Photobucket

Miyerkules, Disyembre 31, 2008

pagbabalik tanaw

bagay na ang lahat ay nag-aahin na ng kani kanilang saloobin sa nalalapit na paglalakbay, hayaan ninyong ako naman ang magpaagos ng aking emosyon.isang malaking pasasalamat ang mailalatag ko sa pahinang ito, kung hindi dahil sa bawat ngiti at halakhak hindi ko mahahanap ang landas ng daang tinahak.

PARA SA DARK CYAN:
hindi matatawaran ang samahan na hinubog ng isang taon at tatlong buwan. madami ang natanggal, umalis at muling bumalik, narito pa din tayo. hindi man kabilang sa iisang grupo ay magkakabugkos pa ring nagpapatuloy. para kay glenn na ngayon ay namamalagi sa cebu, at kay don figueroa, salamat.

PARA SA MGA OPS, QA AT SENIOR AGENTS:
salamat sa paggabay sa bawat call, at pagtanggap ng mga sup calls. salamat sa mga puna sa mga dapat at hindi dapat gawin. sa mga voice at email monitors kong di kaaya aya ang grado, bagay para pagbutihin at paghusayin ang bawat tawag na tinatanggap ko.

PARA SA MGA BAGONG WAVES:
malayo pa ang inyong mararating, pagbutihin pa ang magandang simulain. sa mga bagong ka-tropa... kilala nyo kung sinu-sino kayo... maraming salamat sa pagkakaibigan.

PARA SA MGA TAGA ESKINITA:
hindi man magkaroon ng eskinitang tulad ng mayroon tayo, mananatiling buo ang pagkakaibigang nagsimulang sumibol sa sulok ng silid na kinaroroonan ko. hindi matatawaran ang bawat paraang ginawa natin maitakas lamang ang bawat chips at starbucks kay bato at sa kanyang mga alagad. good job ika nga :)

sa bawat nilalang na hindi nabanggit, sa bawat DOTS ni glenn at ni kitkat, sa bawat walk through, cc failed, reorder at not mine, sa bawat irrate caller, sa bawat mabagal na pc, sirang ampli at defective na headset, sa bawat tao ng Shutterfly-IBM, manila, at higit sa lahat, para sayo na bumabasa nito...MARAMING SALAMAT.

isang masayang pagbabalik tanaw ang aking gagawin... hindi tayo dito nagtatapos....


-ito ang hudyat ng panibago kong paglalakbay...

Sabado, Disyembre 27, 2008

undas

quince minutos makalipas ang alas quatro ng hapon. maalinsangan ang paligid. muli kong sinipat ang kasuluk sulukan ng aking pag-iisip. marahang binuklat ang pahina ng alaalang inaamag sa kadiliman, hindi para tuluyan kang kalimutan kundi para tuluyang maglaho ang pangungulilang nadarama. pinilit kong ibaon ang kalungkutan, ibinaling ang sarili sa kahit na anong bagay na makakaaliw sa akin. subalit kahit ano ang gawin, sa iyo pa rin ako bumabalik.

ilang taon na ba?dalawa? magtatalo? tila kahapon lang nang huli kong nasilayan ang matamis mong ngiti. ang init ng iyong yakap ay nananalaytay pa din sa aking tabi. ang halimuyak mo'y patuloy pa ding hinahanap nitong aking pandama. ang iyong tinig ang pilit pa ding dinidinig.

marahan kong sinilayan ang mga larawan ng nakaraan; mga larawang taglay ang sigla ng panahong pinagdaanan. sambot nito ang mga ngiti at halakhak na nadirinig sa sandaling ang mga mata'y ipikit. nasaan ka na ba? alam kong maayos na ang iyong kalagayan. naalala mo ba noong narito ka, tila walang katapusan ang bawat oras. kumpleto. masaya.

ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang init ng mga luhang pumapatak. bahagyang pinunasan ang hiyas nitong pagdadalamhati. kung maririnig mo lamang ang boses nitong damdamin, pahihintulutan ka kayang muling magbalik? kahit ilang saglit lamang ang ibigay ng Maykapal ay susulitin, muli lamang Niya ipagkaloob ang nagdaang panahon.

minuto pa ang binilang at hindi ko man lang namalayan na ako pala ay bahagya nang nahimbing. lunod sa luha at dalamhati, bigla kong naramdaman ang lamig na biglang yumakap sa akin. pikit mata kong inaninag ang iyong imahe, nakatitig sa akin, tila puno ng pagmamahal at kaligayahan, taglay ng iyong mukha ang payapang ngiti. boses mo ang sunod kong nadinig, nangungusap at nagpapaalala na narito ka lamang. nakamasid at patuloy na gumagabay sa amin. "hindi kita kailanman pababayaan," dagdag mo pa sa iyong sinabi. unti unti kong iminulat ang mga mata at kasabay nito ay ang unti unti mong paglaho, tila usok na naglalaho sa kawalan. gayun pa man, kahit muli kong nakikita ang muling pagkupas ng iyong mukha, panatag ako. pagkat alam kong nariyan ka lamang.

alas singco ng hapon, gagayak na ako patungo sa oswaryo dala nag sampaguita, ilang punpon ng bulaklak at dalawang puting kandila na aking sisindihan. patuloy kong ipagdarasal ang patuloy mong kapayapaan.

Lunes, Nobyembre 17, 2008

Martes, Setyembre 30, 2008

boracay escapade

i created a photo book for our boracay trip... come on and take a look (click on the book)...

*** thanks to gelo gelly for proofreading it
**powered by shutterfly

Lunes, Setyembre 22, 2008

habilin

hangin, ibuga mo ang iyong sariwang amihan
turuan mo akong paliparin ang sarili mula sa pugad na ito..
ituro mo ang pagpagaspas ng naghihingalong mga pakpak
patungo sa kanlungan ng mapayapang himpapawid.

ulan, iluha mo ang kalungkutan nitong kalangitan
lunuruin mo ang panglaw na bumabalot sa kapaligiran.
tangayin mo ang mga buwitreng namamalagi sa paraisong ito
patungo sa kawalan ng nakagisnang mumunting mundo.

apoy, silaban mo ang nanlalamig na mga damdamin
balutin mo ng init ng iyong pag-ibig ang mga kaluluwang nakapaligid sa akin.
sunugin mo ang bawat poot, karimlan at kabiguan
at nawa'y pagsibuyan ito ng panibagong pag-asa at kinabukasan.

lupa, saluhin mo ang patak ng luha ni ulan.
pagyabungin ang kaligayahan sa tigang mong nasasakupan.
tibagin mo ang mga namamagitang balakid
at pag-isahin ang mga katutubong magkakapatid.

tao, isaboy mo ang kapayapaang nagmumula sa sarili
itigil mo na ang iyong kasakiman at magsimulang gumapas ng ngiti.
bumangon ka at humakbang para sa iyong pagsulong

at muling isigaw na ikaw ay muling magpapatuloy sa pag-usbong
.

Martes, Setyembre 09, 2008

ligaw

pilit na hinuhugot
ang manipis na pisi ng liwanag
na tila nahihiyang nakasilip
sa siwang ng kadilimang bumabalot sa akin.

pag-asa.

siyang malamyos na bulong ng kaisipang
nakamasid sa sariling tahimik na humihikbi.

hapo na ako.

sagot ng pagal na sarili
sa habag na piping saksi.

nangakapal na itong mga paa
sa pagsuyod sa bawat lupalop na madaanan.
tinungo ang kasukalan ng bawat eskinita
upang makamit ang minimithing munting dagitab.
subalit bakit bumabalik pa din sa abang kinatatayuan,
tila kumunoy na humihila sa nanghihinawang katawan.

saan na ako patutungo pa?



.. sa kawalan..

Sabado, Agosto 30, 2008

apat na taon na!

kaarawan ng blog ko ngayon at apat na taong gulang na siya. ito ang unang beses na ipagdiriwang namin ang birthday niya. yey! alas nueve y media na ng umaga nang makarating ako sa shaw blvd galing sa trabaho, mainit at masakit na sa araw ang pangungutya ni haring araw. pero kahit ganoon, pinasok ko pa rin ang bawat 7-11 at ministop na madaanan ko para bumuli man lang kahit na maliit na cake para sa kanya (pambawe.. maliit lang na cake, diet daw siya e). sa kasawiang palad, wala akong nakita nung hinahanap ko. nakabusangot na akong sumakay ng dyip na pasig pauwi. inaantok na ako at ipinaghehele na ako ng ulirat kong kanina pa gustong humiwalay sa katawang lupang bugnot.

sa kalagitnaan ng mainit na singaw ng biyaheng bumabaybay sa kahabaan ng pasig blvd, tila isang palakol ang tumama sa isipang lango sa pagod at antok. WHAPEEENG! alam ko na kung saan ako makakabili!! napangisi ako bigla at nagalak (bigla ako napatingin sa paligid..baka may nakakita at isiping bagulan ang isang katulad ko..buti na lang at wala).

nakarating ako sa destinasyon ko at dumeretsyo sa isang bake shop. bumili ako ng maliit na cup cake at isang kandilang dilaw. dali dali akong umuwi at eto ang nangyari...


at dahil diet daw si blog, ako na lang ang kumain ng cup cake niya.. papel at kandila na lang ang natira.
buuurrrp!

Miyerkules, Agosto 27, 2008

salamat!


mailap ang pagdalaw ng inspirasyon nitong nakaraang mga araw. marahil ay utal sa samu't saring dinadala ang sariling kaisipan. pilit mang humabi ay tila isang tigang na lupa pa ring naghihintay sa patak ng ulan.

ilang araw na lamang ay apat na taon na mula nang simulan kong buuin ang bakuran na ito. noong una'y imbakan lamang ito ng mga binuong salita hango sa paglalaro ng kaisipan. ni minsan, sa hinuha'y hindi ko napagtanto na isang mundo ang mabubuo sa lagusang ito. isang mundo kung saan mas mapag-iigting ang kakayahang naitatago ko.

natutunan kong alisin ang mga agam-agam sa sarili nang masimulan kong magsulat. nabuwag ang harang na namamagitan sa akin at sa mga taong nasa paligid ko. unti-unting nabuo ang tiwala para sa katauhang nasa likod ng isang palaboy. naging masaya ako.

ano ang nais kong iparating sa artikulong ito? simple lamang... hindi man kita makilala sa personal, nais kitang pasalamatan. kung hindi dahil sa iyo, hindi mabubuo ang mundo kong ito. sa loob ng apat na taon, isa ka sa naging
dahilan kung bakit patuloy na dumdaloy ang tinta ng panulat ko. sa panahong inilaan mo upang hagurin ng iyong mga mata ang mga salitang nakalathala sa pahinang ito, maraming salamat. isang karangalan ang makadaupang palad ang isang tulad mo.

hindi masasabi ng panahon kung hanggang kailan ang pagdaloy nitong mga salitang ipinagtagpi tagpi. subalit gayon pa man, saan man tayo abutin, masaya ko itong haharapin. hanggat may tinta itong panulat, hindi ako titigil sa pagsulat.

maraming salamat kapatid!

Huwebes, Agosto 14, 2008




igunuhit sa ating mga palad
ang landas patungo sa kasalukuyan.
naging mapait man ang nakaraan,
umagos itong tila isang ilog na rumaragasa.
tinahak ang pagkakataong ibinigay ng hawak-kamay.
sinuong at nilagpasan ang bawat balakid sa daraanan.
tulad mo, magpapatuloy ako.
magpapatuloy tayo..

Lunes, Hulyo 28, 2008

para sa bayan

lazy sunday night, hours before SONA, i sent out an SMS blast to all smart and tnt contacts on my phone book list. it was only a random thought and never expected someone to respond. after a few minutes, tantrum shoot me his message and same as joanne (blopen[at]kape) ..our balagtasan goes like this...

pen: sa kabila ng kaliwa't kanang sakit ng lipunan, halina't isayaw ang lasing na kaisipan.. PADAYON!!!

tantrum: at bukas, sa paglalahad ng kasinungalingan ng nagmamalaking pamahalaan, sabay sabay tayong sumigaw ng kalayaan para sa ating bayan. PADAYON!

pen: padayon! hindi dito nagtatapos ang laban ni juan. simula pa lamang ito ng pakikipagniig para sa karapatang sa atinay itinanggi. tayo ay magpatuloy!

joanne: isabay sa kalansing ng mga yelong nag-uumpugan, lipunang may anay mula sa bunbunan ng mga gahaman... ating pagkalango, isayaw... ikampay... sa pag-asang pananampalataya na sa ating mga puso'y nag-uumapaw...


tantrum: LABAN PARA SA KALAYAAN! BANGON JUAN! wag kang sumuko sa panggigipit ng mapang-abusong pamahalaan. dugo't pawis na pinuhunan, wag tayong patatalo sa buwitreng gahaman! LABAN!
pen: itaas ang telang bumabalot sa lahing nakagisnan.. isigaw ang iyong pangalan.. AKO SI JUAN! LALABAN AKO PARA SA AKING BAYAN!

tantrum: ako si juan! ako ay para sa bayan! at ang bayan ay para sa ating lahat! ipaglalaban ko ito kahit kapalit pa ang buhay ko! mahal ko ang bayan ko at lahat ng nagmamahal dito..MABUHAY ANG PILIPINAS!


this is how our thread goes until i dozed off. move forward juan... PADAYON!

Linggo, Hulyo 13, 2008

tigang

muling kong hinawakan
ang nangungulilang sandata
at inabot ang nagtatampong
lumang pergamino.
bahagyang pinagpag
at saka ibinuklat.

marahang kinananaw
ang hapong kaisipan.
inapuhap.
sininsay.


..
...
....

wala akong maisulat.

Biyernes, Hunyo 27, 2008

before and after frank

yes, i'm back. i was out for a couple of days from this sphere. i dealt with myself's emotion and short coming. it was last week when i bumped in with an illusive prank on a friend's page. there were foul words which hit me big time. i know for myself that i delivered my words the gentlest way that i could ( i even mistaken that person as somebody else) but in return, i still got that piercing chant. on the verge of this crap, i was hoping for an answer from my friend. but to no avail, i got nothing despite the tons of messages on his YM and his mobile. as always, he removed his cbox from his page. just that. i have my reasons as to why i'm ranting this way. friendship is so important for me. i took sometime off just so to have a break and think things over. this is how my blog looked like for a couple of days (right image). thanks for those who dropped in some message on my cbox. so sweet :)

let's cut the drama, there is more to rave about. recently, i joined The Blog Awards Challenge 3. my entry entitiled "ang pangalan ko ay pen palaboy" was the best entry and was the reader's choice. wee! i did not expect such recognition. thanks! thanks! thanks! congratulations as well to the rest of the winners, kudos!

my message goes:

maraming salamat sa lahat ng nagbasa, bumoto at nakiosyoso :D wala ni sa
hinuha ko ang mapabilang sa mga napangaralan. salamat sa mga hurado.ang
madaaanan ng inyong mga mata ang mga salitang sinambit ko ay higit pa sa
kaligayahang nadarama ko. hanggang sa muling pagkikita..

AKO SI PEN PALABOY!
aside from this, i have something to rave about. this happened hours before frank came to manila..


i so much love you guys!

Lunes, Hunyo 23, 2008

alak, yosi at ikaw

alak.
sa malamig at

mamawis mawis mong botelya
ako'y napapakapit sa tuwing
ika'y dumadampi
sa aking mga labi.
sa bawat daloy
ng taglay mong kamandag
ay kakaibang mundo ang nararating.

langit sa kalagitnaan ng realidad.
hari sa sirko ng tagay at kampay.


yosi.
sa maputi't makinis mong katawan
at sa amoy mong nakakabaliw
sinusuko ko sa 'yo ang bawat oras
ng kasiyahan at katahimikan.
sa bawat hithit ng
nakalalason mong gayuma
kakaibang ginhawa
ang nadarama.
tila tinatangay
at napapadpad sa kawalan.

ikaw.
ang nag-iisa kong ikaw.
mundo ng sariling katinuan.
ilaw sa bawat kadiliman
ng ating karimlan.
sa bawat hirap at ginhawa
nariyan ka at kaakibat.
binubura ang bawat luha
at pinapalitan ng walang
'sing tamis na saya.

alak, yosi at ikaw.
mga natatanging kakampi
sa bawat giyerang sugurin.
subalit sa tuwing lango na sa
kamandag at gayuma,
tila ako'y nakakalimot at tumatalikod.
bawat lagok
ay mapapait na luha
mula sa iyong mga mata.
bawat buga'y
nagbibigay sa iyo ng pangamba.
bawat basyong itinataob,
bawat upos na nalulupos,
katumbas ay mga
pangakong nadudurog.

hangad ko'y kapatawaran..
mahirap ma'y aking pipilitin
na ang alak at yosi
ay i-isang tabi.
pasasaan pa't
lilipas din itong kabataan
at kusang itutwid ang mali..
ang pagkukulang ay pupunuin..
panahon lamang ang aking hiling
at lahat ng iyong lumbay
ay aking kikitilin..


Linggo, Hunyo 15, 2008

friday the thirteenth

friday the 13th is considered a day of bad luck for most of us. thirteen (13) is said to be unlucky or irregular since it will always give you a remainder of 1 when your divide it by 2, 3 , 4 or 6. friday, on the other hand is considered a doomed day because for a fact, as per the bible, Jesus died on a friday.

the fear for this day is called paraskavedekatriaphobia derived from the greek word paraskevi (friday) and dekatreis (thirteen). although there are a number of significant accidents, i still considered it a lucky one.

it was last friday when i finally had my awaited rest day. i was excited. so much excitement that my heart almost burst. it's been a while since i went out on a friday night, considering that my life's routine is work and home.. a mall rat at times. two of my blog friends, BUNSO and
KUYA M, and i finally decided to meet in person.

i won't go on the details since it is for me to keep. with wasabi chips and overflowing beer, it was a blast! non stop laughter and story telling of topics anything under the sun.if not for the dawn, we would not stop.. i had fun. so much fun that it still gives me the same feeling of excitement right at this very moment. it is not everyday that i meet friends; this one, i will truly keep.

shall you track back my archive, you'll be able to see that this is one of the few happy posts, if not, this is the first of its kind. i don't usually brag about happy thoughts since i want them to remain inside me. i posted this just so you know how proud and greatful i am to finally meet them in person. this is just the beginning of an endless friendship... i won't let this slip anymore.

to bunso and kuya m, thanks! love you guys!






ngayon ay father's day. subalit hindi ko alam kung dapat ko ba itong ipagdiwang o ipagsawalang bahala na lamang. lagpas dalawang taon ko na rin kasing hindi nakikita ang perslab ng buhay ko. mailap kung siya ay magpakita sa panaginip. sa mga pagkakataong iyon, hindi pumapalyang manubig ang mga mata ko, animo'y nagmistulang pabrika ng mga luhang hindi alam kung saan tutungo.

si papa ang nag-iisang super hero ko. siya si shaider na handa akong ipagtanggol sa mga kasanib ni haring ley-ar. siya ang taga punas ng luha ko sa sandaling dumanak na ito, taga haplos ng likod ko sa sandaling ang kalungkutan ay sumaklob sa akin. parang salamanka na isang pitik lang ay maayos na ang lahat. nakita ko sa kanya ang ehemplo ng isang butihing ama at butihing asawa. maswerte kami ng mga kapatid ko sapagkat hindi niya kami pinabayaan. kabalikat ni mama, dalawa silang nagsumikap upang mabigyan kami ng marangal na pamumuhay.

pa, kung nasaang lupalop ka man ng kalangitan, nangungulila ako sa iyo ng lubus lubusan. makita lang kita kahit sandali, yayakapin kita ng sobrang higpit. hindi man kita nabigyan ng maginhawang buhay noong mga panahong ipinahiram ka Niya sa amin, alam kong higit pa sa kaginhawahang kaya kong ibigay ang ngayo'y natatamasa mo. mahal na mahal kita! happy father's day!

Linggo, Hunyo 08, 2008

doce de hunyo dos mil otso


si juan nasa lansangan
isinisigaw ang daing sa kahirapan
walang katapusang pangangatwiran

kumukulo
kumakalam
sikmura'y walang laman

umaalab
sumisilab
kalooba'y humihilab

nag-aaklas
napupumiglas
salitang sandata'y ibinibigkas

nagniningas
pumapagaspas
mga paa'y kumakaripas

tumatakbo
humahabol sa kalayaang
kanyang nais matamo

umaasa, nakikibaka
itodo mo na boses mo'y kulang pa
ilang dekada pa ba upang ika'y dinggin nila

JUAN!
bakit ika'y paroo't parito
hindi alam kung saan patutungo

nasaan na, nariyan pa kaya
kalayaang ipinamana
ng mga ninuno't mga kasama

si juan nakahandusay sa lansangan
tirik ang mata
hindi na humihinga


_________
image source: bulatlat.com

Biyernes, Mayo 30, 2008

Ang Pangalan ko ay Pen Palaboy


Ako si Pen Palaboy. Hindi ko tunay na pangalan subalit mas kilala sa ganyang bansag. ilang taon na din ang nakalilipas noong una kong bininyagan ang sarili sa ganyang tawag. Napagtanto ko, bakit nga ba tila nakatayo ako sa likod ng pangalang ito? Wala naman akong kinatatakutan o pinagtataguang nilalang. Totoo naman ako sa aking sarili, sa aking ipinahahayag at sa aking isinusulat. Totoo ako sa lahat ng nakakakilala sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, bakit pinili ko pa ring maging anino ng isang pangalang binuo lamang ng aking pag-iisip? Sa totoo lamang, kung hindi dahil sa challenge na ito, hindi ko maitatanong ang sarili kung bakit kailangang magkaroon ako ng pen name.

Napagisip-isip ko na marahil para sa karamihan, ang pagkakaroon ng isang alyas ay isang paraan para magkaroon ng misteryo ang kanilang identity. Naroon nga naman ang thrill kung hindi kilala ng mga mambabasa ang tunay na pagkatao ng may akda, kung baga isang blind item pagdating sa usapang showbiz. Malaya nilang nasasabi ang nais nilang isiwalat nang hindi nalalaman kung sino ang tunay na nilalang sa likod ng pangalan. Ngunit sino nga ba naman ako upang magsalita para sa kanila? Hindi ko hawak ang kanilang saloobin at pagkatao sa usaping ito. Para sa akin, sa tuwing nag-uumpisang maging aktibo ang panulat ko, isang panibagong nilalang ang nabibigyang buhay. Isang katauhang malayo sa AKO sa pang-araw araw na pamumuhay. Sa pagkakataong iyon, naihahayag ko ang nais kong sa sabihin sa paraang alam kong gawin.

Sa realidad, ang katawang lupa ay nakatali sa maraming bagay: trabaho, bahay at pamilya. Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at ng oras. Kahit anong paraan ay hindi kailanman matatakasan ang mga bagay na ito. Tila ang sarili ay nakakulong sa apat na sulok ng isang kahon. Limitado ang bawat galaw at bilang ang bawat hakbang. Alam kong obligasyon ko ito sa mga kaluluwang nakapaligid sa akin. Subalit sa isang banda, masasabi kong hindi ako malaya. Hindi malayang gawin ang mga bagay na lubusang makapagpapaligaya sa akin. Marami nang pagkakataon ang kumatok para maabot ko ang minimithing mga pangarap subalit sa hindi matawarang mga katungkulan, madalas ay kibit-balikat ko na lamang na pinapanood ang pagdaan nito sa aking harapan. Sa mga ganitong okasyon, matinding kalungkutan at pagsisisi ang bumabalot sa akin lalo pa at hindi ko nakasanayang maging bukas sa aking tunay na nararamdaman. Marahil ay dulot na rin ng pangambang baka ako ay hindi maintindihan at hindi mapankinggan. Alam ko na ang sariling hinaing ay wala sa kalingkingan ng sakit na dinarananas ng ating lipunan. Subalit kung ang bawat butil nito ay iipunin, isang tipak ng nagpupumiglas na kalooban ang mabubuo. Kaloobang puno ng katanungang wari ay wala nang katapusan.

Bago ako naging ganap na si Pen Palaboy, nagsimula ako bilang si Penslave. Pen dahil sa hilig ko sa pagsusulat at slave dahil ako ay alipin ng aking panulat. Hindi nagtagal at dumating ako sa panahong kinailangan kong humanap ng kasagutan sa mga tanong na patuloy na namumutawi sa aking pag-iisip. Mga tanong na kahit isulat pa ang buong litanya nito ay hindi matutuldukan ang walang katapusang mga pag-aagam agam. Dahilan upang tumigil ang aking kamay sa paghabi ng mga salita. Sinuyod ko ang bawat kayle at eskinita ng aking kaisipan kasabay ng paglalakbay ng aking mga paa. Paglalakbay na walang eksaktong lugar na pinanggalingan at walang eksaktong patutunguhan. Nakalutang ako. Lango sa problema. Hinayaan kong matuklasan ng mga lumilipas na oras ang bawat sagot sa kumakalampag na mga tanong sa akin. Sa hindi matawarang dahilan, nakatulong ang paglalakbay. Nahanap ko ang mga kasagutan sa mga salitang saan, papaano, kailan at bakit. Sa pagkakataong iyon, muling dumaloy ang natuyo kong tinta. Muli akong kumapit sa panulat at humabi ng salita. Dito isinilang si Pen Palaboy.

Bilang si Pen Palaboy, nasimulan kong ilahad ang lahat ng nasa isipan ko. Lahat ng mga nakabibigat sa kalooban ay unti unti kong napakawalan sa tulong nitong butihing panulat. Noong una ay wala akong pakialam basta’t nagsusulat ako sa sariling kagustuhan, bilang outlet at hingahan ng problema. Hindi nagtagal, nagkaroon ako ng mga mambabasa, mga kaibigan at mga tagahanga. Dito, naramdaman ko na kabilang ako sa sirkulo ng bagong mundong ginagalawan ko. Kinagiliwan ko ang mainit nilang pagtanggap. Ang bawat salitang isulat ay katumbas ng tunog ng isang batingaw, nililingon, dinidinig at binibigyang pansin. Masaya ako. Malaya.

Sa mundong pinaghaharian ng kabi-kabilang kurapsyon, trapiko at pagbabago, ako ay tinatawag na DANG. Tahimik at hindi naririnig ang munting tinig. Sa mundo ng salita, larawan at kuro-kuro, ako ay kilala bilang PEN PALABOY. Nilalang na ang tanging sandata ay emosyon bilang sinulid sa bawat salitang hinahabi. Hindi man natamasa ng katawang lupa ang kalayaang inaasam, sa mundong ito ay malayo pa ang mararating ng bawat salita ko. Kasama mo, aangkinin natin ang mundong ito.

__________________________
"This is my entry to the Blog Awards Challenge No. 3: The Hazards Of Honesty"

Linggo, Mayo 18, 2008

my mood was quite pumped up when vener told me about the LIRA workshop the other day. i started day dreaming afterwards. wishfully thinking that a dream is about to come true.

at half past six in the evening, reality started to bite me and it is knocking my insanity out of me really hard.. hello!! does a 24/7 account rings a bell??? that was my mind yelling at me. i am working on a laid-back job that pays averagely and it goes round the clock. my shift goes on a weekly or sometimes monthly basis. so i could never really tell when my next rest day would be.

next shift came and i decided to request for a permanent week end rest day for the months of june to august. with fingers crossed and high hopes, i emailed the workforce and my supervisor as well. it was wednesday then.

it's already sunday and i have not received any respond from both parties. the hour glass is almost up for the submisson of applications (whooosssshh.. there goes LIRA) and nothing from them. in an obvious way, it is a big fat NO!

it just saddened me how work hinders me from the things that i like. i know that i am not working on a normal 8-5 job but i cannot simply ignore this opportunity. i love my work and there is no doubt about it. however, this is not my life, writing is. it is my passion. the entity that keeps my sanity burning.

i guess i am left with no choice but to wait for another one to knock my door..


Huwebes, Mayo 15, 2008

im currently at work, staring blankly at my monitor. waiting for a call to penetrate my avaya, thinking..wishfully thinking that my permanent rest day request will be granted. it will be just for all saturdays and sundays from june to august (is it too much to ask for?? *wink! wink!*). this urgent request is for the upcoming LIRA workshop.. yes! a writing workshop that i've been dying since ages to attend to. and now, it is already in front of me, inviting me, pulling me, teasing me, tickling me (as if hearing the song oh lumapit ka.. kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..)

it was just a few days ago when vener and i bumped into each other in ym.

vener: musta?
pen: ok lang. kaw?
vener: ok lng din. punta ka ba sa LIRA?
pen: ano un?
vener: writing workshop un. punta ka website
nila.

pen: cge cge. ano
url?

vener: search mo na lang,
hindi gumagana saken dito ung link

vener: sat at sun yan
pen: darn!
vener: d ka makapunta?
pen: dko sure e kc work..
vener: sayang nman.
pen: kaw punta?
vener: hindi e.
pen: waaah! bakt?
vener: madami kc ko gagawin..


(at nagkaroon na ng mahabang pause hanggang nag log out na ang isa sa amin..at hindi eto ang eksaktong mga salitang ginamit..props lang hehe!)

im crossing my fingers (and toes too..if it is hell possible to do!) that this will be granted. im calling on the patron of writers and godess of quills! writing is my passion and enhancing it will be a big step for me.

i've been writing (in filipino) since the era of pinoy alternative genre popped out of its shell,the time when ely is still the drop-dead-frontliner of eheads (o pare ko meron ka bang maipapayo? kung wala ay ayos lang..). this is a personal choice, since this is one way of showing my love for our country (pero sa entry na to english talaga dapat :D). i never thought that writing would be my passion. it started as one of the what if moments in my adolescence..what if im a band member who sings her lungs out for the song she wrote..or what if im a song writer of a chart buster song.. or simply what if im a writer who spills out what's on her mind.. the rest is history.. naks!

soooo.. for you who is reading this, please..PLEAAAASSSEEE (i'm begging please) to include me in your prayers *beautiful eyes * hehehe!

thank you! ok back to work..

by the way para sa mga nais ng kabuuang detalye tungkol sa LIRA, paki-click lamang ang kasunod na screen shot (nose bleed nako :D )..ok back to work na talaga..






Martes, Mayo 13, 2008

sa palagiang bangayan
hindi nakakatulong ang isinasambulat mong mga kataga

sa kasalukuyang kalagayan ng katawang lupa
umaapaw ang pagdurugo ng kaluluwa
damdaming sumisigaw sa kalagitnaan ng pag-iisa


TAMA NAAAAAAAAAAA!!!

pang-unawa mo ang kailangan ko...


Biyernes, Mayo 09, 2008

sa piling ni nanay

sanay di magmaliw ang dati
kong araw

nang munti pang bata sa
piling ni nanay

nais kong maulit ang awit
ni inang mahal

awit ng pag-ibig habang
ako'y nasa duyan...






salamat inay.
payak. walang mapalabok na mga salita.
salamat.
hindi matatawaran ang kadakilaang dala mo sa mundong ito.
sa bawat pawis na tumutulo mula sa iyo, katumbas ay hangad na magandang kinabukasan para sa aming mga iniluwal mo.
sa bawat haplos, yapos at akap mo, dulot ay kaginhawahan sa nagugulumihanang pag-iisip ko.
sa iyong pag-aaruga, lumaki akong maayos at may takot sa Diyos.

salamat, inay.
sa panahong ako'y naliligaw, ikaw ang naging tanging ilaw sa landas na dinaanan.
sa iyong mga payo at pangaral, natuwid ang baku-bakong pangangatwiran ng bibig na ito.
hindi man matumbasan ng kahit ilang salamat ang sakripisyo mo sa amin,
hindi man mahabi ng isang maestro ng pluma ang kadakilaang dulot mo..
narito pa rin akong supling mo.. nagpapasalamat dahil kung hindi sa iyo hinid ko mararating ang bantayog ng mga pangarap ko.

maraming salamat inay!

Miyerkules, Abril 30, 2008

paglalakbay

kamusta?
dalawang taon na din ang nakalilipas nang huli tayong magkita.
malaki ang iyong ipinagbago mula nang huli kong maramdaman ang mga yakap mo.
masaya ako't muli ko na namang nasilayan ang mga ngiti mong nakakapagpapawi ng pagod ko.

matagal tagal ko na ring ninais na muli kang makapiling.
sana'y huwag nang kitilin itong nilaang sandali.
sana'y sa pagkakataong ito ako ay manatili sa iyong tabi
upang muling ipagpatuloy ang mga naudlot na layunin.

nawa'y huwag mong isiping nilisan kita.
sapagkat ito ay higit na hindi naging madali para sa akin.

labis na mahirap ang makitang
may dumdaloy na luha mula sa iyong mga mata.

sana'y mayroon akong paraan upang maibalik ang bawat panahong nagdaan,
panahong kung saan ang lahat ay nasa akin pang mga palad
ang bawat sandali'y susulitin, walang oras ang sasayangin
at sa piling mo, tayo ay magsisimula muli.

at ngayon na ikaw ay muling kapiling,
tulad mo, ako ay lubusang nananabik.
isang pagkakataon upang ang lahat ay muling sariwain
mga panahong isa-isang lumipad mula sa pahina ng ating gunita.

natatandaan mo pa ba ang mga panahong iyon?
nawa'y manatili ako sa isip mo at ang mga kahapong ako'y kasama mo.
ang bawat halakhak na ating pinagsaluhan at bawat luhang aking pinunasan.
lahat ng mga iyon, dito'y hindi mawawaglit sa puso ko.

hanggang dito na lamang muna, tapos na ang sandaling ipinahiram para sa atin.
sa pagkakataong kailanganin mo ang isang tulad ko,
agad kong didinggin ang tawag mo.
hindi mo man ako masilayan ay agad akong lilipad sa piling mo.

hanggang sa muling pagkikita.
ang mga habilin ko'y huwag mong kalilimutan..
sige na, huwag mo na akong lingunin..
huwag ka nang muling luluha pa..

sige na, sige na anak.
humayo ka na at imulat ang iyong mga mata.
narito lamang ako at hindi ko kayo pababayaan.
gumising ka na mahal kong anak..


___________________
RIP papa
we miss you badly..

Biyernes, Abril 18, 2008

liham ng isang mangingibig

hindi ko alam kung paano magsismula..

maraming salamat sa lahat. maayos na ako ngayon kahit papaano. iniisip ko na lamang na sa takdang panahon, malalaman at maiintindihan ko din ang itinatgo mong dahilan. makakasabay na din ako sa ago
s ng maramot na panahon at muli akong makakabangon. alam mong naging masaya ang isang tulad ko sa piling mo. tila ang lahat ng mga bagay ay una para sa akin. ikaw ang naging dahilan ko upang salubungin ang bawat araw na may ngiti sa aking mga pisngi. lahat ng pangamba, sa tuwing ikaw ay kapiling, ay naglalaho na tila mga bulang nagpuputukan sa himpapawid. lahat ng pag-aagam-agam ay nasasagot sa oras na ako'y makulong sa iyong matitipunong mga bisig.


huwag kang mag-alala, hindi kailanman ako magkakaroon ng galit sa puso ko. sa kaisipan ko'y hindi ko mahanap ang rason upang mamutawi ang panibugho. alam kong nahihirapan ka din kagaya ng aking nadarama. hindi kita tatanungin, sapagkat marahil ang dahilan mo ang kumitil pa sa akin. isang nakakatuwang bagay lamang na may iilang buwan pa lamang ang nagdaaan ay tila isa kang makatang handang ibigay ang mga bituin sa akin. makalipas ang ilang saglit, kung bakit ay parang hinipan ka ng hangin palayo sa akin..

magiging mabait at maayos ako tulad ng palaging bilin mo sa akin. hindi ko kakaligtaan ang mga iyon. alam ko nariyan ka lamang. hindi mo man natupad ang mga pangako mo sampu ng mga pangarap mo para sa atin, alam kong nariyan ka lamang. nakamasid at patuloy na umaantabay. hindi kita kalilimutan, ang isang tulad mo ay may pitak na dito. patuloy akong magmamahal.

sa sandaling sumapit ang dapit hapon, umaasa ako na ikaw ay nasa tabi ko.. maghihintay ako.



Martes, Abril 08, 2008

ARRRGGGHHH!!!

i've had my shift for this week for 7days, graveyard shift, straight... im now having this pretty awkward feeling of floating. darn! few more hours and ill be heading home to hybernate and do the catching up with the current events and with my friends in the internet. (yipppeeee!) surely it will be long hours of chat ang giggles for i have been out for quite a long time now.

amidst the ecstasy of the overwhelming calls and emails on a monday afternoon (PST), my QA called my attention for a dose of OTO (quality grading session for calls and emails) and eureka!!! another flunking grade!

POTAENA! yes i am hell pissed off!!!. wtf is wrong with my calls and emails when that gothling girl's my QA???
naaahh..i know you all don't have the answer for this, neither do i. just want to rant about it.. ohh well, so much for my looking-forward-for-my-rest day excitement.

i was told that there would be another ramp down this coming april (i.e. transferring agents from our account to another). it would be based on the QA scores for the months of january, february and april..so what happend to march?? it would not be included due to system inaccuracy..dammit! considering i got oh so high QA grades during that month. PUñETA! im just crossing my fingers for higher and better calls this april..grrr! that goes for you as well gothling!


gotta go..lunch time.

Biyernes, Abril 04, 2008

kundiman

sa sinisipat kong gunita,

ikaw ang tanging kantang
hindi malapatan ng musika.
pilit ko mang awitin ay
tila walang tinig ang marinig.
pilitin ko mang bumirit,
paos na boses ang isinasambulat ng bibig.

nais kitang awitan
at hayaang ang ritmo nito ang sa iyo'y yumakap.
nais kong ibulong ang damdamin
sa pamamagitan ng mapagkandili nitong uyayi.
nais kong isa-titik yaring isinisigaw ng aking sarili
at hayaang saniban ako ng kaluluwang mulat
upang hindi lamunin ng mapang-akit na gabi
ang natitirang lasing na pag-iisip.

sa pagkalabit ng marurupok na kwerdas
ng inaalikabok kong gitara,
imahe mo ang kumikiliti
sa ulirat na lango sa halimuyak ng iyong alaala.
ang mapupungay mong mga mata
at ang iyong taglay na ngiti
na dulot ay kakaibang kilig sa akin.

nais kong isa-himig ang iyong alaala..
ang alaala nating dalawa..
hanggat narito pa ang nakaraan sa lumbay na aking nadarama.
marahil sa pagkakataong ito,
ako ay iyong muling lingunin
at sa ganitong paraan,
ikaw na aking musika,
ay muli nang magbalik sa akin..

Huwebes, Marso 27, 2008



Sabado, Marso 08, 2008

tinig

sino ako?
ako ay isang babae.
babaeng tangan ng mapagkandiling mga bisig
subalit sa pagsapit ng gabi,
ako ay niyayakap ng kanyang
malalambing na suntok, dagok at pambubugbog.

mga salitang nakakapaso sa tuwing siya'y lango sa kanyang bisyo.


sino ako?
ako ay isang babae.
hawak ay aklat at aktibo sa pag-aaral
tanging dalang sandata patungo sa kinabukasan.
subalit sa pagsapit ng dilim,
katauhan ay ikinukubli sa indak ng mapang-akit na musika
at nakasusulasok na panandaliang aliw sa kama.
sa ganitong paraan ay maitatawid ko sa kahirapan ang aking pamilya.

sino ako?

ako ay isang batang babae.
sa halip na mamulat sa mundong kinikilala ang paglalaro
ito'y pinuno ng kabi-kabilang pasakit at panibugho.
sa halip na ang kayakap ay magiliw at nakangiting manyika,
sa pagtulog ay katabi ang naglalakihang pulutong ng mga baril at sadata.
kapayapaan ang hangad sa mundong kinamulatan.

sino ako?
ako ay isang babae.
iniluwal ng isang ina mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.
hinubog sa aruga at mainit na pagmamahalan.
subalit bakit ako umiiyak at tila nauubusan ng pag-asa?
bawat patak ng luha ay katumbas ng lakas na nawawala
napapariwara at naliligaw sa bawat lakad na ihakbang.
gayun pa man ay pilit pa rin hahawiin ang ulap sa aking tinatahakan.

ikaw. babae.
saan man tangayin ng hangin,
ano man ang landas na suyurin,
kahit na ilan pang kalamidad ang suungin,
ikaw pa rin ay mananatiling nilalang ng kagandahan at pag-ibig.
ikaw ang tagapagsaboy ng liwanag sa daang mapangalaw
isang mapagmahal na anak sa naghihikahos na magulang,
isang musmos na nakatuon sa kapakanan ng karamihan,
isang kaluluwang muling nahanap ang tamang daan.

babae,ilabas mo ang iyong damdamin.
palayain mo ang sarili at huwag manatiling alipin
sa bugkos ng bulok na lipunang sa iyo ay kumubli.
lumipad ka!
tumakbo!
abutin mo ang mga pangarap mo.
huwag kang manahimik na lamang sa isang tabi
iparating mo ang nais mong sabihin.
sumigaw ka!
kumanta!
babae, malaya ka!

lumaya ka...