si juan nasa lansangan
isinisigaw ang daing sa kahirapan
walang katapusang pangangatwiran
kumukulo
kumakalam
sikmura'y walang laman
umaalab
sumisilab
kalooba'y humihilab
nag-aaklas
napupumiglas
salitang sandata'y ibinibigkas
nagniningas
pumapagaspas
mga paa'y kumakaripas
tumatakbo
humahabol sa kalayaang
kanyang nais matamo
umaasa, nakikibaka
itodo mo na boses mo'y kulang pa
ilang dekada pa ba upang ika'y dinggin nila
JUAN!
bakit ika'y paroo't parito
hindi alam kung saan patutungo
nasaan na, nariyan pa kaya
kalayaang ipinamana
ng mga ninuno't mga kasama
si juan nakahandusay sa lansangan
tirik ang mata
hindi na humihinga
_________
image source: bulatlat.com
Linggo, Hunyo 08, 2008
doce de hunyo dos mil otso
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
8 komento:
nakapanlulumo ang huling saknong!tragic ang binigay mong sipa sa dulo...wag naman sanang mangyari na tuluyan ng malagutan ng hininga ang bayang ito na alam nating naghihingalo na sa krisis. KUDOS Pen!
May ipinamana ba talagang kalayaan ang mga ninuno?
Kahit hindi ako nananiniwala, sige na nga
"Happy Independence Day" Kumareng Pen Palaboy.
@vpl
tataas na naman ang gasolina!
ang bigas samin wala nang tig trenta y siete!
ang kuryente, para daw yelo!
paano pa makakabangon?
paano pa ang mga kabataaang ngayon pa lang nagkakamalay?
di nman ako reklamador noh?? :D
@anino
hehehehe!
wala nga siguro..funny but true..
Salamat sa pagdaan pen. oo nga, sobrang mahal na ng lahat sa Pinas.
Baka gusto mo palang magjoin sa konteng pakulo.. only for Php winnings, or baka may gusto kang i-inform na mag join...
Please read the following nalang:
------------
Hi! You might be interested.
Independence day Special for Php 1,000. You may want to join this little contest specially created for my fellow Pinoy and Pinay bloggers. Good luck!
See the post at http://www.abc-bloglearning.blogspot.com/2008/06/independence-day-tribute-to-fellow.html
Hi Pen! Isa ka talagang mahalagang talento! Salamat for sharing this post.
Again, thanks din for dopping by sa site ko! Di ko alam kong saan ko ilalagay ang sagot ko sa question mo sa post ko on Padre Amaro. Sige dito na lang, hehe! I get to watch the films only during my free times..., usually at night. I usually buy them sa mga astrovision and some other video shops. A lot of the hard-to-find copies were bought throught amazon.com. You can click the "STORE" button to view and buy the films you want to acquire or go to this link http://astore.amazon.com/movicollandsc-20
Have a great day...
@123
tnx! i dropped by your blog, ill go through the instructions again :D
@ramil
kabayan!
howdy? salamat sa pagkomento. hahanap ako sa astro ng mga ganyan. gusto ko kasi den paminsan minsan un mga classic movies. salamat!
husay...parang ansarap itula dula nito sa lansangan... kakamiss!!
wanderer!!
salamat sa pagdaan. sa totoo, habang kinakalabit ng mga daliri ko ang tiklado ng keyboard ko nun sinulat ko yan, parang narinig ko ung sigaw ng masa. sigaw ng hinagpis at kawalan ng pag-asa.
para ko ding naramdaman na unit unting nasusunog ang balat ko, hindi inaalintana ang sikat ng araw, maiparating lang ang sinisigaw..
dko tuloy alam kung maitno pako nun..hehehehe!
salamat wanderer!
ONE PRIDE!
Mag-post ng isang Komento