaytagal kong naghintay.. ang galing talaga!! salamat.. -oldskul

pen ayon kay ...

maraming salamat homer! congrats sa iyo!

kapatid na oldskuuuuul!!!
ano balita sayo? namiss n kita ah. salamat sa pagdaaan.

bunso ayon kay ...

sa iyong muling pagsibol,
ganda ng umaga ang babati sa iyo...

:D

kudos!!!

pen ayon kay ...

salamat bunso sa pagsalubong!