ngayon ay father's day. subalit hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipagdiwang o ipagsawalang bahala na lamang. lagpas dalawang taon ko na rin kasing hindi nakikita ang perslab ng buhay ko. mailap kung siya ay magpakita sa panaginip. sa mga pagkakataong iyon, hindi pumapalyang manubig ang mga mata ko, animo'y nagmistulang pabrika ng mga luhang hindi alam kung saan tutungo.
si papa ang nag-iisang super hero ko. siya si shaider na handa akong ipagtanggol sa mga kasanib ni haring ley-ar. siya ang taga punas ng luha ko sa sandaling dumanak na ito, taga haplos ng likod ko sa sandaling ang kalungkutan ay sumaklob sa akin. parang salamanka na isang pitik lang ay maayos na ang lahat. nakita ko sa kanya ang ehemplo ng isang butihing ama at butihing asawa. maswerte kami ng mga kapatid ko sapagkat hindi niya kami pinabayaan. kabalikat ni mama, dalawa silang nagsumikap upang mabigyan kami ng marangal na pamumuhay.
pa, kung nasaang lupalop ka man ng kalangitan, nangungulila ako sa iyo ng lubus lubusan. makita lang kita kahit sandali, yayakapin kita ng sobrang higpit. hindi man kita nabigyan ng maginhawang buhay noong mga panahong ipinahiram ka Niya sa amin, alam kong higit pa sa kaginhawahang kaya kong ibigay ang ngayo'y natatamasa mo. mahal na mahal kita! happy father's day!
6 (na) komento:
yan din ang tanong ko sa sarili ko nina...
hay...
basta, baka magkasama na sila,at masaya na ang kanilang mga anak ay magkaibigan na...
bunso bunso!
oo..malamng tropakels na sila dun. un lang walang red horse dun..hehehhe!
pa! wait for me..tuloy ang tagay naten :D
miss ko na din si papa...
ate kong super nars!
likewise..who doesn't anyway???
boss,ako din mis ko si tatay ko,
hi D!
kamusta chief? oo nakakamiss mga tatay. :(
salamat sa pagdaan!
Mag-post ng isang Komento