Lunes, Agosto 30, 2004

ebadan

(alay sa ikatlong kasarian ng lipunan)

naglalakad sa may ermita,
kumakayod upang kumita.
ako ay hindi isang puta,
hindi rin isang manganangta.

ako'y isang lalake noon,
naging isang babae ngayon.
ang aking tagong katauhan,
ngayo'y lantad na sa lipunan.

ako ay pinagtatawanan,
ako ay pinandidirihan,
tulad ko'y alipin ng laman.
sabi, ako'y salot ng bayan.

ako ay huwag n'yong hatulan.
ako ay huwag n'yong layuan.
subalit ako'y inyong tignan
sa panloob na kaanyuan.

'pagkat ako ay isang EBADAN,
may pinagsamang katauhan,
maging lantad o tago pa man,
'di ikahihiya kailanman.


isinulat noong taong 1999

1 komento:

schmack ayon kay ...

this one i like most..cguro pra sakin to!hehe! iloveyou! keep up the food work! ituloy ang paglikha!!!