alak.
sa malamig at
mamawis mawis mong botelya
ako'y napapakapit sa tuwing
ika'y dumadampi
sa aking mga labi.
sa bawat daloy
ng taglay mong kamandag
ay kakaibang mundo ang nararating.
langit sa kalagitnaan ng realidad.
hari sa sirko ng tagay at kampay.
yosi.
sa maputi't makinis mong katawan
at sa amoy mong nakakabaliw
sinusuko ko sa 'yo ang bawat oras
ng kasiyahan at katahimikan.
sa bawat hithit ng
nakalalason mong gayuma
kakaibang ginhawa
ang nadarama.
tila tinatangay
at napapadpad sa kawalan.
ikaw.
ang nag-iisa kong ikaw.
mundo ng sariling katinuan.
ilaw sa bawat kadiliman
ng ating karimlan.
sa bawat hirap at ginhawa
nariyan ka at kaakibat.
binubura ang bawat luha
at pinapalitan ng walang
'sing tamis na saya.
alak, yosi at ikaw.
mga natatanging kakampi
sa bawat giyerang sugurin.
subalit sa tuwing lango na sa
kamandag at gayuma,
tila ako'y nakakalimot at tumatalikod.
bawat lagok
ay mapapait na luha
mula sa iyong mga mata.
bawat buga'y
nagbibigay sa iyo ng pangamba.
bawat basyong itinataob,
bawat upos na nalulupos,
katumbas ay mga
pangakong nadudurog.
hangad ko'y kapatawaran..
mahirap ma'y aking pipilitin
na ang alak at yosi
ay i-isang tabi.
pasasaan pa't
lilipas din itong kabataan
at kusang itutwid ang mali..
ang pagkukulang ay pupunuin..
panahon lamang ang aking hiling
at lahat ng iyong lumbay
ay aking kikitilin..
Lunes, Hunyo 23, 2008
alak, yosi at ikaw
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
Pareho tayo.
Pareho tayo sa mga bagay na iniisip.
Grabe naman ng mga sulat mo. Ang lalim ng mga Tagalog. Samatalang ako'y isang Bisaya.
If I have time, babasahin kita.
:-)
Visit me, http://obranijuan.blogspot.com
slamat sa pagdaan cyrus.
dumaan ako ng isang mabilis sa blog mo. ngbasa basa subalit hindi pa nakakapag iwan ng bakas. babalik ako para namnamin ang mga salita mo..heheh!
padayon!
Mag-post ng isang Komento